ZOEY Nagising ako sa isang silid na kulay puti inikot ko ang paningin ko. Pagtingin ko sa aking kamay ay may dextrose na nakakabit. ''Mom, gising na si Ate Zoey,'' dinig kong sabi ni Honey na nakaupo sa sofa. "'Iha, kamusta na ang pakiramdam mo, ha?'' pag-alalang tanong ni Mommy sa akin. ''Saan ako, Mom? Bakit may dextrose na nakakabit sa aking kamay?'' mahina kong tanong sa kaniya. ''Narito ka sa ospital, Iha. Dinala ka ni Raydin dito kaninang umaga,'' ani Mommy. ''Ano po ba ang nangyari sa akin? Bakit nandito ako sa ospital?’’ Tatayo sana ako nang pinigilan ako ni Mommy. ''Huwag ka muna bumangon at hindi pa malakas ang katawan mo. Natagpuan ka ni Raydin sa roof top na inaapoy ng lagnat kaninang umaga. Kaya, dinala ka niya rito sa ospital,'' ani Mommy sa akin. Naalala ko na ang n