Hunk Series 4: Damian Garcia Part 2

3323 Words
Chapter 1 LIGAYA'S POV "Magandang umaga Ligaya." "Hi Ligaya." "Ligaya!" Iilan lamang iyan sa mga bumabati kay Ligaya nang maka salubong nila ang binibini sa daan. Siya lamang si Ligaya Cabuang. Matangkad at kay itim na parang gabi ang kaniyang mahaba at hanggang baywang na buhok,na tinatanggay sa bawat pag-ihip ng hangin. Nag mana si Ligaya sa kaniyang Ina na kulay nyebe ang kaniyang kutis, na lalo pang tumingkad ang kaniyang balat sa suot niyang puting bestida. Mamula-mula din ang pisngi at labi ni Ligaya, at ang kaniyang mga mata kulay kayumanggi. Katamtaman lamang ang tangkad at hubog ng katawan ni Ligaya kaya't maraming mga kalalakihan sa kanilang baryo ang umiibig at nag ka-kagusto sakaniya dahil na rin sa kaniyang natatangging kagandahan. Mahinhin kong kumilos at kahit na rin mag salita si Ligaya. Ang kaniyang tinig sa pag-awit ay iyon ang kaniyang namana sa kaniyang Ina. Kahit maraming nag aakyat ng ligaw kay Ligaya, pihikan din siya sa mga nag tatangkang mang-ligaw sakaniya dahil wala pa sa puso ng dalaga ang umibig. Sariwa ang hangin na humahampas sa kanilang balat. Kay tamis ng ngiti ang mga tao sa bayan na abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Sapit alas syete pa lang ng umaga kaya't hindi gaanong masakit ang sinag ng araw, at sa ibang mga tao sa kanilang Nayon, gising na ang kanilang mga diwa para mag hanap-buhay. Mga batang nag lalaro sa daan at mga sari-saring mga tao, na mag sisimula na ang kanilang gagawin. Maliit lamang ang kinagisnan na bayan ni Ligaya iyon ang Palanan Isabela kong saan na siya lumaki at nag kaisip. Maliit lamang ang kanilang baryo, at sagana naman iyon sa mga mayayaman na mga produkto na kanilang pananim, na kanila naman na inaani. Napapalibutan ng mga kahoy at bundok na ang kanilang baryo, at napaka-tahimik na malayong-malayo sa centro, kaya't ang kanilang bayan ay napaka-tahimik at walang masyadong gulo ang nagaganap. Pinapamahala ng isang kilalang lider ang kanilang baryo, at masasabi mo talaga na kahit salat man sila sa pamumuhay, napaka-ganda naman ang kanilang pamumuhay na napaka-layo sa ibang bayan. Aabutin pa ng ilang oras kong lakarin, bago ka makapunta sa centro. At pahirapan din sa mga sasakyan or mga motor dahil na rin masukal na ang daan papunta sa kanila. Wala ka rin makikitang mga sikat na mga matatas na mga building at kong ano-ano pa ang kanilang baryo dahil na rin hindi na rin sila naabutan ng signal sa telepono at kahit na rin kuryente wala rin sila.. Kong totoosin napang-iiwanan na sila ng mga uso dahil na rin wala naman silang abilidad na maka-bili ng masasarap at mararangyang mga pag-kain dahil salat din sila sa pamumuhay. Pero kahit ganun, sagana at mapayapa pa din ang kanilang buhay na napaka-layo sa syudad. "Bilisan mo Lira sa pag lalakad at baka mahuli tayo." Utos ni Ligaya sa kaniyang nakaka-batang kapatid. Nilawakan ni Lira ang pag-lalakad para maka-uwi kaagad sila sa kanilang munting tahanan. Pareho hawak nila ang basket na yari sa abaca at puno ang mga iyon ng mga sariwang mga prutas na kanilang inani sa kanilang munting lupain. Dose anyos pa lamang si Lira. Matangkad at kaaya-aya na ang itsura ng kaniyang kababatang kapatid, na hindi talaga maipag-kakaila na maganda si Lira. "Sige po ate." Tugon ni Lira sa kapatid. "Ligaya!" Pareho sila natigilan ng kapatid ng marinig ang munting pag-tawag sa pangalan ni Ligaya. Huminto si Dolores na kaidaran niya lamang kasama ang dalawang kaibigan na madalas nitong kasama na si Benilda at si Imelda. "Magandang umaga sa'yo Dolores." Magalang na pag-bati ni Ligaya sa munting Binibini, na nasa harapan niya lamang. Umawang lamang ang gilid ng labi ni Dolores at tanggi lamang na kulay asul na bestida ang suot nito. Lingid kasi sa kaalaman na may lihim na inggit si Dolores kay Ligaya, dahil na rin sa umaanggat ang si Ligaya sa kanilang bayan. "Gusto ko lang sabihin sa'yo, kong naka-hanap kana ng iyong iniibig?" Panimula na salaysay nito, na nahuhulaan na ni Ligaya ang ibig nitong sabihin. "Nalalapit na ang seremonya ng ka-pyestahan sa ating bayan. Alam mo naman kong ano ang ibig sabihin ng bagay na iyon, hindi ba?" "Oo, at hindi ko nakaka-limutan Dolores. Huwag kang mag-alala, hindi nawala sa aking isipan ang nalalapit na seremonya." Magalang na sambit ni Ligaya dito. "Mabuti naman kong gano'n. Lider ang aking ama sa ating nayon at ayon sa naging kaugalian na gaganapin ang seremonya taon-taon, sa lahat ng mga babae sa ating bayan na maikasal bago mag sapit ang kanilang dalawang put tatlong taong gulang, kapag hindi pa sila maka-hanap ng kanilang napupusuan... At isa sa doon Ligaya." Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ni Dolores. Hindi na lang kumibo si Ligaya at isang mapait na ngiti na lamang ang sumilay sa kaniyang labi. "Oo Dolores, salamat sa pag-papaalala." Ngumiti na lamang ng kay tamis si Ligaya dito. "Tara na Lira." Tugon ni Ligaya sa kaniyang kababatang kapatid. Nag vow sila sa harapan ni Dolores at mga kasamahan nito, na tanda na pag-galang. Hindi pa naman sila nakaka-ilang hakbang ng mag-salita itong muli. "Sa huling araw nitong buwan ang nalalapit na pyesta sa nayon, at kailangan mo na rin mag-handa dahil ikakasal kana kay Makisig." Paalala nitong muli na kina-tigil ni Ligaya. Nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Ligaya at hindi na lang siya sumagot, bagkus dire-diretso ng mag-lakad si Ligaya kasama ang kaniyang kapatid. Buong pag lalakad nila tahimik na lang si Ligaya, hanggang maka-rating sila sa maliit na barong-baro na gawa lamang sa kahoy at ang bubong naman gawa sa nipa. Mayron naman silang mga kapitbahay, pero medyo may kalayuan din iyon. Napa-palibutan lamang ng tarangkahan na gawa sa kahoy ang munting bahay nila at may naka-tanim na mga sariwang mga bulaklak doon. Napapalibutan din ng matatayog na mga puno at halaman ang kanilang munting tahanan. "Magadang umaga Tiya Belinda." Bati nilang mag-kapatid ng maka-pasok na sila sa munting tahanan. Maliit lamang ang espasyo na kakasya lamang silang tatlo doon. Pag-pasok mo pa lang, sasalubong kaagad sa'yo ang maliit na kusina at sa isang tabi naman naroon naman ang hapag-kainan na gawa lamang sa kahoy. Iisa lamang ang silid sa kanilang bahay, at tabi-tabi na sila kong matulog sa papag, na gawa sa karagumoy(bayong) Nag mano na sila sa kanilang Tiya, bilang tanda nang pag-galang. Iyon lamang ang kaniyang nakakatandang kapatid ng kaniyang Ina. Naka-suot lamang ito ng bulaklakin na duster at kita na rin ang puting buhok doon. 54 taong gulang na ang kanilang Tiya Belinda at halata sa kaniyang itsura ang puspusan na pag tra-trabaho nito. "Maraming salamat, nakuha niyo ba ang pinapakuha ko sainyo?" Maaliwalas ang mukha na lumapit ito sa gawi nilang dalawang mag-kapatid. "Opo, gaya nang iyong pinag-uutos, mas maraming pepino ang aking kinuha ngayon." Nilapag ni Ligaya ang basket sa lamesa na puno ng pepino at ibang mga prutas at gulay na tanim sa kanilang munting lupain. "Maraming salamat Ligaya, at may pang-gagamitan naman ako neto mamaya." Bahagyang tinapik ang balikat ni Ligaya sa galak ng mga mata na makita ang mga pepino, na nilalabas iyon sa basket. "Nag tataka ata ako Tiya, kong bakit araw-araw ata kayo nag papakuha sa akin ng pepino. Ano po ba ang pang-gagamitan mo diyan? Na ayaw mo naman na kainin natin ang mga iyan, sayang naman po kong iipunin mo lang araw-araw." Takang tinig ni Ligaya dito. "Oo nga Tiyang." Tugon naman ni Lira. Ulila na sila no'ng bata pa lang sila ng kaniyang kapatid na si Lira. Naaksidente no'ng mga bata pa lamang ang kanilang mga magulang sa pag-lalaot, kaya't ang Tiya Belinda na ang tumayong magulang nilang dalawa. Isang dekada nang yumao ang asawa ni Tiya Belinda at hindi sila nabiyayaan din na dalawa ng supling ng kaniyang yumaong asawa. "Ang mga pepino kasi ang nag bibigay ng Ligaya sa akin, pinapasaya niya ako." Nilabas ni Tiya Belinda sa basket ang mga pepino, na iba-ibang hugis at laki. "Pinapasaya? Saan at paanong paraan po Tiya?" Inosenteng tinig ni Ligaya, na hindi mahulaan ang ibig nitong sabihin. Hanggang ngayon nag tataka pa din si Ligaya kong ano ang ginagawa ng kaniyang Tiya sa mga pepino. Madalas niya itong marinig na umuunggol sa silid na tila ba sarap na sarap ito, na hindi niya mahulaan kong ano ang dahilan. Tumayo ang matanda at laking gulat nila ng may mahulog sa paanan nitong pepino. Medyo iba na ang itsura nito at napansin niya na matubig at slimy ang itsura nito. "Ano ito?" Tangka sanang hahawakan ng suminggit ang Tiya niya. "Ako na diyan Ligaya." Tarantang tinig nito at kinuha ang pepino at tinago iyon sa likuran ng matanda na hindi ipakita sa kanilang dalawa ang pepino. " "Tiyang, bakit galing po sa loob ng panty mo ang pepino?" Inosenteng tanong ni Lira, na hindi nito inaasahan na makita iyon doon. "Hahaha!" Humalakhak na lamang na natatawa at hiya ang matanda sa naging sagot ni Lira. "A-Ayon ba? Bakit nasa loob ng panty ko? Sinisiguro ko kasing maayos ang preserve na hindi gaanong mabulok ang mga pepino, kaya't nilalagay ko doon." "Pero Tiya,bakit diyan mo nilalagay? Di kaya babaho ang mga iya---" "Ay juskong bata ka, aatekin ako sa'yo. Siya at kunin mo ang basket doon sa likuran. Bilisan mo na!" Pinag tulakan ng kaniyang Tiya ang kaniyang kapatid palabas para hindi na ito mag tanong pa. Busangot at labag lamang sa kalooban ni Lira na sumunod sa kaniyang Tiya. Naiwan na lamang sa loob si Tiya Belinda at Ligaya sa loob. Hindi na nag tanong pa si Ligaya, dahil may hula na din naman siya kong saan ginagamit ng kaniyang Tiya ang mga pepino. Dati-rati talong ang pinapakuha nito sakaniya, pero sa ilang buwan na pag- gamit ng kaniyang Tiya, naging kaugalian na nitong ipakuha ang mga pepino na tanim nila. "Pasensiya kana Ligaya, alam mo naman ang aking pag kasabik nang mamatay ang aking yumaong asawa, kaya't dito ko na lang nalalasap ang tunay na kaligayahan sa mga pepino." Panimula ng kaniyang Tiya, na ito na ang nag paliwanag. "Ilang taon ko kasing pinigilan ang aking nararamdaman.. Wala kasi akong maisip, gusto ko sana ng talong pero, ayaw ko naman no'n dahil madaling masira at nagiging lanta na kaagad na ilang gamit pa lang... Mas maganda ang pepino kasi, Matigas daks na daks, at pinapaligaya niya ako." Nag ning-ning ang mga mata nito habang kinu-kwento. "Ewan ko sa'yo Tiya." Napa-iling na tinig ni Ligaya dahil ganun naman parati ang kaniyang Tiya, sa ganoong paraan napapaligaya niya ang kaniyang sarili, ng dahil lamang sa mga pepino. "Gusto mo bang turuan kita Ligaya? Masarap ang aking ginagawa, itong pepino sa lahat ang payborit ko.." pag papasunod nito at nataranta naman si Ligaya bigla. "Eh, ayaw ko po Tiya." Napa-iling na tinig ni Ligaya. Hindi na siya bata para hindi malaman ang ginagawa ng kaniyang Tiya, pero ayaw niyang subukin ang mga gano'n. Wala din siyang karanasan sa pag- tatalik dahil noon pa man, hindi pa siya nag karoon ng nobyo. "Subukan mo na. Tiyak kong magugustuhan mo din ito. Araw-araw kong nakikita si Lord, kapag ginagawa ko ito." Anito na kina-ngiti na lamang ni Ligaya. "Siya nga pala, rinig ko sa usap-usapan na si Makisig ang magiging makapareha mo sa nalalapit na seremonya sa katapusan ng buwan na ito. Sa paraang iyon, magiging asawa mo na siya." Tugon nito. "May magagawa pa ba ako Tiya?" Malungkot na tinig ni Ligaya. Kong siya lamang ang tatanungin ayaw niya pang mag pakasal. Wala pa sa isipan niya ang bagay na iyon. Naging tradisyon na rin sa kanilang nayon na kapag wala ka pang iniibig o asawa ang mga babae, kapag sumapit ang dalawang put tatlong taong gulang. Maipag-kakasundo na maipakasal sila sa mga lalaki sa kanilang nayon na wala pang asawa, at pwedeng-pwede sila na ipa-reha sa mga lalaking may edad na or mas bata pa sakanila. Ganun ang naging kaugalian na tradisyon para na rin sa kanilang nayon na ayaw naman ni Ligaya na mag patali sa isang lalaki na hindi niya naman tunay na iniibig. Lalong-laro na rin ayaw ni Ligaya sa lalaking kaniyang naka-pareha na si Makisig. Ang tanyag na hambog at napaka-sama ng ugali. "Anong gagawin ko Tiya? Ayaw ko naman kay Makisig. Ayaw kong mag pakasal sakaniya." Gusto man takasan ni Ligaya ang kaniyang kapalaran pero wala naman siyang magagawa. Nalulungkot lamang siya, dahil kailangan niyang mag pakasal sa isang lalaki, na hindi niya naman tunay na napupusuan. Lalaking kina-aayawan niya ng husto. Anong gagawin ko? Paano ko matatakasan ang kapalaran ko? ***** Masayang nag tatampisaw sa batis si Ligaya, dapit alas dos ng hapon na iyon at hindi gaanong masakit ang sinag ng araw dahil na rin napapalibutan ng matatayog at matatas na puno ang bawat paligid. Kina-ugalian na ni Ligaya na tuwing hapon, maliligo siya sa batis. Sumisid siya sa napaka-linis at sariwang tubig, na nanunuot sa laman niya ang lamig no'n. Sumasabay ang lagaspas ng sariwa at malamig na tubig. Sabayan pa ng mga huni ng mga ibon sa paligid. Suot-suot niya ang puting bestida, na kahit na rin tumambad na rin ang napaka -puti at magandang hubog ng kaniyang katawan dahil nabasa na rin naman iyon. Sumisid muli si Ligaya at ninamnam ang napaka-lamig na tubig, at sa kaniyang munting pag-ahon gano'n na lang ang sindak at gulat ng makita niya ang mga matang puno ng pag-nanasa na kanina pa naka-masid sakaniya. Mga matang hagok sa laman. Mga matang nag patayo ng balahibo sa balat ni Ligaya. Naka-tago iyon sa napaka-laking bato, na tila ba uhaw sa laman ng tao. "Ahh!" Tili ni Ligaya ng mahagip ang mga matang halatang kanina pa nag mamasid sa kaniyang paliligo. Tinakpan ni Ligaya ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga kamay, para itago ang kaniyang itsura. Mabilis na umahon si Ligaya sa tubig dahil hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari. Mabilis at taranta siyang umahon sa tubig. Sinuot niya na din ang tsinelas at munting panakip sa basa niyang katawan. Bago paman maka-layo si Ligaya, ng may kamay na humawak sa kaniyang pulsuhan, na labis naman kina bigla ng dalaga. "M-Makisig." Kurap na tinig ni Ligaya ng makita ang guwapong lalaki na humawak sa kaniyang pulsuhan. Matangkad ang lalaki at malaki ang kaniyang pangangatawan, na halatang batak sa pag tra-trabaho. Kayumanggi ang kutis ni Makisig, at marami din ang mga kababaihan ang nag kakagusto sa binata dahil na rin sa likas na taglay at ka-guwapuhan nito. Matanda lamang si Makisig ng anim na taong gulang sakaniya, pero kahit ganun ayaw pa din ni Ligaya dito. "Bitawan mo ako Makisig, ano ba. Bitawan mo ang kamay ko." Pilit na nag pupumiglas si Ligaya para maka-wala sa pag kakahawak dito, pero malakas ito kumpara sakaniya. "Bakit aalis kana kaagad? Aliw pa nga akong pag masdan kitang naliligo sa batis. Napaka-ganda mo talaga Ligaya. Napaka-ganda pa ng iyong kutis." Tangkang hahawakan ni Makisig ang kaniyang pisngi. "Ang bastos mo!" Napa-kurap si Ligaya ng mabilis na hinuli ni Makisig ang kaniyang pulsuhan na isasampal niya sana sa binata. napaka-kapal ng mukha. Napa-singhap pa lalo si Ligaya ng hilahin pa siya nito palapit sa kaniya, na tumama ang balat nilang dalawa ni Makisig. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ni Ligaya sa labis na takot at pamamaraan na pag-titig sakaniya ni Makisig, na kahit naka-suot na siya ng damit. Tila ba hinuhubaran na siya nito sa mga mata nitong puno ng lagkit at pag nanasa. "Ganiyan ang gusto ko sa isang babae palaban." Nakapanindig balahibo nitong turan. "Lalo pa akong nasasabik sa'yo Ligaya. Balang araw, mahahawakan ko rin ang iyong balat.. Matitikman din kita.. Magiging akin kana rin pag sapit ang ka-pyestahan dito sa Nayon natin." Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ni Makisig, na kina-laki naman ng mga mata ni Ligaya. "Huwag kanang umasa pa Makisig, kaylan man hindi ako magiging iyo. Tigilan mo na ang kahibangan mo, dahil hinding-hindi ako mag papakasal sa isang hambog na kagaya mo." Matapang na tinig ni Ligaya na kina-lawak naman ng ngiti nito. "Tignan lang natin kong saan aabot ang katigasan ng ulo mo Ligaya. Bakit mayron kana bang napupusuan?" Pag hahamon nito at hinila pa siya palapit dito na mag sukatan na sila ng titig sa bawat isa, na walang gustong mag patalo. "Haharangin at papatayin ko, kong sino man ang umagaw sa'yo sa akin. Akin ka lang Ligaya. Akin ka lang. Nasasabik na ako sa pag-iisang dibdib natin sa katapusan ng buwan na ito, aking binibini." Naging mabigat ang pag-hingga ni Ligaya at buong lakas niyang tinulak ito, na sanhi mabitawan na siya ni Makisig. Isang matalim at nag babantang titig ang pinukulan ni Ligaya kay Makisig. Taranta at mabilis na tumakbo palayo si Ligaya, samantala nanatili pa din naka-tayo si Makisig kong saan niya ito iniwan. "Kahit anong gawin mo Ligaya. Magiging akin ka rin! Akin ka lang!" Pahabol na tinig nito at hindi niya na ito nilingon pa. Umiling na lang si Ligaya, at winawaksi sa kaniyang isipan ang katagang sinabi nito. Ayaw ko. Hindi mo ako makukuha. Tumakbo si Ligaya sa masukal na daan para hindi na siya maabutan pa ni Makisig. Kahit hindi na siya hinahabol nito, takbo pa din siya ng takbo. Gusto niyang lumayo. Gusto niyang takasan ang kapalaran niya. Pero papaano? Bawat araw na nag daan, palapit nang palapit na ang kanilang kasal. Hindi na malaman ni Ligaya kong ilang minuto na siyang nag tatakbo sa masukal at kagubatan. Hindi niya na rin ininda ang sakit ng kaniyang mga paa, na walang gatol na pag ta-takbo mula pa kanina. Hini-hinggal siyang huminto na hinabol ang kaniyang pag-hingga. Nag danak rin ang pawis sa noo at leeg niya pero hindi na lamang alintana iyon sakaniya. Natigilan si Ligaya nang may mahagip siya ng isang bagay. Bagay na nag pabaling ng kaniyang tingin. Bagay na hindi niya mawari kong ano iyon. Patuloy lamang siyang nag lalakad sa masukal na kagubatan at nag uudyok sakaniya na lapitan at tignan kong ano nga talaga iyon sa malapitan. Ganun na lang ang sindak na kaniyang nakita ang isang sasakyan na sira-sira na, galing pa lamang ito sa pag kaka-aksidente. Bumilis ang kabog ng dibdib ni Ligaya ng makita ang bagay na iyon. Hindi niya mawari ang kaniyang nararamdaman na takot, sindak at kaba sa kaniyang dibdib, na palapit siya sa sasakyan. "Jusko, ano ito?" Tarantang nabitawan ni Ligaya ang hawak niya at mabilis na tumunggo sa sasakyan, para tignan iyon. Pumunta siya sa likurang bahagi ng sasakyan at pihinit pabukas ang pintuan pero hindi niya ito mabuksan. Bakas na rin ang sira-sira nang sasakyan at basag na rin ang ibang parte dahil na rin sa lakas at sama ng pag kabagsak no'n mula sa itaas. Pilit niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at tumambad sakaniya ang walang-buhay na tao. Ano ito? Bakit may ganito? Anong nangyari? Nakita niya ang isang lalaki na bakas ang dugo na nag kalat sa katawan nito, na nag pagimbal pa nang husto sa kaniyang laman. "Gumising ka." Nataranta si Ligaya na hindi niya alam ang dapat gawin ng sandaling iyon. Tinapik niya ang sugatan at walang malay na lalaki, pero mukhang wala na itong tanda pa ng buhay. Basi pa din sa itsura at pananamit nito, na hindi iyon taga doon sakanila. Pilit niyang inaalis ang lalaki sa pag-kakaupo sa sasakyan pero hindi niya magawa dahil naipit ang mga paa nito, na hindi niya ito maalis. Kulang na lang maiyak si Ligaya sa labis na takot, na kaniyang nasaksihan. "Tulong may tao ba diyan? Tulungan niyo ako!" Patuloy na sigaw ni Ligaya at ginala niya ang kaniyang tingin sa paligid, pero wala siyang makitang ibang tao, kundi sila lamang dalawa. "Tulungan niyo ako dito! May sugatan dito. May tao ba diyan? Tulungan niyo ako!" Patuloy niyang sigaw, at binalikan niya muli ang lalaki. Hinawakan niya ang pulsuhan nito, at ganun na lang ang sindak na lumukob sakaniya, ng madama niyang may pulso pa ito. Buhay siya. Buhay siya. At kasabay ang pag-bagsak ng luha sa mga mata ni Ligaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD