Hunk Series 4: Damian Garcia Part 1

3845 Words
PROLOGUE: DAMIAN'S POV Napaka-inggay at nabalot ng kasiyahan ang isang pribadong silid, na abala sa kani-kanilang ginagawa gaya nang Mayor, Congressman, at kong ano-ano pang mayayaman at kilalang tao. Halo-halo ang mga taong naroon gaya ng mga babae, lalaki, matanda at kahit bata pwedeng pumasok sa lugar na iyon. Naka-suot ang mga tao ng mga mararangyang mga kasuotan at gaya rin sa mga kababaihan na may suot na mga alahas at palamuti sa kanilang katawan. Ang silid na iyon ay tago at tanging VIP client lamang ang pwedeng pumasok para mag laro sa isang casino na pinapamahala ng isang sikat at kilala na negosyante. Napaka laki ang espasyo ng silid at pawang mga mamahalin ang mga gamit doon. Bawat lamesa at ukupado ng mga bigatin na mga tao na kanya-kanyang nilalaro na mga sugal. Perinting naka-upo ang isang lalaki sa silya at may hawak na baraha at kaharap niya ang mga kilala at mayayaman na mga negosyante. Naka-suot ito ng black slacks and pair of black suits. Maganda ang hubog ng katawan ng lalaki at guwapong taglay na sanhi, mahulog ang mga kababaihan sa kaniyang itsura. Kinakatakutan ang nasabing lalaki dahil sa napaka-husay nitong mag laro at mag patumba ng kaniyang mga nakaka-away sa larangan ng pag lalaro ng sugal. He was Damian Garcia, 29 years old own the GMP company, ang napaka-laki at sikat na kompaniya sa bansa. Maraming ari-arian siyang pinapatakbo gaya ng companies, hotels at Mall. Damian garcia is known as a cold blooded beast, that he doesn't care about other people. All that matters to him is power and his possessions. Damian has defeated and knocked down a lot of tough opponents in the business and he is no longer afraid of anyone. Because of Damian's behavior, many people have a secret hatred for him and want him to disappear forever. His enemies want him to take revenge on Damian, but he is not afraid of threats to his life. Sa lamesa sa harapan ang napaka- raming poker chips. Pasimpleng sinilip ni Damian ang ibang kasamahan na nag lalaro, na naka-tuon ang kanilang mga atensyon sa hawak nilang mga baraha. Mga ilang segundo pa ang lumipas, isa-isa nilang pinakita ang hawak nilang mga baraha at sa pag kakataon na ito, nanalo na naman si Damian sa laro na kanilang nilalaro. "Hangang-hanga talaga ako sa'yo Damian!" Tinig ni Mr. Suarez at perinti itong naupo sa silya. Ang bigatin at kilalang may-ari na tanyag na CEO ng isang kompaniya si Mr. Suarez. 56 taong gulang na ito at bakas na rin ang puting buhok at naka-suot ito na pang American na kasuotan. He's half American kaya't gano'n na lang ang lakas ng appeal nito, kahit may edad na ito. Nag kalat din ang mga tauhan at katiwalang tao ni Mr. Suarez at lahat sila naka-suot ng marangyang kasuotan. "Ilang beses na kitang nakaka-samang lumaro, pero hindi pa din kita nakikitang umuwi ng talo Mr. Garcia. Baka gusto mo naman na maging partner tayo sa bawat mga laro natin?" Sumilay ang nakaka-lokong ngiti sa labi nito na hinihintay ang magiging sagot ni Damian. Pinag-siklop ni Damian ang kaniyang palad at puno ng seryoso na binalingan ng tingin si Mr. Suarez. "Kilala mo naman ako Mr. Suarez, na mag-isa lamang ako nag lalaro, at hindi ko kina-ugalian na mayron na tauhan na matandang kagaya mo, na maging sagabal sa akin." Umawang lamang ang labi ng matanda para itago ang labis na irita sa naging sagot ni Damian, pero hindi na lang pinahalata iyon. "Napansin ko ata na wala kanang poker chips. Mukha atang nauubusan kana ng pera ngayon Mr. Suarez!" Perinting sumandal si Damian sa silya na hindi pinu-putol ang titig sa matanda. "Ito ba? Haha!" Humalakhak ito para itago ang hiya na lumukob sa dibdib ng matanda dahil wala nang tirang chips sa tapat ng matanda. Kumpara kay Damian na marami nang poker chips sa harapan nito dahil na rin naka-ilan na siyang panalo sa bawat laro nila. "Mukhang malabo na ata ang mga mata mo Damian. Hindi mo ata ako kilala? Napaka-yaman ko na, napaka-rami kong pera at mga ari-arian. Ang nilabas ko lamang na 10 million na natalo ko kanina, ay barya lamang sa akin.. Gusto mo ba mag tuos tayo ngayon sa sugal?" Pag-hahamon na tinig ng matanda. "Convince me!" "James!" Utos ni Mr. Suarez sa tauhan nito at mabilis naman na lumapit ang isang lalaki na katamtaman lamang ang katangkaran. Malayang pinag-mamasdan ni Damian na may binulong si Mr. Suarez dito. Maya't-maya pa nilabas ng tauhan ng matanda ang isang papel na documento at nilapag iyon sa harapan nila sa lamesa. "Alam mo naman siguro kong ano iyan? Iyan lamang ang documento ng aking ari-arian na JPM company. Kapag natalo mo ako, sa'yong-sayo na iyan Mr. Garcia!" lumawak pa lalo ang ngiti sa matanda at hinihintay ang magiging sagot ni Damian. "Kapag natalo kita sa laro nating dalawa. Isa lamang ang gusto kong hilingin. Kundi ang plantasyon mo sa Cebu!" Lalo pa tuloy naging intense ang panig nilang dalawa. Lingid kasi sa kaalaman na matagal nang gustong bilhin at angkinin ni Mr. Suarez ang plantasyon ni Damian, pero naging matigas lamang ang binata dito. "You know that plantation is important to me Mr. Garcia that is the only small property of my late wife. I just want it back. Nakaka-lungkot lamang dahil ayaw mong ipag-bili iyon sa akin." Lingid lamang sa kaalaman na plinano na iyon ni Mr. Suarez na hamunin niya sa laro si Damian dahil kilala niya ang binata na hindi ito tumatanggi sa bawat hamon sakaniya sa mga laro. "Sigurado ka ba diyan Mr. Suarez? Pano kong matalo kita?" Matalim na tinig ni Damian at walang pag-aalinlangan na takot sa labi nito. "Okay lang ba sa'yong makuha ko ang kompaniya mo?" Lalo pa tuloy lumawak ang pag-kasabik ni Damian ng makita ang pag-aalinlangan at takot sa mga mata ng matanda. "Kilala mo naman ako Damian, hindi ako gano'n kabilis, matalo lamang ng isang kagaya mo!" Bahid ng hambog sa tinig ng matanda. "Sige, tignan lang natin!" Sininyasan ni Damian ang babae, na naka-tayo lamang sa isang tabi at binigyan na sila ng baraha. Sila lamang ni Mr. Suarez ang nag lalaro ng sandaling iyon at nakikinuod lamang ang mga tao sa paligid na inaabangan ng lahat ang kanilang pag tutuos na dalawa. Naging intense at naging seryoso ang laban ng dalawang panig, na walang gustong mag patalo. Isa-isang tinignan ni Damian ang kaniyang nakuhang baraha at naging mabigat ang kaniyang pag-hingga ng sandaling iyon. Walang bahid ng pangamba at takot sa mukha ni Damian na mukhang sanay na sanay na siyang makipag-laro sa mga taong kina-kalaban siya. Sinilip ni Damian si Mr. Suarez na naging matalim at intense ang mga mata nito, habang naka-titig sa hawak nitong mga baraha. Sa bawat segundo na lumipas isa-isa na nilang nilalabas ang baraha na hawak nilang dalawa at nalalamangan na si Damian dahil magagandang baraha ang hawak ni Mr. Suarez. Nag anunsiyo na ang babae na kailangan na nilang ilabas ang huling baraha na hawak nila. Unang nilapag ni Mr. Suarez ang huling baraha at hindi na maalis ang matamis na ngiti sa labi nito, dahil talo na niya si Damian sa laro. "Mukhang talo kana ngayon Mr. Garcia!" Natatawang sambit ni Mr. Suarez, dahil mukhang papabor sakaniya ang gusto niya dahil pawang matataas na baraha ang nakuha niya. "Ngayon akin na ang plantasyon na gusto ko Mr. Garcia. Ngayon talo na kita sa laro, hindi mo na makukuha ang aking kompaniya." Inusog na ni Mr. Suarez documento ng kaniyang kompaniya na kaniyang sinangla sa kanilang pag-susugal na dalawa. "Sandali lamang Mr. Suarez!" Pigil ni Damian sa kamay ng matanda, na labis naman kinagulat nito. Nilapit ni Damian ang mukha sa matanda. "Mukhang hindi mo na ata titignan ang aking huling baraha... Hindi umaayon sa'yo ang pabor Mr Suarez, mukhang hindi ko maibibigay sa'yo ang plantasyon. At akin na ang kompaniya mo dahil natalo kita sa laro natin ngayon!" Umigting ang panga ng matanda ng pinakita ni Damian ang huling baraha na hawak. Naging matalim ang mga mata ni Mr. Suarez dahil hindi niya inakala na naging maganda at mataas ang nakuhang baraha ni Damian kumpara sa kaniya. "P-Paano?" Napa-kurap na tinig na hindi makapaniwala ang matanda dahil hindi niya na mababawi ang plantasyon at ngayon, nakuha na rin ni Damian ang kaniyang ini-inggatan na kompaniya. "Bitawan mo na iyan at akin na ang documento!" Inagaw ni Damian sa matanda ang documento na patunay na nasa kaniya na ang kompaniya nito. "Lets call it for day. I enjoyed our game today Mr. Suarez." Pag-iinsulto pa lalo ni Damian sa matanda na hawak niya na ang documento. Tumayo na si Damian at kinuha niya na ang kaniyang mga gamit kasama ang documento na hawak niya. Nanataili pa din naka-tayo si Mr. Suarez, dahil labis na nabigla ito sa nangyari na sa isang iglap nawala ang kaniyang ari-arian. Hindi paman nakaka-ilang hakbang si Damian ng marinig ang malakas at nakaka-takot na boses ng matanda. "Napaka-hayop mo! Nag dadaya ka!" Matinis na sigaw nito, na hindi matanggap ang kaniyang pag-katalo. Naagaw na rin nila ng atensyon ang ibang mga taong naroon, pero walang pakialam si Damian dahil nakuha niya na ang gusto niya. "Nakita mo naman Mr. Suarez,na walang daya akong mag laro. Tanggapin mo na kasi na natalo kita sa laro natin ngayon!" Matapang na turan ni Damian "Napaka. Hayop ka! Hindi ako makakapayag. Ibigay mo sa akin ang documento dahil napaka-dugas mo mag laro!" Tiim- baga nitong tinig, na dumaongdong na ang boses nito. "Putangina Damian!" Matinis na mura nito. Diretsong nag lakad si Damian at patuloy na tinatawag siya ni Mr. Suarez. Humarang kay Damian ang dalawang armadong lalaki na tauhan ni Mr. Suarez, at kay talim ang pinukulan na titig sa binata. Walang nararamdaman na takot at sindak ang lumukob sa mukha ni Damian. "Pigilan niyo siya!" Utos ni Mr. Suarez sa mga tauhan nito. "Huwag niyong hayaan na maka-alis siya, tanggay ang documento!" Rinig ni Damian ang pag-kasa ng baril sa kaniya na tinutukan na siya ng baril sa isa sa mga tauhan ni Mr. Suarez. "Ibigay mo na sa akin ang documento Mr. Garcia!" Utos ng lalaki at inis na hinablot nito ang documento sa kamay ni Damian. Tiim-bagang tinignan ni Damian ang mga tauhan ni Mr. Suarez. Binigay ng lalaki na mga tauhan ng matanda ang documento kay Mr. Suarez at sumilay lamang ang nakaka-lokong ngisi sa matanda. "Nakaka-awa ka Mr. Garcia!" Natatawang tinig ni Mr. Suarez. Nag lakad ito papunta sa direksyon ni Damian at huminto ito sa tapat ng binata. "Alam mo ba kong bakit hindi ako matalo-talo sa mga laro ko Damian? Dahil dito! Hindi ako makakapayag na matatalo lamang ako, ng isang kagaya mo!" Bahid na nang galit ang mga mata ni Mr. Suarez. "Nakaka-lungkot lamang dahil hindi ko makukuha ang planstasyon pero, sa susunod babawiin ko na iyon sa'yo!" Napa-iling na tinig ni Mr. Suarez at nag lakad na ito palabas kasama ang mga tauhan. "Sinong nag sabi na maari na tapos na ako ngayon?" Malamig na tinig ni Damian, at sumilay ang nakaka-kilabot na ngiti sa labi nito. Simpleng binalingan ni Damian ang lalaki na may baril at inagaw niya ang baril ng walang kahirap-hirap. Nakipag-agawan sila ng baril, at kasabay ang pag putok na kina-sigaw ng mga tao na naroon. Kanya-kanya na nag-silabasan ang mga tao palabas ng pribadong silid dahil takot na masangkot sa nakakatakot na away. Pinilipit ni Damian ang hawak na kamay ng armadong lalaki at ginamit niya ang lakas, na sanhi mabitawan nito ang hawak na baril. Sinuntok ni Damian ang lalaki ng dalawang beses at sumalampak ang katawan nito sa malamig na tiles. Sumugod muli ang isang lalaki sa gawi ni Damian para bigyan ng suntok, pero mabilis naman naka-iwas ang binata. Sinuntok ni Damian ang mukha nito na tumalsik ang sariwang dugo, at kasabay ang malakas na pag-sipa niya sa dibdib nito, na sumalampak ang katawan nito sa upuan na naroon. "s**t!" Matinis na mura ni Damian. Binalingan ng tingin ni Damian sa isang tauhan ni Mr. Suarez sa isang tabi, na handa na itong sugudin siya. Sumugod si Damian sa lalaki at umapak siya sa lamesa, at buong lakas na sinuntok ang isa sa mga tauhan ni Mr. Suarez sa mukha na tumalsik ang katawan nito kong saan. "Ahh!" Daing ng kasamahan ni Mr. Suarez na ngayon naka-higa na ito at namimilipit sa sakit. Lumapit si Damian sa naka-bulagtang tauhan ni Mr. Suarez, at inapakan niya ang dibdib nito na mamilipit pa ito sa sakit. "Putangina!" Mura nito na may bakas ng dugo ang gilid ng labi nito. "Mag babayad ka Damian! Napaka-hayop mo!" Mura nito at ang mga mata nito'y umaapoy sa galit. Nakaka-takot at aura at mukha ni Damin na hindi ito natatakot na kumitil ng kahit na sino. Tangka sanang kukunin ng lalaking naka-bulagta ang baril sa isang tabi, pero mabilis naman ang naging kilos ni Damian, at kinuha niya ang naka-ipit na baril sa likuran niya at pinutok ang baril at sapol na tumama sa noo ng kaawa-awang lalaki. Sumilay lamang ang nakaka-kilabot na ngiti sa labi ni Damian, na wala nang bakas pang buhay ang kaawa-awang lalaki. Bakas ang kilabot bago ito malagutan ng hiningga. Susugod pa ang apat na mga tauhan ni Damian pero isa-isa na niya ito binaril. Sa gilid ng mga mata ni Damian, nakita niya si Mr. Suarez na patakbo kasama ang katiwala nitong tauhan. Lakad-takbo na ang kanilang ginagawa, na halatang ayaw na nilang mag pahuli pa kay Damian. Inayos ni Damian ang kaniyang damit, at naging mabigat ang kaniyang mga yabag para sundan si Mr. Suarez! Walang sino man ang tatakbuhan ako! "Bilisan mo! At baka mahuli niya tayo!" Tarantang tinig ni Mr. Suarez sa tauhan na nag lalakad sila sa pasilyo. "Bilisan mo! Ihanda mo na ang sasakyan!" "Yes Si---" hindi na natapos ang sasabihin ng kasamahan ni Mr. Suarez, ng mabilis na hinablot ni Damian ang kaawa-awang ulo ng tauhan ng matanda at buong lakas na inumpog ang ulo nito sa pader, na sanhi bumulagta ang katawan nito sa sahig. Bahid ng sindak at takot sa mukha ni Mr. Suarez na hindi inaasahan na maabutan sila ni Damian. Binalingan ni Mr. Suarez ang tauhan niya na wala ng bakas na malay sa bilis nang pangyayari. Atras lang ng atras lang si Mr. Suarez sa labis na sindak na pinag-mamasdan ang nakaka-takot na nilalang na naka-tayo sa harapan niya. Hinugot ni Mr. Suarez ang baril, at tangkang ipuputok kay Damian ito, pero mabilis naman na sinipa ni Damian na tumilapon iyon kong saan. Nag danak ang malamig na pawis sa matanda na pinag-mamasdan ang mga mata ni Damian na walang bahid na emosyon. Nakakatakot na nilalang na si Damian, na anumang oras kikitil ito ng tao. "Hayop ka Damian!" Walang gatol na asik ni Mr. Suarez. "Ako hayop? Mukhang magandang pakinggan iyon Mr. Suarez!" Bakas ang nerbyos at takot sa mukha ni Mr. Suarez nang wala na siyang maatrasan. Tanging malamig ng pader na tumama ang kaniyang likod. Lumingon sa kaliwa't-kanan si Mr. Suarez, na wala nang ibang tao na pwede niyang hinggan ng tulong. Tumigil si Damian sa natatakot na mukha ng matanda at tinutok ni Damian ang baril sa noo ni Mr. Suarez. "Ano kaya ang mangyayari kapag pinutok ko sa ulo mo ang baril. Siguro hindi kana aabutin ng isang segundo, na mabuhay. Gusto mo bang subukan natin?" Nakaka-lokong ngiti ni Damian na tila ba nabababliw na. "Putangina ka talaga Damian!" Matinis na mura ng matanda, na kahit nanginig na ang katawan, nagagawa pa din sumagot kay Damian. Lalo pang diniin ni Damian ang baril sa laman ni Mr. Suarez na mag danak ang malamig na pawis nito. Kinalabit ni Damian ang baril, pero naubusan na siyang bala. Namutla na ang mukha ng matanda, na kulang na lang maihi na ito sa labis na takot. "Putangina! Hindi ko papalampasin ang bagay na ito Damian! Babalikan kita! Pag sisihan mo ang araw na ito, tandaan mo!" Pag babantang tinig ng matanda, na kinalawak pa lalo ng ngisi ni Damian. Hindi siya natatakot sa mga banta sa kaniyang buhay. Pinag lalaruan niya na lamang sa kaniyang mga palad ang mga taong may atraso sakaniya. Ngumisi lamang si Damian at buong lakas niyang hinampas ang matanda sa ulo gamit ang baril na hawak niya. "Ahh!" Matinis na unggol ni Mr. Suarez at sa pag kakataon na ito, nanghina na ang katawan nitong napa-salampak sa malamig na tiles. Kinuha ni Damian ang documento na hawak ni Mr. Suarez. "Hayop ka Damian!" Matinis na mura ni Mr. Suarez, na sapo-sapo ang noo na bakas ng dugo. "Hihintayin kita Mr. Suarez! Kahit sa panaginip hahabulin kita!" Sumilay ang nakaka-kilabot na ngisi sa labi ni Damian at nag lakad na siya palayo. "f**k! s**t!" Iritado na tinig ni Damian na pinunasan ang bakas na dugo na kumalat sa kaniyang damit. Taas noo na nag lakad ang binata, na binibigyan naman siya ng daan ng mga tao na naroon na halatang ayaw nitong salubongin kong gaano siya karahas. ****** "Carlo naka-handa na ang lahat?" Malagong at nakakatakot na tinig ni Damian at palabas na siya sa kompaniya. "Yes po Sir Damian!" Tugon ng katiwala niyang tauhan. "Nasa loob na rin ng sasakyan niyo ang mga gamit na kakailanganin mo." Hindi na lang kumibo si Damian at taas-noong nag lakad. Nakita niyang naka-parada ang kaniyang pulang Mercedes benz. "Sir, ito na po pala ang hinihinggi mo sa akin." Pawisan na humabol ang secretary niya na dala-dala ang pinapa-kuha ni Damian dito. Hinihinggal pa ito, na mukhang tinakbo pa nito na naka-heels para lamang abutan niya ang Boss. Lumapit si Damian sa harapan ng secretary, at naging malikot na ang mga mata nito na ayaw salubongin ang nakaka-takot na mukha ng kaniyang Boss. "Diba sinabi ko na ayaw kong papalpak ka sa trabaho?!" Tangka sanang bibigwasan ni Damian ito, na kina-nginig ng katawan nito sa takot. "Pasensiya na po ulit Sir. Pasensiya na talaga." "Ayusin mo sa sunod ang trabaho mo, kong ayaw mong mawalan nang trabaho!" Iritadong hinablot ni Damian ang kaniyang pinapa-kuha sa kamay ng secretary. "Yes po Sir." Bumaling ang tingin ni Damian sa katiwalang tao. "I will be gone for three days to take care of the important thing I have to do in Tuguegarao. I want everyone to report to me everything, while I'm away." "You can count on me sir Damian!" Anito. "What are we going to do with Mr. Watchtell? It seems that now he is still taking steps to repay you for what you did to his son!" Ngumisi lamang si Damian. "Last night he rushed to the Mansion with his men looking for you Mr. Garcia!" Hindi na bago para kay Damian na may mag banta sa kaniyang buhay, dahil na rin sa mga kilala at maka-pangyarihan na mga tao na kaniyang nakaka-bangga sa negosyo "I don't care and I'm not afraid of someone like him.. He knows what will happen to him when he fights someone like Damian Garcia!" He hissed. "Do what I tell you!" Matigas niyang utos kay Carlo. "That old man hasn't never been taught a lesson yet! Just make sure that there is nothing left of Mr. Watchtell. I will teach him a lesson he will never forget." He grin. "Yes Sir!" Nag vow lamang sakaniya si Carlo at taas-noong pumasok si Damian sa sasakyan. Pinaandar niya iyon ng mabilis na para siya ang batas sa kalsada. Tahimik ang gabi at naka-tuon lamang ang pag mamaneho ni Damian pasado alas- dyes na nang gabi at hindi pa din siya nakaka rating sa kaniyang pupuntahan. Wala na rin na mga bahay at mga sasakyan siya na nakikita dahil malayo-layo na rin ang kaniyang byinahe. Tanging matatayog na mga puno ang kaniyang nakikita at mga bundok. Tanging huni ng kuliglig at huni ng mga ibon ang kaniyang naririnig. Wala na ring ibang tao at mga sasakyan na nag daraan sa kalsada dahil na rin sa shortcut na kaniyang dinaanan, para mapabilis siyang maka-rating sa kaniyang paruruonan. Sumilay ang nakaka-lokong ngiti sa labi ni Damian ang sasakyan na halatang kanina pa naka- sunod sakaniya, simula no'ng umalis siya kanina sa kaniyang kompaniya. Hinahayaan niya lamang naka-sunod ang kulay puti na sasakyan na mukhang inaabangan talaga siya nito. Pina-harurot pa ni Damian kabilis ang sasakyan, ganun din na pina- bilis ang ang puting sasakyan, na kanina pa naka-sunod sakaniya. "f**k!" Napa- mura si Damian nang binundol ang sinasakyan ng puting kotse. "Damn it!" Sinilip niya ang sasakyan sa salamin, at naging marahas na ang pag patakbo ng puting sasakyan. Pina-harurot pa lalo ni Damian ang sasakyan pero mabilis naman itong humabol sa kaniya, na para bang gusto siya nitong maabutan. Naging intense ang pag-patakbo ni Damian ng sasakyan dahil na rin hindi gaanong familiar ang kaniyang dinaraanan. Medyo risky at pali-liko ang trail na gawa sa sementado, na maling pag maneho niya lamang pwede siyang maaksidente at mahulog. Dumaan ang isang puting sasakyan na ngayon mag kapantay na sila ng sasakyan na mukhang nag kokompitensiyahan silang dalawa na mag patakbo ng sasakyan nang mabilis. Sa bawat pag paharurot ng sasakyan ni Damian pabilis, ganun din ang pag habol nito sakaniya. Hindi niya din mamukhaan ang sakay ng sasakyan dahil naka-tinted ang bintana nito. "Gusto mo makipag-laro ngayon sa akin ha?!" Humigpit ang pag-kakahawak ni Damian sa manibela at naging intense ang pag hahabulan nila ng sasakyan sa daan. Ginalaw ni Damian ang manibela at sa pag kakataon binangga niya ang puting na sasakyan at umalingawngaw ang malakas at nakaka-hindik na tunog na mag tama ang kanilang mga kotse. "f**k!" Matinis na mura muli ni Damian, ng marinig ang pag putok ng baril na binabaril siya ng sakay sa puting sasakyan. "Damn it!" Kinuha ni Damian ang baril na naka-tago at pina-ulanan din ng putok kong sino man ang naka-sakay doon. Dumaongdong ang malakas at nakaka-hindik na tunog ng putok ng baril na napaka-lalim ng gabing iyon. "Putangina!" Matinis niyang mura at nakikipag- barilan siya sa mga ito at nag palitan ng baril sila sa isa't-isa sa madilim at masukal na daan. "s**t!" Mura niya muli nang binangga siya ng puting sasakyan, na muntik ng mahulog ang sinasakyan ni Damian. Binangga ni Damian ang puting sasakyan, at ganun din ito sakaniya na diniinan pa lalo nito ang pag bangga sa sasakyan niya, na gusto na siya nitong dispatsyahin. Naging mabilis ang pangyayari, at binangga muli ang sasakyan ni Damian at sa isang iglap nahulog ang sasakyan niyang kotse sa isang bangin. "Ahh!" Matinis na mura ni Damian at kasabay ang pag bagsak ng kaniyang sasakyan pababa ng kagubatan. Pumagulong-gulong ang kaniyang sasakyan at dumaongdong ang malakas at nakaka-hindik na tunog na nag bibigay kilabot at takot ng gabing iyon. "Ahh!" Daing na unggol ni Damian at kasabay ang malakas na tunog ng pag kahulog ng sasakyan na mabasag at masira na iyon. Bugbog sarado na ang katawan ni Damian sa naging sama ng kaniyang pag kabagsak. Kasabay ang pag baba ng kaniyang kanang kamay na nag danak na sariwang dugo mula doon. Hanggang mawalan ng malay si Damian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD