Episode 8

2265 Words
ZOEY After 2 years Dalawang taon na ang nakalipas nang ikinasal kami ni Raydin. Minsan ay ayos naman ang pagsasama namin pero minsan ay may mga araw na hindi kami magkasundo. Sa unang taon namin ay okay pa at medyo maayos pa kami. Hindi nga lang kami magkatabi sa isang silid. Minsan sinasama niya ako sa Holand. Sa condo niya kami tumutuloy dahil ayaw niya sa mansion nila tumira sa Holand. Kahit minsan ay hindi niya pa ako dinala sa mansion nila. Nakaraang araw ay bumalik kami rito sa Multi tower sa San Agustin ngunit itong mga nakaraang araw ay napansin ko na tuwing madaling araw siya umuuwi. Kung dati-rati ay nakakapag-usap pa kami pero ngayon ay hindi na. Lagi siya sa trabaho niya at kapag dumating siya ay tulog na ako. Sa dalawang taon naming pagsasama ni Raydin ay nahulog na ang loob ko sa kaniya. Kahit pangit siya ay natutunan ko siyang mahalin dahil mabait naman siya sa akin minsan. Katulad ngayon, hinihintay ko siya dahil hindi pa rin siya dumarating. Alas tries na ng madaling araw ay wala pa rin siya. Halos wala pa akong tulog kakahintay sa kaniya. Gusto ko na maging mabuting asawa sa kaniya kahit na ramdam ko na ayaw niya sa akin. Pagpasok niya sa condo unit naming ay nakita niya ako sa sofa. ''Bakit hindi ka pa natutulog?'' tanong niya sa akin. Alam kong nakainom siya ng alak. ''Bakit ngayon ka lang? Madalas yata ang pag-uwi mo ng ganitong oras. Ano ba ang ginagawa mo?'' naiinis kong tanong sa kaniya. ''Marami akong trabaho kaya, kung puwede ay huwag mo na akong hintayin,'' walang gana niyang sagot sa akin at hinubad niya ang jacket niya at inihagis sa sofa. ''Sigurado ka na marami kang trabaho? Raydin, hindi ka na binata na kahit anong oras gusto mong umuwi ay saka ka uuwi. Sana naman isipin mong may asawa kang naghihintay sa'yo rito at nag-aalala sa 'yo!'' maktol kong sabi sa kaniya. ''Zoey, busy akong tao. Ako lahat nagpapalakad ng negosyo ng pamilya. Sana naman intindihin mo na hindi ordinary ang naging asawa mo!'' galit niyang sagot sa akin at tumalikod. Nagtungo siya banyo at nag-shower. Pabagsak akong naupo sa sofa at malalim na nagbuntong-hininga. Maya pa ay narinig kong tumunog ang celphone niya na nakalagay sa kaniyang jacket. Dali-dali kong kinuha iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya. Pagtingin ko sa screen ay nakita ko na babe ang nakapangalan doon. Nanginginig ang mga kamay ko nang sagutin ko iyon. ''Babe, nakarating ka na ba riyan sa condo mo?'' tanong ng babae sa kabilang linya. Biglang nanayo ang mga balahibo ko nang maisip kong may babae ang asawa ko. Magsasalita sana ako nang biglang hablutin ni Raydin ang cellphone sa aking kamay. Nagulat pa ako sa paghablot niya, ngunit masakit na tingin ang iginawad niya sa akin at inilagay niya sa kaniyang tainga ang cellphone. ''Hello, Babe?'' tanong niya sa kabilang linya na masakit ang tingin sa akin. Pumasok siya sa kaniyang silid at naiwan akong tulala na hindi makapaniwala. Napansin ko na lang na umagos na ang mga luha ko sa aking mga mata. Ang lakas naman ng loob niyang mambabae. Ang pangit-pangit niya na nga, mambabae pa siya? Pumasok ako sa aking silid at doon umiyak nang umiyak. Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit. Kaya, ba siya nambabae dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi ko naibibigay ang pangangailangan niya bilang isang lalake, kaya nambabae siya? Naiinis ako sa aking sarili dahil sa buweset kong nararamdaman na ito para sa asawa kong pangit! Sa sobrang sama ng loob ko ay nakatulog na lang ako. Alas otso na ako ng umaga nagising. Nagtungo ako sa banyo nag-toothbrush at nag-shower na rin sa banyo na rin ako nagbibihis. Paglabas ko sa banyo ay naabutan ko siya sa kusina nagtitimpla ng tea. Hindi ko matiis ang sama ng loob ko para sa kaniya, kaya kinumpronta ko siya. "Sino ang tumawag sa 'yo kagabi, Raydin? Babae mo ba 'yon? Kaya ba madaling araw ka na umuuwi?" garalgal kong tanong sa kaniya. Tumingin siya sa akin habang umiinom ng tea na nakakunot ang noo. "Sa susunod huwag mong pakialaman ang personal kong gamit! Hindi porket asawa kita ay puwede ka na makialam ng gamit ko!" galit niyang sabi sa akin. "Ikaw pa talaga ang galit? Samantalang ikaw itong may ginagawang masama! Ang kapal naman ng mukha mong mambabae!" Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, kaya wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. "Ang aga-aga ang ingay mo! Bakit wala ba akong karapatan na paligayahin ang sarili ko? Ano ba ang akala mo na porket pangit ako walang papatol sa akin?" mataas na boses niyang sabi sa akin. "Kaya ko naman ibigay sa 'yo ang pangangailangan mo! Obligasyon kong paligayahin ka! Hindi mo naman kailangan na maghanap ng ibang babae para matugunan ang pangangailangan mo dahil asawa mo ako! May karapatan kang sipingan ako, pero ikaw lang ang may ayaw!" sabi ko sa kaniya at tumulo na ang mga luha ko sa aking mga mata. "Tumigil ka, Zoey! Kung wala kang alam sa sinasabi mo manahimik ka. Huwag mo akong pilitin gumawa ng bagay na sa huli ay pagsisihan mo!" sagot niya sa akin na halatang nagtitimpi. "Raydin, asawa mo ako! Dalawang taon na tayo nagsasama bilang mag-asawa. Pero minsan ba tinuri mo ako bilang asawa mo? Ano ba ang tingin mo sa akin? Isang bagay na binayad lang sa'yo at pang-desplay lang dito sa bahay? Tatlong beses na tayong pumunta sa Holand, pero kahit isang beses hindi mo ako dinadala sa mansion ninyo dahil ba 'yon sa babae mo? Alam ba ito ni Mommy at Daddy?" tanong ko sa kaniya at pinunasan ang mga luhang umagos mula sa aking mga mata. "Asawa lang kita sa papel, Zoey! Hindi kita gusto at hindi kita mahal alam mo 'yan! At lalong mas hindi mo ako mahal, kaya kung puwede tumigil ka sa kadramahan mong 'yan!" mataas na namang boses niyang sabi sa akin. Para akong sinampal sa katutuhanan na narinig ko mula sa kaniya. Hindi niya ako mahal at iyon ang masakit na katotohanan. "Pangit ba ako, para hindi mo matutunang mahalin? Raydin, mahal kita. Mahal kita kahit pangit ka! Pero bakit ako, hindi mo kayang mahalin?" iyak kong pag-amin sa kaniya. Saglit niya lang akong tinitigan bago nagsalita. "Hindi pagmamahal ang nararamdaman mong iyan sa akin, Zoey. Hindi kita mahal at kailan man ay hindi kita puwede mahalin," aniya sa akin. Sa sobrang sama ng loob ko ay lumabas ako sa condo unit namin at patakbong nagtungo sa elevator. Nagtungo ako sa roof top. Pumasok ako sa isang silid doon. Naroon ang swimming pool na exclussive lang para kina Raydin at sa pamilya nila. Naupo ako sa gilid ng pool at umiyak nang umiyak. Pakiramdam ko ay wala akong kuwenta para sa kaniya. Tinawagan ko si Tita upang tanungin kung nasa bahay siya namin sa San Luiz. Ngunit nang tingnan ko ang cellphone ko ay may tawag ito mula kay Ruby Rose. Sinagot ko ang tawag niyang iyon. "Napatawag ka?" malungkot kong tanong sa kaniya. "Nandito kami ni Joseph sa San Agustin. Dinig ko, dito ka raw nakatira sa San Agustin kasama ng napangasawa mo?" tanong niya sa akin. ‘’Oo dito na ako nakatira sa San Agustin. Ano ang ginagawa mo rito? Nag-date kayo ni Joseph?" tanong ko sa kaniya sa kabilang linya. ‘’Naghahanap ako ng trabaho, alam mo naman na ang hirap ng buhay ngayon,’’ sagot niya akin. "Saan kayo? Gusto ko magkita tayo. Ang tagal na natin hindi nagkita na miss na kita.’’ ’’Yon, oh! Limbre mo kami, ha? Dito kami sa Enrico's Hotel & Restaurant. ‘Yong kabubukas lang na hotel at restaurant dito sa bayan." Nagmadali na akong bumaba 6th floor upang kunin ang wallet ko sa aking silid. Wala sa sala si Raydin, marahil ay nasa silid niya ito o 'di kaya ay nasa library niya. Pagkakuha ko ng aking wallet ay dali-dali na akong bumaba sa ground floor at lumabas ng building. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Enrico's Hotel & Restaurant. Nang makarating na ako roon ay nakita ko agad si Ruby Rose. Nakaupo sila ni Joseph sa malapit sa glass wall na tanaw ang park sa labas. Kumaway ito sa akin nang makita ako, kaya agad akong nagtungo sa kinaroroonan nila. Nagbiso-biso muna kami ni Ruby Rose bago kami nag-order ng pagkain ''Lalo ka pang gumanda, Zoey. Kumusta ka na?'' tanong sa akin ni Ruby Rose. ''Heto, ayos lang. Kayo kumusta na?" tanong ko at nakipagkamay din ako kay Joseph. Para ko na silang kapatid ni Ruby Rose. ''Nakakapag-survive pa naman ako, Sis. Nag-stop na ako sa pag-aaral ko simula nang huminto si Papa sa trabaho niya," malaungkot na turan ni Ruby Rose sa akin. ''Sayang naman ang pag-aaral mo,’’ sabi ko. ‘’Ano ang gusto niyong kainin?’’ Sa totoo lang ay nanghihinayang ako kay Ruby Rose. Pangarap niya pa naman na makapagtapos sa college. ''Pizza na lang at special halo-halo sa akin, Sis? Matagal na kasi akong hindi nakakain ng pizza,'' wika nito sa akin habang si Joseph ay tahimik lang. ''Joseph, ano ang gusto mo kainin?'' tanong ko naman kay Joseph. ''Pizza na lang din, Zoe. Ikaw muna ang manlibre ngayon. Kapag may trabaho na ako, ako naman ang mang libre sa inyo,'' nahihiya pang sabi ni Joseph sa amin. ''Ano ka ba? Dati naman kayo ang nanglilibri sa akin. Simula nang magkamalay ako, kayo lagi ang nagdadala sa akin ng paggkain. Siya nga pala nasaan si Hanna?'' tanong ko. ''Nagtrabaho sa isang Restaurant sa Costa Villa. Alam mo naman ang kaibigan nating iyon sa sobrang kasipagan ay hindi na alam paano mag-day off. Akala ko nga pupunta siya ng Holand para bumisita sa Mama niya," wika ni Ruby Rose. Si Hanna at Rubby Rose ay malayo naming kapit bahay ni Tita Esmiralda. Naalala ko tuloy noong bago pa lang sila sa paningin ko. "Hi bago ka rito?" "Matagal na kami ni Tita Esmiralda rito sa San Luis,‘’ sagot ko sa kausap ko. "Bakit ngayon lang kita nakita rito?'' tanong ng babae na kasing edad ko. "Kalalabas ko lang kasi sa hospital. Sabi ni Tita nagkasakit ako, kaya tumagal kami sa Holand," sagot ko sa kaniya. "Ay, gano'n ba? Ako nga pala si Ruby Rose. Ikaw, ano ang pangalan mo?'' "Zoey, raw ang pangalan ko.'' Magsasalita pa sana ako nang tawagin ako ni Tita. "Zoey, pumasok ka na! Kakain na tayo!" "Sige, kakain lang muna ako,'' paalam ko kay Ruby Rose. Nasa harapan ako ng bahay namin dahil gusto ko magpahangin. "Kapag wala kang ginagawa, sama ka sa amin ni Hanna, ha?'' yaya niya pa sa akin. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Pagdating ko sa loob ng bahay namin ni Tita ay nakahain na ang pagkain sa mesa. "Damihan mong kumain, Zoey. Mamaya pupunta rito sina Mr and Mrs Harris. May sasabihin sila sa 'yo,'' seryosong Sabi ni Tita Esmiralda sa akin. Nasa harap na kami ng hapagkain. Sina Mr. and Mrs, Harris lang ang laging buminisita sa akin sa hospital noong nagkasakit ako. Namulat ako sa hospital na walang maalala at kahit pangalan ko ay hindi ko matandaan at may binda pa ako sa ulo. Ang sabi ni Tita sa akin ay matalik na kaibigan nila Mama at Papa ang mag-asawang Harris. Wala akong ibang nakikita na bumibisita sa akin sa hospital kundi ang mag-asawa na Harris lamang. Sila na rin daw ang gumastos sa gastusin namin sa hospital at nagbayad ng lahat ng aking bill at mga gamot na iniinom. "Tita, matatagal na ba tayong nakatira rito sa bahay na ito?'' tanong ko sa aking tiyahin. "Oo, naman! Dito ka lumaki sa lugar na ito,'' sagot niya sa akin at nilagyan niya ng pagkain ang plato ko. "Eh, bakit hindi ako kilala ni Ruby Rose?'' nagtataka kong tanong ko sa kaniya. "Eh, minsan lang nagawi 'yan si Rose rito. Malayo ang bahay niyan dito." sagot niya sa akin at kumha rin siya ng kanin at inilagay sa plato niya. "Tita, ano ba talaga ang sakit ko? Bakit isang ala-ala sa nakaraan ko ay wala akong matandaan?'' panngungulit kong tanong Kay Tita. "Kumain ka na, Zoey. At huwag nang maraming tanong. Sinabi naman sa 'yo ng doktyor na maaaring hindi ka na makaalala dahil sa pagbagsak mo sa sahig noong nawalan ka ng malay," naiiritang sagot sa akin ni Tita. "Baka naman may paraan pa na makaalala ako, Tita. Gusto ko rin naman maalala ang mga memories ng mga magulang ko. Gusto ko maalala ang mga mukha nila. Wala na silang larawan man lang, Tita?" pangungulit kong tanong sa kaniya. "Kung mayro'n, e 'di sana pinakita ko na sa 'yo. Sige na ubusin mo na 'yang pagkain mo para makainom ka na ng gamot,'' utos niya sa akin na halatang umiwas sa mga tanong ko. "Ito na ang order ninyo, Ma'am." Naputol ang balik tanaw ko sa nakaraan nang ilagay ng waiter ang in-order namin sa lamesa. "Ang lalim na naman ng iniisip mo, Sis," puna ni Ruby sa akin at kinuha ang pizza na para sa kaniya. "Naalala ko lang kung paano kita nakilala sa San Luis," sagot kong nakangiti. "Haysss... Kumain ka na. Hmmm.. Na miss ko itong pizza," wika nito na takam na takam na sa pizza. Napapangiti na lamang ako kay Ruby Rose. Kinain na namin ang in-order namin dahil gutom na gutom na rin ako at dito ko na lang ibuhos ang sama ng loob ko sa pagkain ng Pizza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD