Chapter 34 Liam Pov Pagkatapos kong magharap sa mga shares holder dito sa America sa companya na matagal nang ipinatayo ng daddy ay tinawagan ko ang asawa ko ulit. Pero nakailang tawag ako ay hindi ito sumasagot. Kaya nag- alala ako. Naka-ilang text message na rin ako pero hindi ito nagre-reply. Kaya tinawagan ko ang yaya ni Fabien kung ano ang ginagawa ng asawa ko at bakit hindi ito nagre-reply. Pero ang sabi ng yaya ni Fabien ay umalis ito kanina dapat raw ay kasama ang asawa ko sa paghatid sa anak namin sa school. Pero hindi na raw natuloy dahil sa lalaking sinamahan niya. At hindi naman ito kilala ng yaya ni Fabie. Kaya kinausap ko ang ang anak ko. Sinabi nito na si tito niya Gabreil ang kasama nito. Napakuyom ako ng kamao ko nang sabihin ng anak ko kung sino ang kasama ng mommy