Chapter 33 Sheina Pov "Paano mo nalaman na ayaw ng mama pag- usapan ang lahat?" Tanong ko kay Gabreil. "Sinabi iyon ni tita Luciana, ang tiyahin mo." Wika pa nito. " Pa.. pa'nong nakilala mo si tita Lciana?" Takang tanong ko ulit sa kaniya. "Dahil nagpa-imbistiga ako. Mula nang nag - graduate ako sa collage at tinutukan ang negosyo ng lolo pinahanap ko kayo ni mama. Hindi ako tumigil sa kakahanap sa inyo. Pero ang ilap ninyong dalawa. Hindi ko kayo nakita ka agad. Wala akong information sa pagkatao mo. Maliban lang sa pangalan mo na Shenshen. Shen shen kasi ang tawag ko sa'yo noong maliit pa tayo. Pero nawalan na ako ng pag- asa na makita ulit kayo ni mama." Seryosong saad ni Gabreil. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon.kung matutuwa ba ako o baka nanaginip