Episode 49

2439 Words

ZOEY Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tumila na ang malakas na hangin at ulan. Tulog pa ang mga kambal at si Raydin ay sa sala natulog. Sa mahabang sofa na yari sa kawayan siya natulog at binigyan lang siya ni Mama ng kumot at unan. Pagdating ko sa sala ay nakita kong nagkakape na ang ugok kong asawa kasama si Mama. "Good morning," bati niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nagtungo ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Pagtingin ko sa labas ay nakita ko ang dulot ng bagyo. Ang inahing baboy namin ay mukhang nanghina dahil wala ng bubong ang kanilang bahay. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtimpla ng kape at pagkatapos ay bumalik sa sala. Binuksan ko ang pintuan at naupo sa gilid ng pinto sa isahang upuan. "Tulog pa ba ang mga bata?" tanong ni Raydin sa akin. "Mamaya pa sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD