Book 4 Episode 6

1496 Words
Chapter 6 Gabriel Tinawagan ko ang aking secretary na sumundo sa dalawang designer na pinalipat ko rito sa Holand. Dapat ay magkikita sana kami ngayon sa isang restaurant. Kasalukuyang nasa mansyon ako ngayon. Dinaial ko ang number ni Nadine at ilang ring ring lang ay sinagot niya ito. ''Good morning, Sir. Kasama ko na po ngayon si Miss Areana,'' sagot ni Nadine Joy sa kabilang linya. ''Mabuti naman kung gano'n, dalhin mo na lang sila sa accomodation nila,'' utos ko sa aking secretary. ''Hindi na po ba kami pupunta sa restaurant, Sir?'' tanong nito. ''Hindi na! Ihatid mo na lang sila sa building 1 para malapit sila sa office nila. Pahingain mo muna sila at mamayang hapon ay e-tour mo sila sa magigng office nila sa kabilang building. Saka dumiretso kayo rito sa mansiyon mamaya. Para makuhanan na ng sukat si Gabby. Pati na ang kambal ni Shiena. Dito na lang sila mag-dinner mamaya sa mansyon maliwanag?'' ''Opo, Sir. Pero Sir si Miss Areana lang po ang kasama ko dahil susunod na lang po ang isa niyang kasama na si Miss Llaness,'' wika ng secretary ko. ''No problem dahil ang importante ay si Miss De Villa dahil siya ang gagawa ng design na isusuot ni Gabby sa araw ng kaarawan ng anak ko.’’ ''Sige, po, Sir. See you later,'' aniya. ''Okay, Miss Belmonte, ikaw na ang bahala kay Miss Areana. Pakaiinin mo na lang pagdating niyo sa accomodation nila. Mahirap na at magutom ang babaeng 'yan,'' sabi ko saka pinatay ang cellphone. Sakto naman pagkatok ni Gabby sa kuwarto ko. ''Daddy! Are you waking up?'' ''Yes, Gabby, come in!'' utos ko at naupo ako sa kama para buksan ang aking laptop. Pumasok si Gabby sa loob at nakangiti ito ng maluwag. ''Mukha yata ang ganda ng gising ng prinsesa ko, ah!'' sabi ko at yumakap ito sa akin. ''Daddy, 'di ba, sabi niyo po ngayon darating si Miss Areana?'' nakangiting tanong ni Gabby. ''Yes, my princess, why?'' ''Nothing, Dad, but i'm so excited to meet her. Liana and Lia Shein is so excited to meet her, Dad,'' excited na sabi ni Gabby. Makikita sa mukha niya ang sobrang tuwa dahil makikita niya na ang idol niyang designer. ''Dont worry, my princess, dahil mamaya makikita mo na si Miss Areana sa personal. Pupunta sila rito mamaya sa bahay at dito sila magdi-dinner,’’ nakangiti kong turan sa aking anak na panganay. ''Yehey! siguro ang ganda-ganda ni Miss Areana, Dad,’’ natutuwa niyang sabi at pumalakpak. ''Well, malalaman natin mamaya. kaya lang, anak, I don't like her attitude.” Kumunot ang noo ni Gabby sa sinabi ko. Saka pinakibot-kibot niya pa ang kaniyang labi. ''It's okay, that you don't like her, Dad,'' seryoso pa nitong sabi at parang may gusto itong ipahiwatg sa akin. ''And why, hmm?'' tanong ko sabay haplos ko sa buhok niya. ''Dahil ayaw namin ni Finn na magkagusto ka sa ibang babae. Gusto namin si Mommy lang ang love mo. Ayaw namin na may ibang babae kayong mahal,'' malungkot na sabi ni Gabby sabay haba niya ng kaniyang nguso. Para hindi siya malungkot ay hinalikan ko siya sa noo. ''Masyado namang napakaselosa ng prinsesa ko. Manang-mana ka sa talaga sa Mommy mo.'' ''Ah, basta, Daddy! Promise mo po sa amin ni Finn na si Mommy lang ang mahal mo, ha? Kung hindi aawayin ko ang babaeng magusustuhan mo at magkakagusto sa'yo,'' banta niyang sabi habang nakasimangot. Natawa ako sa sinabi niya. ''Eh, paano kong si Miss Areana ang magkagusto sa akin?'' biro kong sabi sa kaniya dahil alam ko kung gaano niya kagusto ang fashion designer na iyon. ''Hmppppp! Ayaw ko na po sa kaniya kapag inagaw ka niya kay Mommy,'' irap na sabi nito at humaba lalo ang nguso. '''Di ba, idol na idol mo ang Areana na iyon?'' ''Opo, Dad! Pero gusto ko lang po ang mga gawa niya. Pero ayaw ko sa kaniya para sa iyo,'' lambing na sabi na ni Gabby. ''Ok don't stress your self sweetheart, dahil si Mommy mo lang ang love ko at wala ng iba, okay?'' sabi ko sabay haplos sa pisngi niya, kaya nakangiti na ito. ''Thank you, Dad. I love you, Daddy,'' aniya sabay halik nito sa aking pisngi. Malambing si Gabby at maalalahanin katulad din ng Mommy niya. ''Alam mo ba na magkahawig na magkahawig kayo ng Mommy mo? Naalala ko noong naglilihi siya sa'yo. Alam mo kung ano ang ginawa niya?'' sabi ko kay Gabby at kinalong ko siya. ''Ano po ang ginawa ni Mommy, Dad?'' nagtataka niyang tanong at hinihintay ang sagot ko. "Binundol niya lang naman ang sampong sasakyan ko noon dahil sa hindi ko lang siya nabilhan ng shawarma na gusto niya kainin,'' nakngiti kong pahayag kay Gabby. Tumawa ang anak ko sa aking sinabi at mukhang proud pa sa ginawa ng Mommy niya. ''Ang astig pala ni Mommy, Dad. Hindi siya takot sa'yo?'' ''Well, siguro hindi siya takot dahil alam mo ba na napakataray ng Mommy mo? Tapos madaldal pa katulad mo. Parang si Tita mo rin Shiena walang tigil ang bunganga sa katatalak,'' ngiti kong sabi kay Gabby. ''Hahaha… Daddy sabi ni Tito Dexter inagaw niyo lang po si Mommy sa kaniya?'' Ngulat ako sa tanong ni Gabby. Sira ulo talaga ang lalaking 'yon. Kung ano na naman ang kwenento sa anak ko. ''Huwag mo pansinin ang Tito mong 'yon. Inagaw ko lang naman sa kaniya ang Mommy mo dahil ang ganda kasi ng Mommy mo. At kung hindi ko siya inagaw sa Tito mo e ‘di sana wala ka sa mundong ito, kayo ni Finn,'' sabay haplos ko sa buhok niya. ''No, Dad, kung si Tito Dexter ang asawa ni Mommy, e ‘di si Tito Dexter sana ang Daddy namin ni Finn?'' daldal na sabi ni Gabby at tinaasan pa ako ng kilay. Habang lumalaki siya ay nakukuha niya ang katarayan ni Allysa. ''Aba'y parang ayaw mo yata na ako ang Daddy mo, ah? '' kunwa'y nagtatampo kong sabi. ''Hehehehe… Si Daddy talaga, syempre po gusto pa rin namin ni Finn na ikaw ang Daddy namin,'' bawi niya sa sinabi niya kanina at yumakap ng mahigpit sa akin. ''Sigurado ka na ako ang gusto mo maging, Daddy?'' paninigurado kong tanong at niyakap ko rin siya. "Dalaga na ang prensisa ko. Kung buhay lang sana ang Mommy ninyo,'' panghihinayang kong sabi dahil sa maagang pagkawala ni Allysa sa buhay namin. ''Opo, Daddy. Ikaw lang kaya ang the best Daddy sa amin ni Finn,'' nakangiting tugon ni Gabby at kumalas ng yakap sa akin. Nagbuntong hininga ako ng malalim at tumayo at binuhhat siya saka niyaya. ''Let's go to your brother.'' Tuwang-tuwa siya nang binuhat ko siya. Nagtungo kami sa kwarto ni Finn, pero bago pa kami makapasok sa loob ng silid ni Finn ay nasalubong na namin sila Yaya Des at karga-karga nito si Finn. ''Nako, ang laki-laki na ni Ate mo Gabby, pero nagpa-pabuhat pa rin sa Daddy niya,'' wika ni Ate Des. ''Hehehe… Baby pa kaya ako ni Daddy, Yaya,'' protesta ni Gabby. Natatawa na lang kami ni Yaya sa panganay namin ni Allysa. ''Dedy!'' tawag naman ni Finn sa akin at iniabot pa nito ang kamay niya para magpabuhat sa akin. ''Finn, naman, eh! Ako muna buhat ni Daddy, ha? Lagi naman kayo magkatabi ni Daddy, eh. Mamaya tabi na naman kayo sa pagtulog,'' protesta ni Gabby sa kapatid. Pero nag-aamba ng umiyak si Finn. ''Hmmpp! Sige na nga po, Daddy! Si Finn na lang po ang buhatin mo,'' paraya ni Gabby at ibinaba ko siya sa tiles. Mapagmahal na kapatid si Gabby sa kapatid niyang si Finn. Ayaw na ayaw niyang umiiyak ang kapatid niya, kaya bago pa tumulo ang luha ni Finn ay kinuha ko na ito kay Yaya Des. Agad naman lumingkis sa leeg ko ang maiksing kamay ni Finn. Inalo-alo koi to para hindi umiyak. ''Huwag ka na umiyak, ha?’’ sabi ko kay Finn. Natatawa na lang kami ni Yaya Des sa dalawang bata. Bumaba na kami ng hagdan at nagtungo sa dining area. Nakahanda na ang mesa at pinaupo ko si Finn sa upuan nito. ''Gabby, ano ang gusto mo, milk or chocolate? '' tanong ni Manang Meding. 'Milk na lang po, Lola Meding,'' sagot ni Gabby at agad naman siyang tinimplahan ni Manang ng gatas. ''Maupo na kayo Yaya Des, sumabay na kayo kumain sa amin,'' utos ko naman kay Yaya. Hindi na kasi iba ang turing ko sa mga kasambahay para ko na rin silang pamilya. Sabay kaming kumain nang umagang iyon. Hindi na muna ako pumasok sa opisina para bantayan ko na lang si Finn. Gusto ko munang makipag-bonding sa mga anak ko. Kaya, nang makatapos kami ng kain ay ipinasyal ko sila sa Park kasama si Yaya Des at Manang Meding. Tuwang-tuwa naman ang mga bata habang nagtatakbuhan sa damuhan lalo na si Finn. Gustong-gusto nito na laging nasa labas at ayaw papigil kapag nag-umpisa na siyang maglaro. Hinayaan ko sila ni Gabi na sulitin ang paglalaro sa park para ma-enjoy nila ang kabataan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD