Book 4 Episode 5

2177 Words
Chapter 5 Areana Makalipas ang isang linggo narito na kami ni Claris sa airport papuntang Holand. Sobrang napaka-excited na ng kasama ko na marating ang Holand. "Claris, pagdating natin sa Holand ikaw na muna ang tumuloy sa accommodation na ibinigay sa atin ng kompanya sa Holand, ha? Doon muna ako tutuloy kina Mama," sabi ko kay Claris. "Anong doon ka tutuloy kina Mama, mo? Eh, ano naman sasabihin ko kapag hinanap ka ni Tito?" protesta nito. "Hay, nako! Huwag mong sabihin kay Daddy na nasa Holand tayo!" Nameywang siya sa sinabi at tinaasan ako ng kilay. "Eh, paano kung hanapin ka sa office? O ni Mr. Gabriel?’’ "E ‘di, ikaw muna ang bahala. Sige na please? Gusto ko lang naman mag-relax kahit dalawang linggo lang?" pakiusap ko kay Claris. "Areana, naman, eh? Ako ang malalagot niyan, eh? Isa pa ikaw ang hahanapin dahil ikaw ang magsusukat ng gown ng anak ni Sir Gabriel," reklamo niya, nakakunot-noo pa. "E ‘di, magpanggap kang ako. Pagbigyan mo naman ako, please? Gusto ko talaga muna magpahinga o magbakasyon man lang. 'Yong walang nakabantay sa akin," pakiusap ko saka niyu-yugyog ang mga braso nito. "Hayyzzzz! Sige na nga! Basta kapag nagka-trouble bahala ka, ha?" Napipilitang sang-ayon nito sabay irap sa akin. "Yehey! Thank you! Thank you talaga. I love you." Tuwang-tuwa kong sabi at hinalikan ko siya sa pisngi. Bumusangot ang kaniyang mukha sabay punas nito sa kaniyang pisngi. "Ewww! Areana, ang laway mo! Kadiri ka!" "Ang arte mo, ha? Mas mabango pa ang laway ko kaysa pabango mo," biro ko pa sa kaniya habang tumatawa. "Sira ka talaga. Oh, tara na,” aya niya. Naglakad na kami patungo sa kinaroroonan ng eroplano. "Basta isang linggo lang ang bakasyon mo ha?" "Dalawang linggo na lang, please? Saka huwag kang mag-alala kapag nakuha mo na ang sukat ng anak ng pangit na Mr. Moore na 'yon. Ako mismo ang gagawa ng gown at magagawa ko 'yon ng maayos kapag nag-iisa ako," pangungumbinsi ko pa kay Claris. "O sige, basta siguraduhin mo lang. ha?" Tumango lang ako, saka umakyat na kami sa eroplano. After 15 hour's ay nakarating kami ni Claris sa Holand International Airport. Pagbaba namin sa eroplano ay may nakaabang ng susundo sa amin upang dalhin kami sa accommodation. Pero bago pa kami makita nang sumundo sa amin ay binilinan ko na si Claris. "Sabihin mo na ikaw si Areana, ha? Saka kapag hinanap si Claris sabihin mo susunod na lang kamo siya," tugon ko kay Claris. At hindi naman siguro nila pagdudahan si Claris, dahil hindi naman nila nakita ang mukha ko. Kasi kapag may mga okasyon ay nakasuot ako lagi ng maskara, at walang picture na nakalagay sa profile ko. Naka-shade kami ni Claris nang lumabas kami sa airport para puntahan ang susundo sa amin. Nakasuot si Claris ng pants at naka-jacket na maong. Ako naman ay nakasuot nang jumpsuit na kulay red at may subrero akong malaki na kulay black at may maliit na bulaklak sa gilid na kulay pula. Saka naka-shade ako ng kulay brown at naka-lipstick na kulay red din. Kaya, napakasopestikada kung ako ang titingnan. May dala akong bag na black and red ang kulay saka naka-boots ako na 3 inches ang taas, kaya parang ang sosyal ko tingnan. Daig ko pa ang isang celebrity ngunit hila-hila ko naman ang aking maleta. "Oo na! Ako na ang bahala basta tawagan mo ako lagi, ha. E-send ko na lang sa email ang sukat no'ng anak ng amo natin," sang-ayon naman nito sa akin. "Thank you. Sige na, kunwari hindi tayo magkasama kasi nariyan na rin si Mama sa labas para sumundo sa akin," tugon ko naman. Nagbeso-beso muna kami ni Clares bago naglakad patungo sa waiting area, kung saan naghihintay ang susundo sa amin. Pagdating namin sa waiting area natanaw ko na si Mama at ang babaeng susundo sa amin. May hawak itong plakard na nakasulat ang pangalan namin. Clares Llanes Miss Araena De Villa Isang sexy na babae ang sumundo sa amin. Nilapitan na ito ni Claris samantalang ako ay nasa likuran niya lang at kunwari'y hindi namin kilala ang isa't-isa. "Hi I'm Miss De Villa, and you are?" sabay lahad ng kamay ni Claris sa babae. Halata naman na natutuwa ang babae nang makita siya. "I'm Nadine Joy Belmonte, Ma'am Areana, ang ganda niyo pala," natutuwa nitong sabi. " Alam niyo po ba na ang suot ko ngayon ay isa sa mga denisinyo po ninyo? Idol na idol ko po talaga kayo, Miss Areana." Nasa boses nito ang paghanga habang nakatingin kay Claris. Akala niya ay ako si Claris kaya napapangiti ako ng palihim habang nakikinig sa usapan nila. "Oh! Thank you. I did not expect na magugustuhan mo ang mga design ko," nahihiyang sabi ni Claris at mas pinasosyal pa ang salita. "By the way, Miss Areana, I am the secretary of Mr. Moore. Actually he is waiting for us in Pavilla restaurant. Where is Miss Llanes?" takang tanong ng babae nang hindi nito makita ang kasama ng kausap. "Ahh! Ehh! She is in vacation right now. Susunod na lang raw siya sa akin kapag marami na ang gagawin," sagot naman ni Claris. "Pero ang sabi po ni Sir Clark ay dalawa po kayo ipinadala rito para po may kasama kayo," nagtatakang sabi ng babae. "Eh 'yon na nga po pinabakasyon ko muna siya, kawawa kasi 'yong tao. Hindi kasi nakaranas magliwaliw mag-isa!" Nilakasan pa ang boses nito para marinig ko. “Pero huwag ka mag-alala dahil tatawagan ko naman siya kapag kailangan ko na siya," dugtong pa ni Claris sa kausap. "Ah sige. Let's go, Ms. Areana," yaya ng secretary. Kinuha nito ang maleta ni Claris at tumalikod na. Lumingon naman sa akin si Claris at bahagyang tinanggal ang salamin nito. Pinanglakihan pa ako ng mata. Natatawa na lang ako na napatingin sa kaniya nang tumalikod na ito at sumunod sa secretary. Kinuha ko ang cellphobe ko at tinext siya. Me: Mag-enjoy ka muna sa pangalan ko, friend. Galingan mo, ha? Ikaw muna si Miss Areana. Two week's lang naman. Sent…. Pagkatapos kong i-send ang message kay Claris ay pinuntahan ko na si Mama. Ilang minuto akong tumayo sa gilid niya hindi pa rin ako nito nakilala dahil siguro sa suot ko at sa porma, kaya hindi niya ako napansin. Ibinundol ko ang puwetan ko sa kaniya para mapansin niya ako, nagulat naman ito. " Itlog ng kabayo!" tili niyang sabi sabay lingon sa akin at pinagmasdan ako ng mabuti. “Areana! Naku’ng bata ka! Hindi kita nakilala!'' bulalas niya sabay yakap sa akin. ''Mama talaga! Gumanda lang ako ng kaunti eh hindi mo na ako nakilala?'' natatawa kong biro sabay halik ko sa kaniyang pisngi. ''Eh, paano kasi naka-shade ka at nakasumbrero. Alam ba ng Daddy mo na narito ka? Noong isang linggo lang 'yon dumating sa Holand,'' tanong nito saka kinuha niya ang maleta ko. ''Hali ka na at naghihintay na sa atin ang sasakyan na inarkila ko. Doon muna tayo tutuloy sa condo ng anak ko.” Napatango ako kaya naglakad na kami patungo sa parking area. ''Mama, huwag mo sabihin kay Daddy na narito ako, ha? Gusto ko muna magpahinga kahit dalawang linggo lang,” pakiusap ko kay Mama. ''Hay naku’ng bata ka! O sige na! Pero sigurado na magagalit ang Daddy mo kapag nalaman niya na narito ka na pala sa Holand. Tapos hindi mo naman sinabi sa kaniya,'' saad ni Mama. ''Pagkatapos po ng dalawang linggo tatawagan ko naman po siya,’’ sagot ko. ''Eh paano ang trabaho mo?'' pag-aalala niyang tanong. Nakarating na kami sa sasakyan na inarkla niya. Sinalubong kami ng driver at kinuha ang aking maleta kay Mama, sumakay na kami sa passenger seat habang hinihintay ang driver. ''Mama, huwag po kayo mag-alala sa trabaho ko dahil naro'n naman si Claris. Siya muna ang pinagpanggap kong Areana,'' nakangiti kong sabi kay Mama. Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. ''Loko-loko ka talagang bata ka. Eh, mamaya malagay kayo sa gulo sa ginagawa niyong 'yan, ha?'' sermon ni Mama. Yumapos ako sa kaniya bilang paglalambing. ''Mama, huwag po kayong mag-alala dahil gagawin ko naman ang trabaho ko habang nagbabakasyon ako. Ipapasa ko naman kay Claris 'yong mga tapos ko na design sa email niya para mapagawa na iyon.'' ''O siya, ikaw ang bahala. Basta siguraduhin mo na hindi ka malagay sa alanganin sa ginagawa mong iyan,'' paalala niya sa akin. ''Opo, Ma! Pero ako mismo ang gagawa ng gown ng anak no'ng may-ari ng kompanyang pinagta-trabahuhan ko,” kwento ko pa kay Mama. Bahagya siyang nagulat at literal na napa-awang ang mga labi. ''Ga-gano'n ba? Mabuti naman kung gano'n. Sigurado ako matutuwa ang anak ng amo mo dahil maganda ang gagawin mo para sa kaniya,'' kabadong sabi ni Mama, na hindi ko maintindindihan ang reaksyon ng mukha niya. ''Oo naman, Mama. Wala naman akong ginanawang pangit. Lahat ng mga design at gawa ko ay magaganda at nagugustuhan ng lahat. Mas lalong gagandahan ko po ang gagawin kong gown para sa anak ng masungit na 'yon,'' tugon ko sabay napanguso kapag na-a-alala ko ang pangalan ng Gabriel Moore na iyon. ''Sino ang masungit, Iha?'' tanong pa ni Mama. ''Iyong may-ari ng kompanya, Mama. Masyado siyang hambog; ang pangit naman!'' nakangusong saad ko. Napa-ubo pa si Mama sa sinabi ko. “Bakit nakita mo na ba ang amo mong iyon?'' ''Hindi pa naman. Sa telepono lang po kami nag-usap, pero sabi ni Dether eh pangit raw po 'yon. Parang uranggutan daw po 'yong mukha,'' sagot ko. ''Hahahaha! Uranggutan talaga? Hay naku!'' natatawang sabi ni Mama, napapa-iling pa ito. ''Paano po kasi, Mama. Sinabihan niya na pangit raw ang ugali ko at baka raw pangit pa ang mukha ko. 'Yong design ko lang daw po ang maganda,'' sumbong ko kay Mama. ''Hahahaha! Hay naku, Areana. Hindi pa nga kayo nagkikita nang amo mo eh parang hindi na kayo magkasundo.'' Patuloy pa rin ito sa katatawa. ''Paano naman po kasi sinabihan pa akong assuming. At sigurado, Mama, kapag nakita niya ang ganda kong ito baka mapapa-wow siya. Pero sorry na lang siya dahil maglalaway sya,'' nakanguso kong sabi. ''Hahaha! Hay ewan, sigurado ma-inlove sa'yo ang mukhang unggoy na iyon. Hahaha…'' tugon ni Mama sabay tawa ng malakas at napapailing pa. ''Sorry na lang siya, Mama. Hindi ko siya magugustuhan dahil ang pangit niya. Pero bakit hindi siya magparetoke ng mukha? Marami naman siyang pera, 'di ba?'' ''Eh, may kaniya-kaniya naman tayong desisyon sa buhay, eh. Malay mo at masaya naman siya sa mukha niya o kuntento na siya katulad mo. 'Di ba, hindi kilala ang mukha mo dahil nakamaskara ka kapag may pinupuntahan kang event na ginaganap sa New York? Kasi ayaw mong makilala nila ang mukha mo,'' sagot nito sa akin. ''Alam mo naman na gusto ko palagi akong malaya. Ayaw ko 'yong maglalakad ako sa mall o kahit saan na pinagka-kaguluhan ng mga tao. Tulad ngayun walang nakakakilala sa isang Areana De Villa," rason ko. ''Kaya mo pinapanggap si Claris na ikaw. Para makakapasyal ka pa kung saan-saan? Ay nakong bata ka, oo.'' ''Eh ngayon lang naman po ako makapasyal na mag-isa, eh. Alam niyo naman na laging bantay sarado ako ni Daddy. Kaya, minsan naiinis na ako, gusto niya yata na gawin akong matandang dalaga. Alam mo ba, Mama kung may lalaki lang na gusto akong itanan, magpapatanan na lang ako,'' seryoso kong sabi kay Mama. Para na kasi akong nasasakal minsan. ''Areana, para naman sa ikakabuti mo ang paghihigpit sa'yo ng Daddy mo. Papasaan ba at makapag-asawa ka rin. Mag-enjoy ka muna sa career mo saka mo na isipin iyan," sabi ni Mama sabay tapik sa balikat ko. ''Eh kasi, Mama minsan parang nasasakal na ako. Thirty-three na kaya ako, kaya alam ko na kung ano ang makakabuti sa akin. Hindi 'yong si Daddy na lang ang nagde-desisyon palagi sa buhay ko.'' ''Iha, walang magulang ang gustong mapahamak ang anak. Kaya, pino-protiktahan ka lang ng Daddy mo. Kaya, huwag ka na magtampo sa Daddy mo, ha? '' Nagbuntong hininga na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? E ‘di, sundin na lang ang mga payo nila sa akin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa condo na tutuluyan namin ni Mama. Umakyat kami sa 4th floor at tumuloy na sa unit. Pagdating namin sa loob ay umupo ako sa mahabang sofa na kulay black. Black and white lang ang makikita mo sa paligid. May dalawang kuwarto sa loob at malalak rin ang mga iyon. ''Dito muna tayo habang wala pa ang anak ko. Do'n ka na lang sa kabilang kuwarto, Iha,'' wika ni Mama. ''Thanks, Ma! Hayzz! Napagod ako sa byahe, Ma, kaya magpahinga na lang muna ako,” sabi ko sa kaniya. ''Oh, sige, ‘nak, magpahinga ka muna. Ano ang gusto mong ulamin?” ''Kahit ano, Ma. Kayo na po ang bahala,'' sabi ko kay Mama at pumasok na sa kabilang silid. Agad kong inilapat ang aking likod sa malambot na kama na kahapon pa hinahanap ng aking katawan. Hindi na muna ako nagbihis pa o nag-shower. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog kaagad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD