ZOEY ''Plantsahin mo itong mga damit ko bago ka matulog!'' salubong sa akin ni Raydin pagpasok ko sa loob ng unit namin. Inilapag nito ang mga damit niya sa laundry basket. Nakatupi ang mga ito ng maayos. Halatang nagagalit na naman ito sa akin. ''Gabi na, Raydin. Puwede mo naman ipaplantsa 'yan sa baba! 'Di ba, pinapa-laundry mo na ang mga damit mo?'' naiinis kong sagot sa kaniya. ''Dahil sa pag-alis mo na walang paalam 'yan ang parusa mo!'' singhal niya sa akin. Nagbuntong hininga na lang ako ng malalim at binuhat ang laundry basket na may laman ng kaniyang mga damit. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang mainit ang ulo niya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Minsan mabait naman siya ngunit may araw na parang galit siya sa akin. Pilit ko na lang iniintindi