Chapter 5

1103 Words
Kayla Pov... Alam kong hindi agad makakagalaw ng maayos si Alex kaya kailangan kong maging matatag at nasa kanyang tabi bago siya tuluyang bumagsak. Marami kaming katanungan pero sa ngayon ang importante ay malaman kung anu ang kalagayan ni Lizzy sa ospital! Nakatulala pa rin si Alex na hindi makapaniwala sa natanggap na balita buti nalang isinama ko si Jaylord at may kasama ako. Parang kami pa yata ang magiging runner dito. "Alex!" Untag ko sa kanya pero hindi siya kumikibo. Tumingin ako kay Jaylord at umiling lamang siya. Hinayaan naming tahimik siya sa tabi habang nasa biyahe. Malayo pa ang Nasugbo sa Lipa kahit pa paliparin namin ang sasakyan. Nasa liblib kami ng Batangas hindi kami agad makakarating doon. "Hayaan mo muna siya Kayla! Nakakagulat naman kasi yung balita." Saway sa akin ni Jaylord. Tumingin ako sa kanya na malungkot na napabuntong hininga. Pagkatapos ng isang oras ay nakarating kami sa ospital. Agad na bumaba si Alex pagkatigil pa lang ng sasakyan. Hindi ko alam kung anu ang makikita namin pagdating sa loob pero expect the unexpected para hindi ganun kasakit. Hinayaan naming mauna si Alex, nanatili kaming nakabuntot sa kanyang likuran. Napalunok ako ng ilang beses pagkapasok na mismo sa loob ng ospital. Biglang sumikip and aking paghinga na hindi ko maintindihan. Hinawakan ko ang kamay ni Jaylord na nanginginig. Nag - aalala siyang nakatingin sa akin. "Kayla anung nangyayri?" Agad niyang tanong na tumigil din sa paghakbang. Umiling ako! Napakunot noo siyang hindi maintindihan ang gusto kong ipahiwatig. Parang nalunok ko ang aking dila na nakatingin sa pintuan ng emergency room. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng aking imahinasyon. Hindi ko magugustuhan na may mangyaring masama kay Lizzy. Paano nalang si Alex! Si Lizzy ang mundo niya. Everyone knows that! "Kayla anu ba?" Sita niya sa akin. Nanginginig na kasi ang aking katawan sa kilabot lalo na nung ngumiti si Lizzy! "Jay may nakikita ka bang nakatayo sa pintuan ng emergency room?" Tanong ko sa kanya. "Ha! Wala akong nakikita Kayla!" Kanyang sagot. Kinilabutan ang buo kung katawan. Bakit ako, nakikita ko si Lizzy na nakatayo doon na nakatingin pa sa akin. Bago pa ako ulit makapagsalita ay narinig namin ang pagwawala ni Alex. Mabilis pa sa patak ng kidlat na nakatakbo kami sa loob. Guzto kung lumingon muli pero kailangan ako ni Alex. "Hindi totoo yan! Gumising ka Lizzy! Gumising ka!" Walang humpay na pagsigaw ni Alex habang niyuyogyog ang katawan ni Lizzy. Parang napako ang aking paa sa semento na hindi makagalaw. Nanatili akong nakatingin kay Alex na nakakaawang tignan. "Lizzy bakit? Bakit mo ako iniwan?" Muling pagtangis niyang daing. Bawat kanyang pagtangis ay parang punyal na tumatarak sa aking dibdib. Masakit at makirot ang pakiramdam! "Just wake up baby please! You are supposed to say yes today!" Muli niyang pagdaing na paghagulgol. Mahigpit akong kumapit sa braso ni Jaylord para kasing bibigay ang aking tuhod sa sakit. Nasasaktan akong nasasaktan siya. Muling tumayo si Alex at may dinukot sa kanyang bulsa. " Lizzy bumangon ka na jan hindi magandang biro yan! Nakita mo itong hawak ko! This is the ring you are going to wear. I am waiting for you to ask you to marry me babe. Baby please wake up and say yes, please!" Paghagulgol niyang pagdaing na lumambitin sa kinahihigaan ni Lizzy. Dahan dahan kaming lumapit ni Jaylord sa kanya. Hinawakan ko nang kanyang balikat. "Alex!" Mahina kung pagtawag. "No Kayla! Call a doctor they can revive her! She just need an oxygen!" Samut saring saad ni Alex. Nadudurog ang puso ko na makita siyang ganito. "Alex please!" Pumatak ang luha ko na rin na pagdaing. "Kay hindi ko kaya! Mahal na mahal ko siya! Kailangan ko siya Kay! Please wake her up for me Kay! Please!" Bumagsak ang balikat kung nakatingin sa kanya. Kung kaya ko na gisingin siya bakit naman hindi, kaso hindi ako Diyos Alex. "Kakayanin mo Alex. Kung kaya kong gisingin siya gagawin ko Alex kaso wala akong kapangyarihan para gawin yun." Umiiyak ko na ring sagot. Napahagulgol siyang kumapit sa akin. Para kaming mga taong grasa na nakalupasay sa sahig na umiiyak habang duguan ang mukha, kamay at damit. "Kay bakit? Bakit nangyari sa akin ito? Bakit si Lizzy pa? I was supposed to propose Kay! We are going to build our little family!" Pagtangis niyang paghagulgol. Masakit sa dibdib makita at marinig siyang ganito. Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak para maibuhos niya ang sama ng kanyang loob. Muli ako natigilan na makita si Lizzy na nakatayo sa aming harapan. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa aking bibig. Bakit siya nagpapakita sa akin? Anu ang gagawin ko ngayon. Muling tumayo si Alex at binubuhat ang katawan ni Lizzy. Bago pa ako magkaroon ng lakas na tumayo ay nakalapit na si Jaylord para tulungan ang gwardiya na patigilin si Alex. 'I know you will take care of him!' Kinilabutan ang buo kong katawan na marinig ang bulong sa aking likuran. Gusto kong tumakbo palabas ng ospital. Namamaligno na yata ako! "Sir Alex tama na po!" Pang - aawat ni Jay kay Alex. Agad kong hinanap ang aking telepono at tinawagan si uncle Arnold saktong dating ng kapatid ni Lizzy. Agad ko siyang sinalubong. "Lyneth!" Pagsalubong ko sa kanya. "Kayla! What happened?" Agad niyang tanong. "We don't know yet Lyneth. Basta tinawagan si Alex ng Medics na andito siya." "Bakit kasi siya pumunta dito?" Galit na tanong ni Lyneth. Lumingon si Alex. "I'm proposing to her Ly! She was supposed to say yes, yet she was lying there. Tell the doctor to check on her, they are not listening to me!" Parang batang umiiyak na pakiusap ni Alex habang hawak ang singsing na dapat ay isusuot sa daliri ni Lizzy. Napanganga siya na nahabag kay Alex. Nawala ang kagwapuhan ni Alex at nagmukha siyang gusgusin. "Please, Ly! I love her so much and I need her!" Muli niyang pakiusap. "Alex! Alex be strong!" Pakiusap ni Lyneth bago siya yakapin. Tumawag na ang doktor at iniinform kami na ililipat sa morgue ang bangkay. Akala ko si Lizzy lang, patay din pala ang kanyang assistant at driver. Anu bang klase ng aksidente ang naganap. Malaking van naman ang gamit ni Lizzy at personalize van pa? Hindi pa siya nakakalayo sa Lipa sa pinangyarihan ng aksidente. Siguro nga kung tumawag siya ay nasundo pa ni Alex, pero kung ito talaga ang time ni Lizzy. Anu naman ang mangyayari kay Alex kung sakali magkasama sila? Mag - aagaw buhay ba siya o kasama siya sa mga nakapilang ililipat sa morgue? Mga katanungan na hindi ko matanggap at masagot - sagot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD