I LOVE YOU BEST FRIEND

I LOVE YOU BEST FRIEND

book_age16+
1.2K
FOLLOW
5.0K
READ
love-triangle
HE
arranged marriage
playboy
heir/heiress
drama
bxg
mystery
bold
campus
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal ni Kayla si Alex simula bata pa lamang siya pero may mahal na siyang iba.

Makikialam ang tadhana na magiging sanhi ng mitsa sa pagitan nila na kailan man hindi inaasahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Dahil sa lamat at trahedya ay lalayo si Kayla. Sa kanyang pagbabalik pagkatapos ng sampung taon ay muling magkrus ang kanilang landas!

Anu ang gagawin ni Kayla sa pagkikita nilang muli? May pag - ibig pa kaya sa puso niya pagkatapos ng nangyari? Anu rin ang gagawin ngayon ni Alex kapag malaman niya ang maling ugat ng lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Kayla Pov...  Nakasimangot akong pumasok sa opisina paano ba naman kasi nakita ko nanaman ang girlfriend ni Alex galing sa kanyang opisina. Sana hindi ako maagang pumasok para hindi ko siya nakita. Ganitong oras nga pala sila maglandian. Nakasimangot pa rin akong naglalakad papunta sa aking office. Pabagsak akong nakabusangot na umupo sa aking upuan. Hindi ko napansin na sinundan pala ako ni Jaylord and bading kung kaibigan. Tumayo siya sa may pintuan na natatawang nakatingin sa akin. "Napakahaba naman yat ng nguso na yan Kayla! Pwede ng sabitan ng kaldero!" Pang - aasar niyang turan. "Naku huwag na huwag mo ng tanungin Jay. Maiinis ka lang din!" Sagot ko sa kanya bago maglog in sa aking desktop. "Hindi na ako magtatanong dahil parating na dito si sir Alex na inaayos lang naman ang butones ng kanyang polo. Malamang ipapaayos nanaman ang kanyang kurbata sa'yo." Kanyang nakataas kilay na sagot. "Anu!" Gulat kong sambit. "Oh bakit! Sino ba ang isang shunga dito na gustong taga - ayos ng kanyang kurbata pagkatapos nila maglampungan ng nobya niya! Ako ba yun?" Nabubwisit niyang turan. Tuwing inaasikaso ko kasi si Alex ay kumumulo ang dugo niya. Alam niya kasing may lihim akong pagtingin sa kanya noon pa man. "Gaga! Tigilan mo na nga kakaukray mo jan!" Tumaas ang kilay niyang umalis papunta sa pantry. "Ipagtimpla mo rin ako bakla!" Sigaw ko sa kanya. "Ipagtimpla ko rin ba siya? Dark or sweet!" Naaasar at bwisit niyang pang - aasar na sagot. "Malamang sweet!" Habol niyang bwisit ng dagdag. Bago pa ako makasagot nasa may pintuan na si Alex na malapad ang ngiti. "Kay!" Nakangiti niyang may halong lungkot. "Alex, bakit ko napadpad naman dito ng maaga! Hindi executive office dito?" Maang - maangan kung tanong kahit alam ko ang sadya. "I don't know what to do without you Kay. Hindi kasi marunong mag - ayos ng kurbata si Lizzy. Look! She left me like this eh, my meeting pa naman ako mamya kaya I need your help badly." Nakapouty at malungkot niyang turan. "Oh my god Alex! I'll teach you and teach her to do it for you!" Palatak ko sa kanya. Umiling siya. "Nope! Teach her Kay for me please!" Paglalambing niyang sambit na sinamahan pa ng pagpungay ng kanyang magagandang mata. Samantala walang ginawa si Jay kundi gayahin ang mga sinasabi ko imbes na dalhin ang lumalamig ko ng kape. "I'll try!" Kunwari willing akong turuan siya kahit ayaw ng puso ko. Ito lang kasi ang paraan na nakikita ko siya ng malapitan at kahit sandali ay kasama ko siya. We can talk a lot while fixing his tie or mostly nagkukwentuhan muna kami bago ko pa maayos ang kurbata niya! "Yes!" Napatalon niyang sagot. Ngumiti ako ng peke kahit gusto ko talagang sumimangot. Nasasaktan ako kapag si Lizzy ang usapan. Si Jaylord naman ay kumukulo nanaman ang dugo. Kung hindi lang namin siguro boss si Alex kanina pa niya nabuhusan ng mainit na kape sa pagiging unaware of my feelings. "Madam ito na po ang dark coffee niyo. Higop na habang mainit - init pa. Hindi na kasi yan masarap kapag malamig na." Pang - aasar ni Jay. Actually doble meaning ang binanggit niya! Nilakihan ko siya ng mata pero parang dumaan lang yata ang mata ko sa kanya. "Hi sir Alex, hindi ko alam na andito pala po kayo. Do you want coffee? What do you prefer Sweet or black?" Pagpapanggap niyang bati kay Alex. "Oh don't bother, but I prefer sweet!" Sagot naman ni Alex. "That's perfect sir Alex. In a few minutes!" Magaspang niyang sagot pero hindi mo mahahalata dahil magaling siya magdala. Kaya ko siya naging kaibigan eh. Nabilog niya rin ang ulo ko. Buti nalang mabait siya kaya nagtagal kaming magkaibigan. Wala kaming sekreto sa bawat isa! Sa katangahan ko nga lang siya nabubwisit. "Thanks!" Natatawang sagot ni Alex. Tumayo ako para tulungan na siya nung itinaas niya ang kanyang kamay. "Inumin mo muna ang kape mo Kay baka masabunutan ako ni Jay. Kung hindi lang siya gay ay sasabiin kung may gusto siya sa'yo sa kanyang pag aalaga. I'm your bestfried but I can't help you! Hindi naman ako nagmamadali. Your office is beautiful and neat." Pag - iiba niya ng usapan. That's my personality. Hindi ako nakakatagal sa makalat na station ganun din sa katrabaho ko. Bumalik ako sa aking mesa saktong dating ni Jay. Inabot niya kay Alex ang kape bago ako tinignan na nakataas ang kanyang kilay! Pagkatapos ko maikabit ang kurbata ni Alex ay siya namang pagtawag ni Lizzy. Gusto kong mabingi para hindi marinig ang kanilang usapan. Masyado kasing nilalanggam at nakakagat na ako! "Really!" Tuwang tuwa na palatak ni Alex sa ibinabalita sa kanya ni Lizzy. Tumingin siya sa akin at kinindatan niya ako sa sobrang saya niya. Kahit wala lang yung kindat niya na yun sa kanya, sa akin naman ay nakakakilig. Kilig na kilig ako sa kanyang kindat. Ngumiti ako na parang nakikisaya sa anumang magandang balita na yun kahit sumisigaw ang puso ko sa sobrang selos. "Sige babe! Kita tayo mamaya. I want to know more and it's my treat!" Muling palatak ni Alex na makikita mo sa kanyang mukha kung gaano siya kasaya at excited. "I love you more baby! I love you so much!" Dagdag niyang turan na parang isang matalim na kutsilyong unti - unting tumatarak sa aking puso na ramdam mo ang kirot. Bakit hindi kita kayang kalimutan Alex? Alam ko naman na may nagmamay ari na sa puso mo pero heto pa rin ako nagpapakatanga sa'yo! "Basta huwag ka ng magtampo baby ko. Andito lang ako para sa'yo! Just remember how much I love you!" Paglalambing niyang dagdag. Yung ningning ng kanyang mata ay nakakainggit na kay Lizzy lang nakatuon wala ng iba. Tama si Jay, kailangan kong gumising sa katotohanan na hindi siya para sa akin kundi para siya kay Lizzy! Nakaramdam ako ng habag sa aking sarili. Kailan ako matatauhan na hanggang tanaw ko lamang siya. Kahit kailan hindi siya magiging akin. Tanging pag - ibig na kaibigan lamang ang kaya niyang maialay sa akin. Mahal ko siya pero may mahal na siyang iba! Mananatili akong taga ayos lang ng kanyang kurbata uma - umaga! Muling tumingin sa akin si Alex na sobra ang nararamdamang saya samantalang nagluluksa ang aking puso. Ngumiti rin ako sa pagsuporta bilang isa niyang nagmamahal na kaibigan. "She just left, but I'm missing her already! Ikaw, kailan mo naman ipapakilala sa akin ang nobyo mo?" Kanyang turan pagkatapos ibaba ang kanyang telepono. "It's normal Alex! You both are in love. It's not surprising when you two choose walking the aisles someday!" Kunwari masaya kong sagot. Kumikinang ang kanyang mata bago sumagot. "Yeah! And I was thinking you are going to help me find the perfect place for us. You are good in choosing the ultimate beautiful and perfect place!" Tuwang - tuwa niyang saad. Napanganga akong hindi makapagsalita. Ako talaga Alex? Bakit hindi ka nalang maghire ng taong eksperto! Gusto kong humagulgol sa pag - iyak! "Tutulungan mo akong maghanda para sa proposal ko, right? Alam mong ikaw lang ang best friend ko na mapagkakatiwalaan ko!" Dagdag niyang turan. Wala akong nagawa kundi tumango! Aray! Just a best friend!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
7.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
75.0K
bc

The Real About My Husband

read
30.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
10.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
300.5K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
102.1K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook