RAYDIN Pumasok kami ni Lance sa bar kung saan kami minsan nagtatambay noon. Pag-aari ito ni Enrico Thompson; ang Car Magnate ng bansang Maharlika. Pagpasok pa lang namin ng bar ay may mga babae ng sumasalubong sa amin ni Lance. ''Hi, mga pogi.Gusto niyo ba makipag-inoman sa vip room?'' tanong ng isang babae na nakapula ng suot na halos makita na ang buo nitong dibdib. ''Hindi na kailangan dahil may naka-reserve na sa amin para sa vip room,'' sagot ni Lance sa babae. Umalis na lang ang dalawang babae na sumalubong sa amin ni Lance. Ako naman ay nagtungo na sa bar counter at nag-order ng inumin. Binigay naman ng casher ang susi para sa vip room. Umakyat na kami ni Lance roon at pumasok sa loob. May mesa roon at kama na kung lasing ka na ay puwede ka matulog. Puwede ka rin magdala ng