ZOEY Malakas ang patak ng ulan sa labas. Madilim na at maginaw ang hampas ng hangin. ''Ito na yata ang bagyo, Zoey. 'Yong mga bata ihanda mo at baka liparin ang bubong ninyo,'' wika ni Lorenzo. Maaga ko pinakain ang mga bata at pinasuot ko sila ng kani-kanilang jacket. ''Nako, Zoey. Ang asawa mo nasa labas pa rin nagpapaulan,'' wika ni Mama na nakaupo sa tabi ng bintana. May maliit kasing butas ang naroon kaya makikita ang labas. ''Ang tibay ni Raydin, ah! Hindi niya ba alam na bagyo? Magpapakamatay yata ang ang asawa mong 'yan,'' pang-aasar sa akin ni Lorenzo. ''Ano ba ang nasa isip ng lalaking iyan? Bakit nagpapaulan siya? Kanina pa siya diyan, ah!'' maktol kina Lorenzo at Mama. ''Papasukin mo na lang kasi dito. Kawawa naman ang lalaking iyon,'' wika ni Mama. Ang mga kambal nam