ZOEY Kinahapunan ay medyo magaling na ang pakiramdam ni Raydin. Pinalipat ko na lang siya sa silid namin ng mga bata ng magising ang mga ito. Buong araw naman siyang nakikipag-kuwentuhan at nakikipaglaro sa mga bata. Kahit medyo masama ang pakiramdam niya ay nagawa niya pa rin na makipag-bonding sa mga anak namin. Ang dami ng mga demand ng quadroplets sa kaniya. Habang nasa sala ako at tumitingin sa social medya ay nakita ko sa news feed ang larawan ni Raydin at ang anak ng mayor. May nakalagay pang caption. News SINO ITONG KASAMA NG ANAK NG MAYOR BRETHANY NA GUWAPONG LALAKI? BOYFRIEND NIYA KAYA ITO? NAMATAAN NAMIN NA ANG SWEET NILA AT GALING SILA SA HOTEL SA BAYAN. Nag-init ang pisngi ko sa nabasa ko, kaya pinatay ko na lang ang cellphone at lumabas ng bahay at nagwalis ng mga dahon