Episode 4

2219 Words
Zoey Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para magluto ng almusal naming dalawa ni Raydin. Nag-shower muna ako bago nagluto. Nang nasa sala na ako ay hindi ko na nakita si Rayden. Marahil ay pumasok ito sa silid niya. Nagtungo na ako sa kusina at naghanap ng puwedeng lutuin. Nakialam na ako roon nakakita ako ng hotdog sa ref. Kinuha ko iyon at nagprito ng 6 na piraso. May batsoy pang natira kaya ininit ko iyon para paggising ni Rayden ay may sabaw siyang mahihigop. Baka may 6i5ihang over pa siya. Mabuti na iyong may naka-ready ng sabaw para sa kaniya. Nagsalang na rin ako ng sinaing sa rice cooker at baka kakain siya ng kanin. Ilang minuto ang nakalipas ay nakahain na ang pagkain sa mesa. Sakto naman ang pagdating ni Rayden. "Ano ang niluto mo?" tanong niya sa akin na seryoso. Bagong ligo siya at amoy ko ang natural niyang pabango. "Nagluto ako ng hotdog at itlog. Saka ininit ko na rin ang natirang batsoy kagabi," wika ko sa kaniya. "Mauubos mo bang kainin 'yan?" seryoso niyang tanong na ang tinutukoy ay ang hotdog. "Hati tayo rito sa hotdog at itlog. May hang over ka ba? May natira pang sabaw kaninang madaling araw. Baka gusto mo maghigop ikuha kita," alok ko sa kaniya. "Sandwich lang ang kinakain ko sa umaga, kaya ubusin mong kainin 'yang niluto mo," masungit niya namang sabi sa akin at kumuha siya ng tasty bread at naglaga siya ng isang pirasong itlog. Nagtimpla siya ng sarili niyang tea at gumawa ng sandwich. "Nagsaing ako. Baka gusto mo kumain ng kanin," alok ko pa rin sa kaniya. "I said, hindi ako kumakain ng kanin sa umaga kaya ubusin mo 'yang sinaing mo para naman hindi ka magmukhang buto. Ang payat mo para kang stick tingnan. Kainin mo 'yang mga niluto mo para naman tumaba ka ng kaunti," pang-iinsulto niya pang wika sa akin. "Hindi ko ito mauubos. Kunti lang ako pakainin," saad ko sa kaniya. "Ubusin mo 'yan Zoey. Huwag kang buweset sa pagkain! Maraming imga kabataan ang nagugutom. Niluto mo 'yan kaya ubusin mo," wika niya at umupo sa mesa at uminom ng kaniyang tea. "Akala ko kasi kakain ka. Kung ayaw mong kainin itira k9 na lang ito para mamaya," sabi ko sa kaniya at kumuha lang ako ng kanin na kaya kong ubusin. "its up to you!" wika niya at nagkibit-balikat pa siya bago sumubo ng sandwich. Habang kumakain ako ay nakatingin siya sa akin na parang nang-uuyam. "Naging masaya ka ba sa buhay mo Zoey? Pagkatapos mong may pinaasang lalaki at niloko?" wika niya sa akin na siyang pinagtataka ko. "Niloko at pinaasa? Nagpapatawa ka yata Rayden Zayn. Hindi ugali ko ang manloko ng tao. Kaya kung ano kan ang pinagsasabi mo ay wala akong alam," wika ko sa kaniya. "Talaga lang, ha? Talagang nakakatulog ka pa talaga sa gabi? At nakakalunok ka pa ng pagkain sa panloloko mo!" mariin niyang wika sa akin. "Anong pangloloko ang pinagsasabi mo Rayden? Wala akong niloko at malinis ang kunsensiya ko! Kung may gusto kang sabihin, sabihan mo ng daritsahan at huwag mo akong pagbintangan ng kung ano-ano!" galit kong sabi sa kaniya. "Kung hindi ka guilty huwag kang magalit, pasalamat ka dahil may pinangako akong binitawan sa taong niloko mo at sinakatan! Dahil kung wala baka matagal ka na rin nakabaon sa lupa!" wika niya sa akin at tumayo dala ang pagkain niya. Tingnan ko na lang siya na palabas sa kusina na nagtataka. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Praning siguro ang pangit na ito. Kumain na lang ako kaysa mag-isip sa sinabi niya. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na ang pinagkainan ko.Habang naghuhugas ako sa lababo ay Ibinagsak naman ni Rayden ang ang tasa ng tea sa tagiliran ko. "Bilisab mong maghugas at may pupuntahan tayo!" yaya niya sa akin. "At saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. "Wala ng maraming tanong, Zoey! Bilisan mo na riyan at ayaw kong naghihintay ng matagal!" Pagkasabi niyang 'yon ay tumalikod na ulit siya. Dali-dali kong tinapos ang ininuman niya ng tea at lumabas sa kusina. Naka-legings naman ako at naka-blouse kaya okay na itong suot ko. Naabutan ko siya sa sala at nakajacket na ito. ''Hali ka na!" Yaya niyasa akin at lumabas kami ng condo unit ni "Saan ba tayo pupunta Rayden?" tanong ko sa kaniya. "Ipapasyal lang naman kita, masama ba?" pang-uuyam niyang sagot sa akin. Umismid lang ako at sumimangot. Sumakay kami sa elevetor at bumababa sa ground floor. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Maganda ang hugis ng pangangatawan ni Rayden. Kapag nakatalikod siya ay hindi mo akalaing pangit ito. Huwag lang siya humarap at baka sa halip na malaglag na ang panty mo ay baka biglang umurong kapag makita mo ang pangit niyang mukha. Siguro ay nasunog ang mukha niya o 'di kaya baka naaksidente siya. Pagdating namin sa parking area ay sumakay siya sa motorsiklo. "Isuot mo itong helmet at sumakay ka sa likuran ko," aniya sabay abot sa aking ng helmet. "Ayaw ko sumakay sa motor," tanggi ko sa kaniya dahil natatakot ako. "Sakay na, Zoey. Huwag ka matakot dahil magaling ako mag-drive ng motorsiklo," pangungumbinsi niya sa akin.Kahit takot akong sumakay dahil gusto kong subukan ang sarili ko sa mga ganitong challenge sa akin. Sumakay ako at inilagay ang helmet sa ulo ko. "Yumakap ka sa akin at baka mahulog ka," aniya sa akin. Yumakap ako sa kaniya at pinatakbo niya na ang motorsiklo niya. Mahigpit ang yakap ko sa tiyan niya dahil sa bilis ng patakbo niya ng motorsiklo. Pakiramdam ko ay lumulutang kami sa subrang bilis. Napapapikit na lamang ako at hinihintay na mabangga kami o ano man ang maaring mangyari sa amin. May isang bahagi ang puso ko na hindi maintindihan sa bilis ng pagtakbo ni Raydin ng sasakyan. May takot akong nararamdaman at lungkot na hindi ko lubos na maintindihan. "Raydin! Puwede bang bagalan mo ang pagpapatakbo ng motorsiklo?!" siagaw kong sabi sa kaniya. Ngunit para siyang bingi at lalo pang binilisan ang takbo ng motorsiklo. Lalong napahigpit ang yakap ko sa beywang niya. Hanggang sa huminto siya at sa pagdilat ko ay nasa private cemetery kami. ''Bumaba ka na,'' utos niya sa akin. Bumaba naman ako ngunit nanginginig ang buo kong katawan dahil sa subrang takot kanina. Pero natuwa rin ako dahil nakayanan kong sumakay sa ganoong kabilis na pagpatakbo ng sasakyan. Bumaba na rin siya sa kaniyang motorsiklo. ''Anong ginagawa natin sa lugar na ito, Raydin?'' tanong ko sa kaniya. ''Ililibing kita rito, gusto mo?'' sarkastiko niyang sagot sa akin. ''Tinatanong kita ng maayos, kaya sana marunong ka naman sumagot ng maayos!'' naiinis kong sabi sa kaniya. ''May dadalawin lang ako,'' sagot niya at naglakad papuntang bilihan ng bulaklak sa gilid ng cemetery. Sumusunod lang ako sa likuran niya at bumili siya ng bulaklak. Nang mabayaran niya iyon ay naglakad siya at sumusunod lang ako sa kaniya. Siguro ay may dadalawin siya rito. Maya-maya ay huminto siya sa isang puntod. Inilapag niya sa lapeda ang bulaklak na binili niya. Binasa ko ang nakasulat roon. RAYNIER ZEUN HARRIS ang nakasulat sa lapeda. ''Sino siya?'' tanong ko kay Raydin. ''Isang mahalagang tao sa buhay ko,'' sagot niya sa akin. ''Ano ang ikinamatay niya?'' tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin ng masakit. ''Namatay siya dahil sa walang kuwentang babae. Talaga bang hindi mo kilala ang pangalan na 'yan?'' makahulugan niyang tanong sa akin. Umiling-iling ako pero sa kasulok-sulokan ng puso ko ay para itong tinutusok. Hindi ko man kilala ang nakalibing sa puntod na iyon ay parang may gumuhit na sakit sa kailaliman ng aking puso. ''Alam mo ba na ang babaeng dahilan ng pagkamatay niya ay gusto ko rin ilibing dito? Pero hindi naman ako ganoon kasama para gawin iyon sa kaniya, pero tiyakin ko rin na maging impyerno ang buhay niya,'' sabi pa niya sa akin. ''Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa kaniya?'' tanong ko. Ngunit nakakainsultong tingin at tawa ang isinagot niya sa akin. ''Hindi ko alam kong sadyang manhid ka lang o nagpapanggap na walang alam sa paligid mo?'' sabi niya na hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. ''Hindi kita maintindihan, Raydin. Mabuti pa iuwi mo na lang ako kaysa makinig diyan sa walang kuwenta mong sinasabi,'' wika ko sa kaniya. ''Hindi tayo uuwi. Pupunta tayo sa opisina at may ipapagawa ako sa 'yo,'' sabi niya sa akin. ''Wala akong alam na gawain sa opisina,'' wika ko sa kaniya. ''Sigurado ka na wala kang alam? May ipapaligpit ako sa 'yo,'' sabi niya sa akin. Nagbuntong hininga ako at hindi na sumagot para wala ng maraming usapan. ''Bahala ka,'' tanging tugon ko sa kaniya. Umalis kami sa puntod na iyon ngunit hindi nawala sa akin ang pangalan ng nakasulat roon. Dinala ako ni Raydin sa opisina ng Zeun Real estate. Pumasok kami sa opisina at maraming nakatambak na mga papeles roon. Umupo si Raydin sa swever chair at sumandal. Tumingin siya sa akin na para bang kinikilatis niya ako ng maigi. ''Umpisahan mo ng magtrabaho, Zoey. Kumuha ka ng pamunas at punasan ang binta at linisin ang silid na ito,'' utos niya sa akin. ''Iyon lang ba ang gagawin ko, Senorito?'' pang-iinsulto kong tanong sa kaniya. "Marami ka pang gagawin, kaya umpisahan mo na ang paglinis,'' aniya na walang reaksyon ang mukha. Nagbuntong-hininga ako ng malalim at kumuha na lang ako ng pamunas at pang-spray sa likuran ng opisana. Malalakinig bahay ang nakatayo sa subdivision na ito. Ang opisina ay nasa harapan lang ng security o main gate ng subdivision. Pakiramdam ko minsan na akong nakapunta sa lugar na ito o baka napanaginipan ko lang ang lugar na ito. Sinimulan ko ang pagpunas sa gelosse ng bintana habang ang pangit kong asawa ay nakaharap sa computer at tumitingin sa mga papel na nakatambak sa mesa. Habang naglillinis ako ay parang pakiramdam ko ay nangyari na ito sa akin noon. Dalawa ang bintana ng opisina na iyon. Pagkatapos ko maglinis ng mga bintana ay kumuha ako ng vacuum at nag-vacuum sa sahig. Ngunit may mga bagay na parang pamilyar sa akin ngunit hindi ko alam kung kailan nangyari. Pakiramdam ko ay nakarating na ako sa lugar na ito at parang madalas kong ginagawa ang mga bagay na ito sa lugar na ito. Habang nagba-vacuum ako ay tumingin ako kay Raydin at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. Parang binabasa niya ang mga kilos ko. Nang tumama ang mga mata namin ay agad naman niyang binawi. Hindi ko maintindihan ang damdamin ko ngunit parang pamilyar na sa akin ang lugar na ito at ang ginagawa kong paglinis. Nang matapos akong maglinis ay inutusan naman ako ng asawa ko. ''Puwede ipagtimpla mo ako ng tea?'' Hindi na ako umimik kundi nagtungo ako sa may pantry at ipinagtimpla siya ng tea. Kahit sa pagtitimpla ko ng tea ay parang pamilyar din sa akin. Parang pakiramdam ko ay madalas ko itong ginagawa. Nang matapos ko ng timplahan si Raydin ay dinala ko na ito sa kaniya at inilapag sa gilid niya sa may mesa. ''Ito na ang tea mo,'' sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang ang pagta-type niya sa computer. Parang hindi ako mapakali kung sino si Raynier dahil nakapangalan din ang real estate na ito sa pangalan nang nasa puntod kanina. ''Raydin, kaano-ano niyo si Raynier Zeun Harris?'' tanong ko ulit sa kaniya. Tumingin siya sa akin na seryoso. ''Lolo ko, maniniwala ka ba?'' ''Kung ano ang sinasabi mo paniniwalaan ko,'' sagot ko sa kaniya. ''Tsss... Alam mo, tigilan mo 'yang pagpapanggap mo. Hindi bagay sa 'yo,'' pang-iinsulto niyang sabi sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin. ''Anong pagpapanggap na naman ba ang sinasabi mo? May gusto ka bang e-point out sa akin Raydin?'' tanong ko sa kaniya. Tuminingin siya sa akin ng masakit. ''Marami, Zoey! Una ay hindi ka karapat-dapat sa pamilyang ito! Pangalawa, hindi ka dapat pinagkakatiwalaan! Pangatlo, huwag kang umasa na mamahalin kita! Dahil darating ang araw na papagapangin kita sa lupa!'' galit na naman niyang sabi sa akin. ''Kung iyon ang nais mo, gawin mo! Wala akong masamang ginawa sa 'yo. Hindi ko pinilit ang sarili ko para magpakasal sa 'yo. At lalong- lalong hindi ko sinabi na magtiwala ka sa akin. Pero kung ang gusto mong sabihin na mukha akong pera at pera lang ang habol ko sa 'yo, puwes nagkakamali ka!'' garalgal kong sabi sa kaniya. '''Ano pa nga ba ang habol mo, Zoey? Katulad ka rin ng ibang babae na pera lang ang habol, kaya huwag kang magmalinis dahil makasarili ka!'' ''Bakit ba hinuhusgahan mo ako Raydin? Kaya kong patunayan sa 'yo na hindi lang pera ang mahalaga sa akin. Kaya kitang mahalin Raydin, kahit ganiyan pa ang mukha mo. Kahit kasing pangit ka pa ni Lolo Imaw sa palabas sa telebesiyon kaya kitang mahalin kung hindi lang pangit ang ugali mo. Hindi ang mukha ang tinitingnan ko Raydin, kun'di ang puso ng tao, ang puso mo,'' iyak kong wika sa kaniya. Mapangutyang tingin ang iginawad niya sa akin at parang napakababang uri ng babae ako sa paningin niya. Hindi ko alam kong anong mali ang nagawa ko sa kaniya at ganito ang trato niya sa akin. Handa ko naman siyang mahalin kahit pangit pa siya, basta huwag niya lang ako sungitan o insultuhin ang pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD