Episode 6

2246 Words
ZOEY Malapit nang dumilim ang araw ay hindi pa rin ako tapos sa labahan ko sa mga damit ni Raydin. Tudo ingat rin ako sa pagkukusot at paglalaba dahil mamahalin ang mga damit niya. Baka mamaya magasgasan pa ito at pababayarin niya pa ako. ''Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa? Kung bakit sunod-sunuran ako sa mga utos niya? Ngunit gusto ko lang iparating sa kaniya na kaya ko magtiis. Kahit anong pagsubok na dumaan sa buhay ko ay kaya kung lampasan. Habang nagkukusot ako ng mga labahan niya ay siya namang pagsulpot niya bigla sa laundry area. ''Hindi ka pa ba tapos riyan? 'Yong niluto mo kaninang umaga napanis na lang,'' wika niya sa akin. ''Hindi naman panis ‘yan dahil nasa ref iinitin ko na lang. Hayaan mo na lang diyan dahil kakainin ko ‘yan,'' malamig na sagot ko sa kaniya. ''Kakainin mo 'tong kanin na panis na 'to? Sa sunod kasi magtanong-tanong ka muna bago magsaing para hindi masayang ang pagkain!'' bulyaw niya sa akin. Ang kanin ay hindi ko pala nailagay kanina sa ref. ''Hindi nga 'yan masasayang. Hayaan mo lang kasi diyan at ako na ang bahala riyan. Ano ba ang gusto mong ulam para mamaya?'' kalmado ko pa rin tanong sa kaniya. ''Mag-order na lang ako para sa hapunan natin. Pakitapon na rin ng rice cooker dahil napanisan na iyan. Bibili na lang ako ng bago,'' utis niya sa akin. ''Bakit mo naman itatapon? Eh, puwede pa naman 'yan gamitin. Saka nga pala um-order ka na lang para sa'yo. Ako na ang bahala ng pagkain ko mamaya. Baka kasi ‘di lang maubos ang in-order mo at masayang lang ulit." ''Bahala ka! Siguraduhin mong malinis 'yang mga damit ko at walang sira!'' paalala niya pa sa akin. ''Oo na, Senorito!'' naiinis kong sagot sa kaniya. Tumalikod na siya at marahil ay nagtungo siya sa sala. Dumudugo na ang kamay ko sa kakakusot sa damit ni Raydin ay tiniis ko lang ang hapdi. Natapos ako maglaba bago mag-alas nuebe ng gabi. Isinampay ko na muna iyon bago naligo. Halong pagod at gutom ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako sa aking silid. Paglabas ko sa sala ay wala roon si Raydin. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa gutom. Nagtungo ako sa kusina at tiningnan sa rice cooker ang panis na kanin. Iniinit ko iyon at ininit ko rin ang natirang hotdog kanina at ang sabaw ng batsoy. Nakalagay naman iyon sa ref kaya ininit ko muna iyon. Hindi pa naman iyon panis. Tamad na ako magluto dahil hindi ko na makaya ang gutom. Matapos kong initin lahat ay hinain ko na iyon at kinain. Sa sobrang gutom ko ay hindi ko na nalalasahan ang panis na kanin. Inubos ko lahat ng natirang pagkain kaninang umaga. Nakakain na rin siguro si Raydin at siguro ay nasa kaniyang silid na siya. Pagkatapos kung iligpit ang mga pinagkainaan ko ay pumasok na rin ako sa aking silid. Mabuti na lang at may sarili akong silid. At least safe ang p********e ko sa pangit kong asawa. Hindi pa naman ako handa na makatabi siya. Pagsapit ng madaling araw ay ang sama ng pakiramdam ko. Nilalamig ako at panay ang pabalik-balik ko sa banyo. May lbm ako at parang nilalagnat. Dagdagan pa ng hapdi sa mga kamay ko na puro sugat dahil sa pagkukusot ko ng labahan ni Raydin. Sibrang sakit ng tiyan ko at ilang beses ako pabalik-pabalik sa banyo. Nang panglimang balik ko sa banyo at paglabas ko roon ay nakita kong nakatayo na si Raydin sala. Nakahawak ako sa aking tiyan at napapangiwi sa sakit. ''Anong nangyari sa 'yo at parang pasan mo ang mundo?'' tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ako sa silid ko dahil mas lalong sasama lang ang pakiramdam ko kapag pinansin ko pa siya. Pinagpapawisan ako ng malamig at inaapoy na ako ng lagnat. Doble na nga ang kumot ko pero nanginiginig na ako sa lamig. Hindi na ako nag-aircon kagabi dahil nilalamig ako. Ilang sandali pa ang lumipas ay narinig ko ang katok sa pinto. ''Zoey! Anong ginawa mo rito sa mga damit ko, ha? Bakit amoy sabon 'to? Hindi mo pa ito nilagyan ng Fabric conditioner?'' tanong niya sa akin na kunot ang noo. Hindi ako umiimik dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Ngunit malakas na katok ang ginawa niya na halos sirain niya na ang pinto. ''Zoey! Ano ba? Banlawan mo ulit 'yong mga damit ko!'' malakas na sigaw niya sa akin. Napilitan akong bumangon para hindi na siya mag-ingay pa. Dahan-dahan akong bumangon at naglakad sa may pintuan. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang pangit niyang mukha na galit. ''Hindi mo man lang ba nilagyan ng fabric conditionare ang mga damit ko?'' galit niyang tanong sa akin. ''Pasensya na at nakalimutan ko,'' sagot ko sa kaniya. ''Babanlawan ko na lang ulit. Magpapatimpla ka ba ng tea?'' ''Ako na ang magtitimpla ng tea ko. Magsaing ka na lang dahil gusto kong kumain ng kanin ngayong umaga,'' utos niya sa akin. Hindi na ako umimik at pilit na hinahakbang ang mga paa ko na nangangatog sa lamig. ''Zoey, ayos ka lang ba?'' tanong niya sa akin na may halong pag-alala. Subalit bigla na lang akong natumba dahil sa sama ng pakiramdam ko. Mabuti na lang at nasalo niya ako. ''s**t! Ang init mo,'' narinig kong wika niya at binuhat niya ako at dinala pabalik sa silid ko at inilapag sa kama. ''Bakit hindi ka nagsasabi na masama ang pakiramdam mo?'' parang naiinis niyang tanong sa akin. ''Kanina lang sumama ang pakiramdam ko. Pabalik-balik ako sa cr,'' mahina kong wika sa kaniya. ''Ano ba ang kinain mo?'' halatang naiinis siya sa tanong niyang iyon sa akin. ''Yong natirang kanin at hotdog at 'yong sabaw na ginawa ko sa 'yo no'ng nakaraang araw,'' mahina kong sagot. '''Di ba, sinabi ko sa'yo na itapon mo na 'yon? Panis na ang mga 'yon, Zoey! Tanga ka ba?'' iretable niyang sabi sa akin. ''Dahil ayaw kong masayang ang pagkain,'' wika ko sa kaniya na nanginiginig na ang aking katawan sa lamig. ''Kahit nga siguro aso hindi kayang kainin 'yon. Dalhin na kita sa hospital,'' sabi niya at akmang bubuhatin ako. ''Huwag na. Baka madagdaagan ang utang namin ni Tita sa iyo. Saka ayaw ko sa hospital. Kung may gamot ka sa pagtatae at lagnat pahingi na lang,'' pigil at tanggi ko sa kaniya. ''Tsss... 'Yan utang pa talaga ang iniisip mo. Dadalhin na kita sa hospital para magamot ka kaagad,'' aniya at bubuhatin niya sana ako ngunit pinigilan ko ulit siya. ''Huwag mo na akong dalhin sa ospital, Raydin. Parang awa mo na ayaw ko pumunta sa ospital,'' sumamo ko sa kaniya. ''Pero baka mapaano ka,'' pag-aalala niyang wika sa akin. ''Ayaw ko sa ospital. Ayaw ko na roon,'' naiiyak kong pakiusap sa kaniya. ''Okay, huwag ka ng umiyak. Bibigyan na lang kita ng gamot,'' aniya. Kinumutan niya ako bago siya lumabas ng silid ko. Hindi naman nagtagal ay bumalik rin siya kaagad sa aking silid at may dala na itong gamot at tubig. ''Inumin mo na ang gamot na ito, Zoey,'' aniya at inalalayan niya akong makainom ng gamot. Maya pa ay naramdaman ko na pinunasan niya ng bimpo ang noo ko at leeg at pati na ang kamay. "s**t! Bakit may mga sugat ang kamay mo?'' narinig kong tanong niya sa akin. Mabigat ang pakiramdam ko, kaya hindi ko na siya sinagot. Maya-maya ay nakatulog na ako. ''Babe, please patawarin mo ako,'' iyak niyang wika sa akin. ''Harap-harapan mo akong pinagtataksilan! Anong nagawa kong mali sa‘yo para ganituhin mo ako? Hindi ba ako sapat dahil hindi ko ibinibigay ang p********e ko sa'yo? Akala ko ba naiintindihan mo ako pero ano itong ginawa mo? Pinagtaksilan mo ako! Ayaw ko na sa'yo mag-break na tayo!'' sigaw ko sa kaniya at patakbong lumabas sa isang silid. Hinabol niya ako at naabutan niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit sa aking likuran. ''Babe, patawarin mo ako. Hindi ko na uulitiin. Ikaw ang mahal ko, Babe.'' ''Sinungaling ka!'' sigaw ko ngunit bigla na lang siya sinagasaan ng malaking truct at nakita ko ang nakahandusay niyang katawan na puno ng dugo at wala ng buhay. ''Babe!'' sigaw ko. Bigla akong nagising sa masamang panaginip na naman. Hindi ko alam pero humagulhol na ako sa iyak. ''Babe?'' iyak kong sambit. ''Zoey, nanaginip ka,'' wika sa akin ni Raydin na nakayakap sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pinagpira-piraso ang puso ko sa sobrang sakit. Humagulgol ako ng iyak dahil sa sobrang lungkot at sakit na nararaamdaman ng puso ko. ''Zoey, stop crying. Nanaginip ka lang,'' pag-aalo sa akin ni Raydin. Hanggang sa na realize ko na bakit ito nakayakap sa akin? Itinulak ko siya ng malakas. ''Anong ginagawa mo sa silid ko? Bakit ka nakayakap sa akin? Manyak ka! Gusto mo akong pansamantalahan!'' sabay hampas ko sa kaniya ng unan. ''Hey! Stop it!'' pigil niya sa kamay ko at kinuha sa akin ang unan. ''Ano ba? Nilagnat ka kanina at nanginginig sa lamig.. Niyakap kita para maibsan ang lamig na nararamdaman mo. Hindi ko napansin na nakatulog ako. Ginising kita dahil nanaginip ka!'' galit niyang paliwanag sa akin. Naalala ko na masama pala ang pakiramdam ko kanina, kaya kagat labi na lang ako. Tumayo siya sa kama at pabatong inihagis sa akin ang unan. ''Next time, pabayaan na kitang mangisay sa lamig. Porket nakayakap manyak agad? Saka kahit manyakin man kita wala naman sigurong masama dahil asawa kita!'' ''Pasensya na nabigla lang kasi ako. Ano oras na ba?'' tanong ko. Tumingin siya sa kaniyang relo at binalingan ako. "Tanghali na, magluto lang ako ng pagkain para makainom ka ulit ng gamot. Kamusta ang pakiramdam mo?'' ''Hindi na masakit ang tiyan ko pero nanakit pa rin ang katawan ko at medyo masama pa rin ang pakiramdam ko,'' sabi ko sa kaniya. ''Okay, magpahinga ka muna riyan at hintayin mo ako. Saglit lang naman ako magluto,'' aniya at lummabas na ng aking sillid. May magandang puso rin pala ang pangit na ito. Nakahiga lang ako sa aking kama at iniisip ko kung ano 'yong panaginip ko. Nakalimutan ko na tuloy kung ano 'yon. Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Raydin at may dala itong tray na may pagkain. Inilapag niya iyon sa bed table. ''Lugaw lang muna ang kainin mo para may laman ang tiyan mo at hindi mabigla. Sa sunod huwag ka ng kumain ng panis na kanin,'' sabi niya sa akin at hinahalo niya ang lugaw para lumamig ng kaunti. ''Marunong ka pala magluto ng lugaw?'' tanong ko sa kaniya. ''Madali lang naman Zoey, ang gumawa ng lugaw. Kahit ang pagawa ng bata ay madali lang din gawin,'' sabi niya sa akin. Napataas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. ''Ewan, ko sa 'yo! Mabuti pa kumain ka na lang din at baka nagugutom ka na,'' sabi ko sa kaniya at kinuha ang kutsara sa kamay niya. ''Iba ang gusto kong kainin, Zoey. Gusto kong kainin ay 'yong dinadaanan ng bata,'' pilosopo niyang wika sa akin. ''Ang bastos mo, Raydin! Kumakain ako, oh!'' naiinnis kong sabi sa kaniya. ''Hahahaha... Biro lang, masyado ka naman seryoso,'' aniya sa akin at tumawa pa ito. Mas maganda pakinggan na tumatawa siya. First time kong makita siyang tumawa. Sunod-sunod ang pagsubo ko dahil sa tensyong nadarama. Sa tuwing nalalanghap ko ang mabango niyang hininga ay parang nang-iinit ang katawan ko. Kapag dumidikit ang mga balat namin ay kakaibang kuryente ang dumadaloy sa buo kong katawan. ''Huwag ka kasi magbiro ng ganiyan. Kahit mag-asawa tayo hindi pa ako handa na ibigay ang katawan ko sa'yo. Sana maintindihan mo, hayaan mo na maging handa na ako at ibibigay ko rin ito sa'yo,'' seryoso kong wika sa kaniya. Tumawa naman siya ng bahagya. ''Anong pinagsasabi mo, Zoey? Kahit handa ka pang ibigay ang katawan mo sa akin hindi ko pa rin gagalawin iyan! Maraming babae na puwede kong bayaran para mapaligaya nila ako.'' Masamang tingin ang iginawad ko sa kaniya. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. ''Bakit ba kayong mga lalaki ang hilig niyong mambabae? Hindi pa kayo kuntinto sa asawa ninyo naghahanap pa rin kayo ng ibang panlasa." ''Dont tell me na hindi ka mandidiri sa akin kapag inangkin na kita bilang asawa?'' tanong niya sa akin. ''Bakit naman ako manndidiri sa'yo? Mukha mo lang ang pangit, Raydin. Pero kung ang puso mo ay busilak, kahit ano pa ang mukha mo hindi ako mandidiri sa 'yo dahil asawa kita. Kailangan kong turuan ang sarili ko na mahalin ka at tanggapin kahit ano pa ang mukha mo,'' seryoso kong sabi sa kaniya. ''Well, let see, kung hanggang saan aabot ang pananaw mong 'yan,'' aniya sa akin na parang may ibig sabihin. ''Hanggat kaya kong unawain ka. Kaya, huwag mo sana akong husgahan dahil mamahalin kita kahit ano ka pa kapangit. Mahalaga sa akin ang pamilya at sagrado ang kasal sa akin. Pinapahalagahan ko ang mga taong ibinigay ng Diyos sa akin. Ibinigay ka niya sa akin, kaya mamahalin kita, papahalagahan bilang kabiyak ko,'' seryos ako sa sinabi kong iyon sa kaniya. ''Mabuti pa bilisan mo ng kumain at para gumaling ka. Napakadaldal mo,'' aniya at siya na ang nagsubo sa akin ng lugaw. Naubos ko ang lugaw na gawa ni Raydin. Ang sarap niya pala magluto. Pagkatapos kong kumain ay pinagpawisan na ako. Si Raydin na rin ang nagligpit ng pinagkainan ko at pinagpapahinga niya lang muna ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD