Alex Pov...
Hindi ako mapakali dito sa aking kwarto kakahintay kay Lizzy. Sabi ko naman kasing susunduin ko nalang para sabay kami papunta rito. Napakaimportante naman kasi ang shooting niya na yan ngayong umaga na hindi pwedeng sa ibang araw nalang. Minsan gusto kong mainis sa kabaitan niya. Pwede naman siyang tumanggi eh!
Kanina pa ako palakad - lakad dito sa aking kwarto. Mag alas - diyes na pero wala pa rin siyang tawag o text man lang kung nasaan na siya. Nag - aalala akong baka hindi siya dumating. Paano kung hindi pa pala siya handang mag - asawa. Maraming paano na gumugulo sa aking isipan. Natigilan ako sa pag -iisip sa pagbuaks ng pintuan. Excited akong humarap, nawala ang aking ngiti dahil hindi si Lizzy.
"Sorry to disappoint you! Bumaba ka munang kumain Alex. Nasa shooting pa siya siguro kaya hindi pa siya tumatawag. Pagkatapos naman ng kanyang shooting ikaw ang unang tatawagan nun." Pangungumbinsi ni Kayla. Sumunod ako sa kanya pababa.
"Pasensya kana Kay nag - aalala lang ako na baka hindi siya sumipot at hindi pa pala siya handa." Malungkot kong kinakabahang saad.
"Imposible yun Alex. Huwag kang mag - isip ng hindi maganda. Isipin mo lang na mamaya anjan na siya at baka sosorpresahin ka lang din nun! Parehas naman kayong dalawa na mahilig sa surprise eh!" Muling pagpapagaan niya sa aking habag na habag na damdamin. Anu nalang ang gagawin ko kapag wala siya sa aking tabi. She's my life! Hindi kumpleto ang aking buhay kung wala siya. Siya ang toyo sa matabang kung ulam at ilaw sa madilim kung buhay.
"Salamt Kay! I don't know what to do kapag wala ka dito ngayon. Baka hinimatay na ako sa kaba!" Pahayag ko. Ngumiti siya na umabresyete sa aking braso. Marami akong kaibigan pero iilan lang matatawag kung tunay na kaibigan. Isa na jan si Kayla!
"That's what are friends for Alex. Nagdadamayan! Habang wala pa si Lizzy sasamahan muna kita para hindi ka atakihin sa nerbiyos!" Pang - aasar niya. Hinawakan niya ang aking kamay at bigla siyang tumawa.
"Alex late lang si Lizzy! Parang kamay na ng patay ang kamay mo sa sobrang lamig. Umupo ka nga jan at dadalhan kita ng tsaa!" Pang - aasar pa rin niya. Saktong nakita ko si Jaylord. Kumaway ako sa kanya to join our table.
"Sir Alex hindi pa kayo kumakain?" Gulat na tanong ni Jaylord.
"Hindi pa! Nag - aalala kasi ako kay Lizzy wala pang text o tawag!" Nahihiya kong sagot.
"Naku sir Alex! Late lang po yun. Huwag kang masyadong mahaggard baka hindi ka makilala ni Mam Lizzy niyan!" Pambobola naman niyang turan. Napilitan akong ngumiti. Salamat sakanila nawawala ng kaba sa aking dibdib. They are the butter in my sandwich!
"See! Mas gwapo na po kayo ngayong nakangiti hindi katulad kanina na parang dinaanan ng mason ang inyong mukha!" Muli niyang pambobola na dagdag. Hindi lang ako ngumiti kundi napahalakhak sa kanyang banat.
"See! I told you Alex! Hayan matutuwa na si Lizzy sa mukha na yan." Palatak naman ni Kayla bago ilapag ang tsaa sa aking harapan. Tsaa talaga ang kinuha hindi kape. Tumingala ako sa kanya ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Pinagkakaisahan niyo na ako ha! Ako na ang kukuha ng pagkain ko Kay at baka punuin mo ang plato ko!" Angal ko sa kanila. Sabay silang tumawa.
"Alex hindi ka namin pinagkakaisahan. Pinapasaya ka lang namin. Your worries will not help you!" Sagot ni Kayla which is true naman talaga. Tumayo ako at pumunta sa banquet para kumuha na ng aking pagkain. Hindi ko alam na nakasunod pala si Kayla.
"Balanced diet Alex!" Bulong niya na ikinagulat ko.
"F*ck Kayla! You startled me!" Napasinghap kung usal.
"Relax Alex. Kapag wala pa si Lizzy ngayong umaga I asked Edith to extend the venue. Wala naman daw booking ngayong hapon dito, bukas pa daw. We have all day to celebrate and wait for her!" Pagbibigay - alam niya. Tumango ako.
"Salamat Kay!" Kumindat siya.
"Huwag kang magpasalamat dahil kapag ako naman ang ikakasal, ikaw ang taya!" Tumawa niyang sagot.
"Oo ba!" Natuwa ko rin na sagot. Matagal ko na ring hinihintay na may ipakilala siya sa akin na boyfriend. Akala ko tuloy dati isa siyang lesbian dahil walang naging boyfriend man lamang.
"Sabi mo iyan ha! I will keep that promise Alex!" Magiliw at tuwang -tuwa niyang sagot samantalang wala pa naman siyang boyfriend.
"Oo sure na sure yan Kay! Kahit sagot ko pa ang honeymoon niyo!" Game kong sagot. Natawa siyang hinampas ang aking balikat.
"Kailangan ko ng maghanap ny boyfriend kung ganun!" Muli niyang palatak na sagot. Naaliw ako sa kanyang mga sagot.
"It's a must Kay! Ako na ang pinakamasayang kaibigan kapag ang matalik kung kaibigan ay magiging masaya rin katulad ko!" Mariin kong sagot na nakatitig sa kanyang mga mata. Huwag kang mag - alala Kayla dahil sisiguraduhin kong katulad kong mapagmahal ang lalaking mapupunta sa'yo!
Ipinagpatuloy namin ang kantiyawan habang kumukuha ng pagkain na nakalimutan ko na ang tungkol kay Lizzy. Pabalik na kami sa aming mesa kaya si Jaylord naman ang tumayo para kumuha ng kanyang pagkain. Tatayo pa sana muli si Kayla to get her coffee pero ako na ang nag - initiate. Gusto ko ring bumawi sa kanya. Lagi siyang nasa aking tabi at handang tumulong. Kahit minsan hindi niya ako tinanggihan.
Nagpatuloy ang aming tawanan at kantiyawan habang kumakain. Pati si Jaylord ay nakisawsaw sa aming usapan.
"Jaylord tama naman ako 'di ba?" Tanong ko sa kanya.
"Naku! Opo sir Alex. Tamang - tama lang po kayo ng sinabi! It's a must to find his man para matupad ang honeymoon na inihahanda niyo para sakanya." Sobrang tuwa ni Jaylord na sagot. Namula ang mukha ni Kayla dahil hindi na siya makaangal sa itinatapon namin sa kanya.
Patapos na kaming kumain nung nag - vibrate ang aking celphone sa aking pantalon. Nagmadali akong hinugot para sagutin ang tawag baka si Lizzy na!
"Hello Lizzy! Nasan ka na?" Agad kung tanong. Napakunot noo ako na ibang boses ang sumagot sa kanyang telepono.
"Who are you? Why are you holding my girlfriend's phone!" Agad kong tanong na puno ng selos.
"Pasensya na po kayo sir, Medics po ito! Isinugod po namin ang may - ari ng cellphone na ito sa Mary Mediatrix Medical Center Hospital." Sagot ng taong tumatawag.
"Anu?" Gulat kung sambit na nakatulala. Inagaw ni Kayla ang aking cellphone at sinagot muli ang caller.
"Hello!" Sabi ni Kayla. Hindi ko na marinig pa ang sagot ng nasa kabilang linya.
"Salamat po. Sige po pupuntahan po namin siya!" Kalmadong sagot ni Kayla bago ako hilahin palabas ng hotel.