Chapter 4
Areana
" Daddy, papasok na ako sa sa office. Ikaw na lang ang bahala magsara ng pinto, ha? Saka ingat ka Dad sa byahe," sabi ko kay Daddy at nagmamadali kong isinuot ang close shoes ko.
"Mag-ingat ka rito, Areana, ha? Pupunta na ako ng Holand para bisitahin ang mga kamag anak natin doon," bilin ni Daddy sa akin.
"Opo, Dad. Basta kung may problema sabihin niyo lang sa akin, ha. Saka ikamusta mo ako kay Mama nami-miss ko na po siya," sabi kp kay Daddy.
Sabi ni Daddy ay may mga kamag anak kami sa Holand. Pero hindi ko naman sila nakikita dahil masyadong mahigpit sa akin si Daddy. Palagi niya na lang ako binabantayan. Kaya, walang tumatagal na manliligaw sa akin dahil sinusungitan niya. Sa edad ko na tatlumpu't tatlo ay hindi ko alam kung bakit ayaw ni Daddy na mag-boyfriend ako. Gusto niya yata maging matandang dalaga ako. Pero dahil mahal na mahal ko si Daddy ay sinusunod ko na lang ang kagustuhan nila ni Mama, kaya lang nauna na si Mama umuwi sa Holand.
"Oy 'yong bilin ko Areana, ha? Baka mamaya ay kung sino-sino na lang ang sasagutin mo sa mga manliligaw mo," paalala pa ni Daddy.
"Dad thirty three na kaya ako. Dapat nga mag-asawa na ako, eh" lambing kong sabi kay Daddy.
"Areana, sundin mo na lang kasi ako dahil para rin ito sa ikabubuti mo. Saka isa pa wala akong tiwala sa mga manliligaw mo," nakanguso niyang sabi sa akin.
"Hmmpp!" irap ko ko sa kaniya. "Oo na, Dad. Sige na, aalis na ako. I love you, Dad." saka humalik ako sa pisngi niya at lumabas ng bahay.
"Ingat, Iha!" pahabol pang sabi ni Daddy. Kumaway lang ako saka naglakad ulit ako sa kalye ng New York papuntang office. Pero dahil medyo maaga pa ay umupo muna ako sa isang bench. Tanaw ko na kasi ang building na pinapasukan ko. Isang sanadali pa sa aking pagkaupo ay tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tumatawag sa akin.
"Oh! Bakit napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya.
"Bakit? Bawal na ba tawagan ang Areana De Villa? Porket sikat ka na ba?" pabirong sabi ni Dether sa akin.
"Over ka, ha? Na-miss mo ako ano?" panunudyo kong tanong sa kaniya.
" Hindi lang na-miss kundi miss na miss. Kumusta na ang isang fashion designer kung kaibigan sa New York, hmmm?" lambing niyang tanong.
"Well, as usual maganda pa rin," natatawa kong sagot sa kaniya.
"Hindi ka pa rin nagbabago GGSS ka pa rin," tawa niyang sabi.
Kumunot naman ang noo ko sa GGSS na sinabi niya. "Anong GGSS? Ano 'yon, ha? Minumura mo ba ako, Dether?" kunwa'y galit kung tanong sa kaniya.
Lalo pa siyang natawa sa kabilang linya. "GGSS hindi mo alam?" nakakaloko niyang tanong sa akin.
"Magtatanong ba ako sa'yo kung alam ko?" Napapaira ako sa kaniya.
"Ibig sabihin ng GGSS gandang-ganda sa sarili," aniya sabay tawa ng malakas.
"Oh, bakit? Maganda naman talaga ako, ah? Saka kung pangit ako e 'di sana walang may manligaw sa akin," pagmamayabang kong sabi na nakasimangot na.
"Maganda ka nga, kaya lang mga manliligaw mo wala pa sa kalingkingan ko," pagmamayabang niya rin turan sa akin.
"Hmmpp... Porket guwapo ka? Bakit, mga pogi naman sila, ah!" pagtanggol ko sa mga manliligaw ko sa panlalait niya.
"Pogi nga mga mabaho naman!" sagot niya sabay tawa ng malakas.
"Sira ulo ka talaga! Bakit ka nga pala napatawag?"
" Kinakamusta lang kita. Balita ko kinuha ka raw ng FGM Company bilang designer sa buong FGM Mall?" tanong niya.
"Oo, kaso ang sungit no'ng may ari. 'Yong si Gabriel Moore matandang uhugin siguro ang lalaking iyon," naiinis kong kwento sa kaibigan ko.
"Hahaha...'' Lalong tumawa ito ng malakas. "Si Gabriel Moore? Kilala ko iyon.''
"Kilala mo ang lalaking iyon? Alam mo ba na ininsulto niya ang pagkatao ko? Sinabihan niya akong assuming," sumbong ko kay Dether.
"Bakit niya naman ginawa iyon?" tanong niya sa kabilang linya.
"Eh, kasi binabaan ko siya ng telepono. Akala ko kasi isa sa mga manliligaw ko o stalker. Kaya, ayon nasungitan ko siya," nakahaba kong nguso na sumbong sa kaniya.
"Eh kasalanan mo rin pala, kaya hindi mo rin masisi ang tao na pagsalitaan ka ng hindi maganda.''
Lalo naman humaba ang nguso ko sa sinabi niya.
"Sino ba ang kaibigan mo, 'di ba ako? Bakit parang ang Gabriel na iyon ang kinakampihan mo?" naiinis kong tanong sa kaniya.
"Oh! Relax. Syempre sa'yo ako kakampi dahil ikaw lang yata ang maganda kong kaibigan," pambobola niya sa akin.
" Bolero! Nakita mo na ba ang mukha ng Gabriel na iyan? Kasi kagabi ni-research ko siya. Wala naman akong makuhang information tungkol sa kaniya. Na-curious lang kasi ako sa mukha niya," turan ko kay Dether.
"Oo, naman! Nakita ko na ang isang Gabriel Moore," pagmamayabang niyang sagot sa akin.
"Ano ba ang pagmumukha no'n?" curious kong tanong.
"Well, hindi mo siya magugustuhan dahil isa siyang pangit, maitim, saka pango ang ilong," seryoso niyang sagot sa tanong ko.
"Kaya pala gano'n siya magsalita sa akin dahil pinagkaitan pala siya ng kagwapuhan. Saka, ew! Hindi ako magkakagusto sa kaniya, noh? Maliban sa may anak na siya at asaw."
Natawa si Dether sa sinabi ko. "Huwag kang magsalita ng tapos Areana dahil mayaman si Gabriel."
Totoo naman ang sinabi ni Dether na mayaman si Gabriel.
"Mayaman nga pangit naman! Siguro pera lang habol ng mga babae sa kaniya lalo na 'yong asawa niya," panghuhusga kong sabi. Kay Dether lang naman ako nagsasabi kapag may hindi ako nagustuhan.
"Sira, patay na ang asawa ni Gabriel Moore, saka may dalawa silang anak.''
May gumuhit na awa sa puso ko kay Mr. Moore sa sinabi ni Dether na hindi ko maintindihan kung para akong nasasaktan.
"Talaga? Kawawa naman ang asawa niya. Baka namatay dahil sa kapangitan niya," sabi ko.
"Grabe ka naman sa may ari ng kompanya na tinatrabahuhan mo."
"Eh, basta naiinis ako sa lalaking 'yon. Pero pangit ba talaga ang mukha niya?" tanong ko ulit. Hindi ko pinapahalata na parang naawa ako kay Mr. Moore, kahit na naiinis ako sa kaniya.
"Oo nga! Nakita mo na ba ang ilong ng isang unggoy? 'Yong oranggutan?" tanong nito sa akin.
"Oo, sa tv. Sa animal planet ko 'yon nakita," sagot ko.
"''Yon! Gano'n na gano'n ang ilong ni Mr. Gabriel Moore. Saka 'yong mukha niya parang sinumpa ng limang demonyo. Saka mga ngipin niya hindi pantay-pantay. Puro sungki-sungki at bulok-bulok pa. Kaya, nga hindi 'yon nagpapa-interview sa tv, eh!" paglalarawan ni Dether sa mukha ni mr. Moore.
Mas lalo akong nakaramdam ng awa sa lalaking iyon. Kaya, siguro gano'n siya ay dahil pera lang ang habol ng mga babae sa kaniya.
"Bakit hindi siya magparitoki?" tanong ko kay Dether. Hindi ko alam kung bakit naging intresado ako kay Mr. Moore. Marahil ay dahil nainis ako sa kaniya at siya lang ang lalaking nakapang-insulto sa akin.
"Eh, malay ko! Tanungin mo kaya siya, ano? Total siya naman ang may ari ng pinagta-trabahuhan mo," pang-iinis na sagot ni Dether sa akin.
"Hayzzz... Bakit kaya 'yan ang pinag-usapan natin? Sige na, papasok na ako sa office. Regards na lang sa asawa mo," sabi ko at binabaan ko siya ng cellphone. Tumayo sa bench saka naglakad patungo sa office. Si Dether ay isa kong matalik na kaibigan. Nasa ibang bansa ito kasama ang asawa niya. Para ko na siyang kapatid. Siya ang nakakaalam ng lahat ng pagkatao ko. Sila lang ni Claris ang pinagsasabihan ko sa mga problema ko.
Pagpasok ko sa building ay agad ako binati ng guard. "Good morning Miss De Villa."
"Good morning, ganiti kong bati. Parang routine na namin iyon sa umaga sa tuwing papasok ako ay babatiin agad ako ni Kuyang Guard. Pagpasok ko palang sa silid ng office ay agad akong pinatawag ni sir Clark.
"Areana, tawag ka ni Sir, kayo ni Claris," sabi ni Ate Violeta.
"Bakit raw, po?" tanong ko saka nama pagpasok ni Claris.
"Ah, basta! Puntahan niyo na lang parang malaman ninyo kung bakit?" sagot ni Ate Violeta.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Claris.
"Tawag daw tayo ni Sir Clark," turan ko kay Claris.
"Bakit raw?" kunot-noo niyang tanong.
"Eh, malay ko. Kararating ko lang kaya," sarkastiko kong sagot kay Claris.
"Puntahan niyo na roon sa opisina niya para malaman niyo," utos naman sa amin ni Ate Violeta.
"Tara na nga!" yaya ko kay Claris at hinila ko ang pulsuhan ni Claris at lumabas sna kami. Nagtungo kami sa silid ni Sir Clark.
"Good morning, Sir," sabay na bati namin ni Claris kay Sir Clark.
"Mabuti at narito na kayo. Maupo kayong dalawa may pag-uusapan tayo," seryosong sabi ni Sir Clark habang nakaupo ito sa kaniyang swivel chair. Umupo kami ni Clares sa harap ni Sir Clark.
"Tungkol saan po ba Sir ang pag-uusapan natin?" tanong ko.
"Dahil sa ginawa mong pagbagsak ng telepono kay Mr. Moore at pagsusungit mo sa kaniya kahapon. Nalaman ng head manager ng kmpanya rito sa New York ang pagtataray mo sa may ari ng FGM Company. Kaya, napagdesisyonan na ililipat ka sa Holand at doon ka na magta-trabaho.''
Naawang ang labi ko sa sinabi ni Sir Clark. Hindi ako makapaniwala na sa Holand ako i-asign.
"Final na ba 'yan, Sir? Nasanay na ako rito sa New York. 'Pag doon ako sa Holand ibig sabihin panibagong pakikisama na naman sa nga tao roon," malungkot kong sabi na nakahaba ang nguso.
"Well, wala tayong magagawa dahil 'yon ang napag-desisyonan na ilipat ka na sa Holand," seryoso niyang turan.
"Hayzzz... masyado naman ang Gabriel na iyon," simangot kong sabi.
"Pasalamat ka at 'yon ang naging parusa mo. At hindi ka tinanggal ni Mr. Moore. Kaya, masuwerte ka pa rin Areana," pahayag ni Sir Clark sa akin.
"Oo, nga, girl," sabat naman ni Claris. "Pero Sir may kailangan ba kayo sa akin? Bakit pati po ako eh pinatawag ninyo?" nagtatakang tanong ni Claris kay Sir Clark.
"Ikaw ang kasama ni Areana sa Holand. Dalawa kayo ang ipapadala namin roon," seryoso pang sabi ni Sir.
"Talaga po, Sir? Yes! Makakaapak na ulit ako sa Holand!" excited naman na sabi ni Claris.
"Huwag kayong mag-alala dahil free ang accommodation ninyo roon saka may weekly allowance pa kayo," sabi naman ni Sir Clark.
"Kailan po kami pupunta sa Holand, Sir?" nakasimangot kong tanong.
"Next week na, kaya maghanda na kayo. Kahit bukas hindi na kayo pumasok dahil naka-ready na rin ang mga ticket ninyo," sagot ni Sir Clark.
Pabor na rin sa akin kung sa Holand ako magta-trabaho dahil makakasama ko pa rin si Daddy dahil uuwi na ito ngayon sa Holand at makikilala ko na rin ang mga kamag-anak ko roon.
"Okay, Sir. Wala naman problema sa akin. Pakisabi na lang kay Mr. Moore, na salamat at hindi niya ako tinanggal,'' nahihiya kong sabi kay Sir Clark.
"Ikaw na ang magsabi no'n sa kaniya Areana dahil magkikita rin naman kayo roon. Saka nga pala roon mo na gawan ng design ang anak niya para sa ika-siyam nitong kaarawan,'' pahayag ni Sir.
"Sige po, Sir. Salamat po ulit," pasalamat ko at tumayo na kami ni Claris.
Pagkatapos kaming kausapin ni Sir Clark ay bumalik na kami ni Claris sa silid namin.
"Makikita ko na si Mr. Moore," kilig na sabi ni Clarisn habang pabalik kami sa aming silid.
"Na paano ka? Bakit ka riyan kinikilig?" tura ko sa kaniya nang nakabalik na kami sa silid namin at naupo na sa pwesto namin.
"Eh, paano kasi! Ni-research ko si Mr. Moore. Kaso wala ma lang siyang larawan. Ang sabi ro'n sa nabasa kong articles ay maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya. Kaso may asawa na siya pero patay na raw, Girl. Kaya, wala namang masama kung makipagpilahan ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya," kinikilig pang sabi ng baliw kong kaibigan.
"Sira! Naghahabol nga lang ang mga babae sa kaniya dahil mapera lang siya pero hindi siya gwapo, Day. Kaya, huwag ka ng magpantasiya sa isang katulad niya."
"Hosh! Paano mo naman nalaman na hindi siya gwapo? Nakita mo na ba siya?" tanong nito sa akin na nakaismid ang kaliwang bahagi ng kaniyang labi.
"Basta may nagsabi lang sa akin na pangit ang mukha niya. Na i-imagine ko pa lang ang mukha niya parang nakakatakot na. Saka bulok pa ang ipin, hahaha..." tawa ko kay Claris.
"Sigurado ka?" taas noo pa nitong panigurado sa sinabi ko.
"Oo naman dahil kilala siya ng kaibigan ko. At ang pangit raw ng lalaking iyon. Kaya, itigil mo 'yang kakapantasiya mo."
"Haysss... Gano'n? 'Di bali na nga lang," maktol niyang turan sa akin.
Natawa na lang ako nang palihim. Pero na i-imagine ko na ang mukha ng Gabriel na iyon. Siguro para siyang halimaw.
Baka kaya lang siya pinakasalan ng asawa niya ay dahil sa yaman niya. Hindi ko maintindihan pero may awa akong nara-ramdaman para sa lalaking iyon. Para akong nasasaktan. Siguro ang boring ng buhay niya. 'Yong walang kaibigan? Walang totoong nagmamahal? Mahirap kaya ang gano'n. 'Di bali na wala akong pera basta tanggap lang ako ng lahat siguro napakalungkot ng buhay ni Sir Gabriel dahil namatayan pa siya ng asawa. Kaya, intindihin ko na lang siguro siya sakaling magkaharap kami. At hihingi na lang ako ng sorry sa kaniya dahil nasungitan ko siya. Ako kasi 'yong tipo ng tao na maawain, pero kunti lang ang pasensiya. Minsan nakapagsabi ako ng masasakit na salita sa kapwa ko. Pero pinagsisisihan ko naman iyon sa huli. Mataray nga ako, masungit at maldeta 'yon ang sabi nila sa akin. Pero mapagmahal naman ako sa mga taong malalapit sa akin. Mabuti naman ang ugali ko depende nga lang sa taong kaharap ko.
Hindi ko pa nararamdaman ang magmahal sa isang lalaki, kaya minsan napapatanong na lang ako kung ano kaya sa pakiramdam kung may mahal ka at kasintahan mo na o asawa? Pero paano ko naman iyon maramdaman kung bantay sarado naman ako ni Daddy. Kahit nga lang maki-pagdate ako ay sinusundan pa ako. Kaya, minsan pakiramdam ko may kulang sa buhay ko. Minsan may mga pagkakataon na bigla na lang ako iiyak at parang may kulang sa buhay ko.
'Yong bang may hinahanap ako na hindi ko naman alam kung ano? 'Yong bigla na lang akong malungkot at napapansin ko na umiiyak na pala ako.
Pakiramdam ko nakakulong ako dahil lahat ng kilos ko ay bantay sarado ni Daddy. Kahit na umalis si Daddy pupunta sa Holand ay hindi ko pa rin magagawa ang gusto ko. Dahil narito pa si Claris tagabantay ko. Lahat ng kilos ko ay malalaman ni Daddy. Mas loyal pa kasi itong bruha kong kaibigan kay Daddy kaysa akin na kaibigan niya. Nakilala ko si Claris dito sa New York. Ang sabi ni Daddy ay pamangkin na ito ni Mommy sa pinsan nito at dito na sila nanirahan sa New York mula noong bata siya. 'Yong Mama niya ay may iba ng pamilya at natoto siya maging independent noong nagka-edad siya ng labing walo. Sabay kaming nag-aral ni Claris ng fashion designer. Isang taon lang naman namin pinag-aralan iyon. At hindi naman namin sukat akalain na pagka-graduate na pagka-graduate namin ay makukuha kami bilang isang designer sa FGM Company sa branch nila dito sa New York.
Nagustuhan agad nila ang mga design ko hanggang sa naging tanyag na akong fashion designer.
At sino ba naman ang mag-akala na ngayon ay ganap na akong designer ng FGM Mall sa buong branch nito. Hindi lang dito sa New York kundi sa ibang bansa pa. Kaya lang laging may kulang pa rin akong nararamdaman sa buhay ko at 'yon ang hindi ko alam kung ano?