Episode 15

2202 Words

ZOEY ''Gusto mong mamatay ako 'di ba? Iyon ang pinagsisigawan mo sa akin. Kaya, para matapos na ang galit mo sa akin ay inisip ko na tapusin na lang sana ang buhay ko,'' wika ko sa kaniya. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at halos hindi siya nakapaniwala sa kaniyang narinig. ''Next time huwag ka na pumunta sa rooftop! Hindi mo ba alam na malaking gulo kapag nahulog ka sa building na ito? Nakakaasar ka naman! Kumain ka na ba? Ano tong nasa lamesita?'' tanong niya at kinuha ang mga gamot na nakapatong roon. Binasa niya iyon at tumingin ulit sa akin. ''Ininom mo na ba ang mga gamot mong ito?'' tanong niya ulit sa akin. ''Wala akong gana kumain. Lumabas ka na ng silid ko dahil matutulog na ako,'' wika ko sa kaniya. ''Kumain ka na ba at uminom ng gamot mo?'' nakakunot niyang tanong ulit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD