Chapter 32 Sheina Pov After 1 month Maaga akong nagising dahil aalis si Liam papuntang america.naging masaya kamim ni Liam masasabi ko na ako na ang pinakama-suwerting babae sa buong mundo. Dahil sa pinapakitang pagmamahal ni Liam sa akin. Araw - araw ay may dala itong mga bulaklak sa akin. Kailangan niyang magtungo sa America para sa mga business nila doon. " My wife, lagi akong tatawag ha. Ikaw na muna bahala sa anak natin. Isang linggo lang naman ako mawawala." ani Liam. "Mahal, mamimis kita basta lagi kang tumawag ha?" Malambing kong sabi sa kaniya. "I will miss you too my wife. Kung puwede lang na isama ko kayo ni Fabien eh ginawa ko na." Sabay yakap nito sa akin. Pagkatpos ay lumingon rin ito kay Fabien at niyakap. " Fabien mag- aral ka ng mabuti ha? At 'wag pasaway kay