Episode 5

2203 Words
RAYDIN ''Itigil mo na nga iyang pag-inom mo! Wala ka namang mapala sa paglalasing mong iyan, eh!'' wika ko. ''Iniwan niya na ako. Lahat ginawa ko para balikan niya ako, pero sa loob ng apat na taon ay bigla na lang siya sumumuko sa pagmamahalan naming dalawa,'' iyak niyang wika sa akin at tumungga ulit ng alak. ''Just move on, Bro. Marami pa namang mga babae riyan. Mayaman, maganda, sexy. Saka isa pa ang pogi natin magpapakalasing ka dahil lang sa babaeng iyon?'' sabi ko sa kaniya. ''Iba siya sa lahat ng nakilala ko, Bro. Isa pa, malaki na ang ipinuhunan ko sa kaniya. Nagbigay ako ng malaking halaga sa kaniya tapos gano'n-gano'n na lang niya ako iiwan? Hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin,'' wika niya at muling nagtungga ng bote na may lamang alak. ''Raynier, itigil mo na ang kabaliwan mong iyan sa babae. Kita mo kinuha lang ang pera mo pagkatapos iniwan ka. Hayaan mo na ang secretary mong iyon,'' wika ko kay Raynier at kinuha ang alak sa kamay niya at itinabi. ''Don't worry, Bro. Makaka-move on din ako,'' wika niya sa akin at tumayo. ''Dito ka na lang matulog sa condo ko,'' pagpigil ko sa kaniya dahil lasing na ito. ''Okay lang, Bro. Kaya ko pa naman umuwi sa bahay,'' wika niya at lumabas na ng condo unit ko. Hindi ko na lang siya pinigilan dahil may body guard naman siya at may sariling driver. Pag-alis niya ay natulog na lang ako at pagsapit ng alasingko ng umaga ay nagising ako sa tawag ni Mommy. ''Good morning, Mom. Bakit napatawag ka ng maaga?'' tanong ko kay mommy sa kabilang linya. "Raydin, ang kambal mo naaksidente. Narito siya ngayon sa ospital sa Saint Dominggo0,'' hagulhol na iyak ni Mommy sa kabilang linya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis akong lumabas ng unit ko at dali-daling nagtungo sa hospital kung saan naroon ang kambal ko. Pagdating ko roon ay agad ko naman nakita si Mommy sa labas ng emergency room at umiiyak. Nang magtapat ako sa kaniya ay mahigpit na yakap ang ginawa niya sa akin at humagulhol sa balikat ko. ''Mom, ano ang nangyari sa kakambal ko, ha?'' kabado kung tanong sa kaniya. ''Malala ang lagay ng kapatid mo, Anak. Ang sabi ng doktor ay himala na lang ang makapagsalba sa kaniya,'' wika Mommy. Halos madurog ang puso ko sa narinig ko mula kay Mommy. Kakambal ko Raynier at halos hindi kami mabuhay na wala ang isa't isa. Ilang araw nanatili si Raynier sa loob ng icu. Happy go lucky ako at puro babae lang ang inaatupag ko noon. Si Raynier ang umaasikaso ng mga ari-arian namin dahil motor racing naman ang kinahihiligan ko. Si Honey na kapatid namin nababae na siyang bunso ay nag-aaral sa Holand ng mga oras na iyon. Noong nalaman niya ang nangyari sa Kuya Raynier niya ay agad siyang nagpasundo ng helicopter sa Holand para makarating kaagad dito sa San Agustin. Halos ilang araw, linggo rin ang nakalipas na hindi nagising si Raynier. Hanggang sa isang araw galing ako sa opisina niya ay tumawag si Mommy na nagising na raw ang kakambal ko. Kaya, dali-dali akong nagtungo sa hospital. Nang pumasok ako sa loob ng silid niya ay gising nga ito pero may ibinulong siya kina Mommy at Daddy. Naroon din si Honey, umiiyak sa tabi niya. Lumapit ako at hinawakan niya ako sa kamay. Inilapit ko sa kaniya ang tainga ko at may binulong siya sa akin. ''Kambal, Ma...mangako ka sa...akin,'' utal-utal niyang sabi sa akin at hirap ito sa pagsasalita. ''Kambal, lumaban ka. Kahit ano ang ipapagawa mo sa akin gagawin ko,'' naiiyak kung tugon sa kaniya. ''Pa...pakasalan mo si..si Zoey,'' aniya. Pagkabanggit niya sa pangalan ng babaeing iyon ay nalagutan na siya ng hininga. Halos hindi ko matanggap ang nangyaring iyon sa kapatid ko. Napuno ng iyak at hagulhol ang silid na iyon nang malagutan ng hininga ang kakambal ko. ''Rayden! Ano ba! Para na tayong lumlipad! Puwede bang bagalan mo!?'' sigaw ni Zoey. Naalala ko na naman ang nangyari sa kakambal ko. Bumalik ang pag-iisip ko sa sigaw ni Zoey sa subrang takot na baka mabangga kami. Dinahan-dahan ko ang pagpatakbo ng motorsiklo. Sanay ako sa mabilis na pagpapatakbo dahil ilang beses akong nanalo sa racing. Kung hindi lang ako nangako sa kapatid ko ay pahihirapan ko ng husto ang babaeng ito na siyang dahilan ng pagkamatay ni Raynier. Tinanong ko noon si Mommy kung ano ang nangyari. Ang sabi ni Mommy ay hinabol ni Raynier ang girlfriend niya na galing sa condo unit nila Mommy at Daddy. Ngunit hinabol ito ng kapatid ko. Dahil lasing ang kapatid ko ay hinarangan niya ang sinasakyan ni Zoey kung kayat nabangga siya. Malakas ang pagkabangga sa kaniya, kaya himala na lang nga na mabuhay siya. Pero hindi ko lubos maintindihan kung bakit parang bingi at bulag ang babaeng ito na parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa kapatid ko. Kung tutuusin ay siya ang dahilan ng pagkamatay ng kakambal ko. Tumabi kami sa isang restaurant na lagi nilang pinupuntahan ng kapatid ko.Niyaya ko siyang kumain roon. ''Ano ang gusto mong order?'' tanong ko sa kaniya nang nasa loob na kami ng restaurant. ''Pasta na lang,'' sagot niya. At iyon na lang din ang in-order ko. ''First time mo bang kumain sa lugar na ito?'' tanong ko sa kaniya dahil mukhang wala lang sa kaniya ang madalas nilang kinakainan ng kakambal ko. Sa halip na sumagot siya ay kibit-balikat lang ang nakuha kong sagot sa kaniya. Paano kaya nakakatulog ang babaeng ito ng mahimbing? Pagkatapos siyang bigyan ng kapatid ko ng isang attachtecase na pera sa opisina ay iniwan niya lang ito at nakipaghiwalay siya sa kapatid ko dala-dala ang pera na ibinigay sa kaniya. Maya-maya ay dinala na ng waiter ang in-order naming pasta with nestea drink. Tinitigan ko siya ng husto. Hindi ko masisi ang kapatid ko kung bakit baliw na baliw ito sa babaeng ito at ayaw niyang hayaan na hiwalayan siya dahil sa ganda ay wala kang maipipintas dito. Ang mata niya na mapupungay ay madadala ka kapag tinitigan mo ito. Matangos ang ilong niya na maliit at maninipis ang labi niya sa itaas na bahagi at mapupula. Balingkinitan ang kaniyang katawan. Hindi ko lang alam kung nagalaw na siya ng kapatid ko. Pero marahil ay nagalaw na niya ito. Baka bininta niya pa nga ang sarili niya sa kakambal ko dahil sa pera. Napansin ko na napatitig siya sa pasta. Nakita ko ang bahid ng lungkot sa kaniyang mukha. Marahil ay naalala niya ang kakambal ko pero hindi lang siya nagpapahalata. Napakainosinte niya tingnan pero sa loob ang kulo. ''Hindi mauubos ang pasta na iyan kapag titigan mo lang,'' wika ko sa kaniya nang mapansin ko na ayaw niya galawin ang pasta. Ilang saglit lang ay isinubo niya na ito. Ngunit napansin ko na kumilimlim ang kaniyang mga mata. ''May problema ka ba, Zoey?'' tanong ko sa kaniya at sumubo na rin ako ng pasta. ''Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot ko nang maamoy ko ang pasta na ito. Lagi naman si Tita nagluluto ng pasta pero hindi ko maintindihan kung bakit,'' wika niya. Hindi ko alam kung nag-iinarte lang ba siya o wala siyang maalala. Dalawang taon na ang nakalipas nang mamatay ang kakambal ko. At hindi ko alam kung paano natunton nila Mommy at Daddy ang babae na ito para lang ipakasal sa akin. Hindi rin ako makatanggi dahil iyon ang huling habilin ng kapatid ko na pakasalan ang babaeng ito. Hindi naman siguro masama kung nagpakasal ako rito. Dahil natupad ko na ang pangako ko sa labi ng kakambal ko. ''Tssss.. Ubusin mo na iyan para makauwi tayo sa condo. May labahan ka pa na naghihintay sa condo,'' sabi ko sa kaniya na seryoso. ''May automatic washing ka naman, kaya madali lang ang mga iyon,'' sagot niya. Nagustuhan ko lang sa babaeng ito ay hindi siya naglilikramo kahit na ginagawa ko na siyang katulong. Ayaw ko ngang naroon si Manang sa unit ko dahil gusto kong pahirapan sa gawaing bahay ang babaeng ito. Pero sa halip na mainis o magreklamo siya ay sinusunod niya lang ang sasabihin ko. Katulad kagabi ay minasahe niya pa ako at nilutuan ng sabaw. Masarap siya magluto at magmasahe, kaya nakatulog ako sa sofa. Hindi man lang niya ako inisturbo kagabi. Sadya bang ganito siya kabait o sadyang nagpapanggap lang at kinukuha ang loob ko para madali niya akong mauto. Puwes, nagkakamali siya dahil hindi niya ako mauuto. Matapos naming mananghalian ni Zoey ay umuwi na kami sa condo unit namin. Nang makapsok kami sa loob ay kinuha ko ang isang tambak kong labahan at dinala sa harap niya. Sa halip na magpapa-laundry ako sa baba ay sa kaniya ko na iyon pinalaba. Gusto ko siyang pahirapan dahil galit ako sa kaniya. ''Kamayin mo lang ito, Zoey. Gusto ko malinis na malinis ang paglaba mo samga damit ko. Dahil kung may masira ka isa man sa mga 'yan ay pababayaran ko sa 'yo,'' seryoso kong wika sa kaniya. ''Bakit hindi mo na lang ito ipa-laundry sa labas? Marami ka namang pera, 'di ba?'' pang-iinsulto niyang sabi sa akin. ''Gusto mo ba makalaya sa akin, Zoey?'' tanong ko sa kaniya. ''Syempre naman! Sino ang gustong manatili sa 'yo!? Kung ganiyan lang naman angg ugali mo Raydin, ngayon pa lang gusto ko na makalaya sa 'yo. Kaysa naman magtiis ako sa ugali mong ganiyan!'' palaban niyang sabi sa akin. ''Puwes, kung gusto mong makalaya sa kasal natin sundin mo ang utos ko. Kaya, umpisahan mo ng kusutin ang mga damit ko,'' wika ko sa kaniya. Nakasimangot siyang binuhat ang lagayan ko ng mga marurumi kong damit at inirapan akong tumalikod. ''Bilyonaryo pero kuripot,'' bulong niyang wika na narinig ko. ''May sinasabi ka ba, Zoey?'' tanong ko. ''Wala! Ang sabi ko pogi mo! Kung hindi ka lang pangit!'' sarkastika niyang pang-uuyam sa akin. Napakunot-noo na lang ako sa sinabi niya. Nagtungo na lang ako sa 9th floor. Naabutan ko naman sina Mommy at ang mga katulong niya nagliligpit. ''Uuwi na ba kayo sa Holand Mom?'' tanong ko kay Mommy. ''Yes, Iho. Sumunod na lang kayo ni Zoey, ha?'' aniya. ''Sige, Mom. Mabuti naman at uuwi na kayo roon para may kasama si Honey,'' wika ko kay Mommy. ''Nasaan si Zoey?'' tanong ni Mommy sa akin. ''Nasa baba, pinapalaba ko ng mga damit ko,'' wika ko. ''Bakit hindi ka nagpa-laundry at ang asawa mo pa ang pinalaba mo?'' tanong ni Daddy na kalalabas lang galing sa silid nila ni mommy na may dalang maleta niya. ''Anak, asawa mo si Zoey. Kaya, sana naman mahalin mo siya katulad ng pagmamahal mo sa sarili mo,'' kunsumesyadong wika sa akin ni Mommy. "Mom, asawa ko lang siya sa papel. Bakit ba parang baliwala lang sa inyo ang pagkamatay ng kakambal ko? Baka nakalimutan ninyo na siya ang dahilan kung bakit namatay ang kambal ko!'' galit kong wika kay Mommy. ''Raydin! Hindi mo dapat sinisisi ang asawa mo kung bakit namatay ang kambal mo! Hindi kasalanan ni Zoey na mamatay ang nobyo niya. Pahalagahan mo naman sana ang asawa mo katulad ng pagpapahalaga sa kaniya ni Raynier. Si Zoey ay huling binanggit niya sa 'yo. Sana naman ay huwag mong pahirapan ang mahal ng kambal mo. Palibhasa kasi puro mga babae ang inaatupag mo mula ng maloko ka ng girlfriend mo, kaya hindi mo man lang pinapahalagahan ang naiwan ng kapatid mo sa atin!'' panunumbat sa akin ni Daddy. ''Dad, inasikaso ko naman ang mga negosyo natin simula nang mamatay ang kambal ko dahil sa babaeng iyon. Pero sana huwag kayong mabulag sa pagpapanggap ng babaeng iyon. Dahil kahit mahal pa siya ni Raynier at oras na lokohin niya tayo ay ililibing ko siya sa tabi ng kambal ko!'' madiin kong wika kay Daddy. ''Alam mo, Raydin? Kung may manloloko man sa inyo ni Zoey, walang iba kundi ikaw 'yon. Tanggalin mo kaya 'yang mukha mo at humarap ka sa salamin at tanungin mo sa sarili mo kung sino sa inyo ni Zoey ang manloloko. Nagtatago ka sa likod ng mukha mong 'yan para lang patunayan kung sino ang papatol at magmamahal sa itsurang 'yan? Kahit babaeng demonyo siguro hindi papatol sa mukhang 'yan!'' sarkastikong sabi ni Daddy sa akin. ''Dad, walang basagan ng trip. Kapag may magmahal sa pagmumukhang ito. Iyon na ang foorever ko,'' sabi ko naman kay Daddy. ''Tanga! Sige, nga. Isa-isahin mo ang mga babae mo na ganiyan ang mukha mo kung papatulan ka nila. Pero pupusta ako kay Zoey, subukan mong maging mabait sa kaniya at baka sakaling mamahalin niya pa ang mukha mong 'yan kay sa totoo mong mukha. Pero kong malademonyo naman ang ugali mo, sinong babaeng magtatagal sa 'yo?'' pang-aasar pa na wika sa akin ni Daddy. May point naman si Daddy. Noong una ay gusto ko lang na si Zoey ang umayaw sa kasal namin para maging malaya pa rin ako. Pero pumayag pa rin siya na makasal sa akin kahit na ganito ang itsura ko. Marahil siguro ay sa pera at kilala kami sa bansang ito, kayasiguro pumayag siyang ikasal sa akin. Noon pa man kapag may tinataguan akong babae ay nag-iibang anyo ako para wala na akong sakit sa ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD