RAYDIN Nawala ang inis ko kay Zoey nang marinig ko itong humihikbi. Alam kong nasaktan ko ang Kalooban niya kanina. Dapat nga ay matuwa ako dahil nasasaktan ko ang damdamin niya nang sa gano'n ay maramdaman niya ang naramdaman ko sa pagkawala ng kapatid ko. Napaka-unfair dahil nindi niya naramdaman ang pagkawala ng kapatid ko at ang masakit ay hindi man lang niya naaalala si Raynier. Matapos kong punasan ang mga luha niya ay bumaba siya sa kama at tumayo. "Linisin ko lang ang kalat sa kusina," aniya saka lumabas na ng silid. Naiwan akong nakaupo sa kama. Pagdating ko galing trabaho ay naabutan ko na gano'n pa rin ang sala at ang kusina naman ay nakakalat sa mesa ang mga pagkain na niluto ni Zoey kaninang umaga. Wala iyong bawas ngunit nakataob ang mga pinaglagyan niyon. Nainis ako nan