"Let us all welcome the main guest for this thanksgiving party, The Ybaniez!" Malakas na palakpakan ang sumalubong sa amin ng makapasok kami sa conference hall ng isang fancy hotel dito sa Vegas, all smiles ang mga tao na nakatingin sa amin at bakas sa mga mata nila ang insecurity, well I can't blame them, we are the Ybaniez, we are the owner of an Empire that runs every hotel chains, airlines, real estates, resorts, bank, and many more.
Taas noo akong naglalakad sa red carpet habang naka-abrisete sa aking Daddy na nasa left side ko, while holding my Mom's hand at my right side. Parehong nakangiti ang parents ko but not me, 'cause I hate party's and gatherings and whatsoever they call it.
"Smile, Crystal. Be a fine lady just for tonight." I forced my oh-so-super-plastic smile nang marinig ko ang bulong ni Mommy. Nang makaupo kami sa upuan na nakalaan para samin ay napabuntong hininga na lamang ako at kinuha ang wine na inalok sa amin ng waiter. Nakita kong napatingin sa akin si Dad but I just smiled at ininom ito.
Nag-umpisa ang boring at nonsense party na thanksgiving ng mga Edwards dahil nakapasok sila sa Empire namin, and just like the other party, puro speech at kainan lang ang naganap, plus the bonus chit chatting ng mga elites dahil puro kayamanan and their succes ang topic.
Pagod na pagod ako nang makauwi kami sa New York kung nasaan ang Mansion namin. We rode our private plane back to New York at talagang nakakapagod ang biyahe. Mabilis akong dinaluhan ng mga kasambahay nang makarating ako sa kwarto ko. They helped me removed my clothes at inalalayan ako patungong bathroom. Napapapikit na ako nang makasulong ako sa bath tub na puno ng rose petals at rose scents, pumailanlang ang classic music sa buong bathroom kaya nakatulog ako.
"Crystal, honey?" Napaupo ako sa kama ko at inantay si Mommy na pumasok. Nakangiting mukha niya at sumalubong sakin kaya napangiti narin ako.
"Why Mom?" Sabi ko nang makaupo siya sa tapat ko. Inabot niya ang hair brush sa bedside table ko at pumwesto sa likuran ko upang suklayan ang hanggang shoulder kong buhok na may curly tips.
"What is it, Mom?" Sabi ko pa dahil tahimik lamang si Mommy sa likuran ko.
"Honey, we're going out of the country. We're going to Europe because your Dad plans to have a European investor, as well as I will visit my shop there." Malumanay nitong wika kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Oh yes, I already know that Mom. Dad talked to me about that the other day." Sagot ko at bahagyang napatingin sa kanya. I saw her smile and let a sigh.
"But, we're leaving for about two years, honey. Were going to explore Europe para mas lumaki pa ang Empire."
"And you're going to leave me here, alone, right?" Nakangiti kong tanong at hinarap siya. Napayuko si Mommy kaya hinawakan ko ang mga kamay niya as I assured her with my smile.
"It's okay, Mom. I fully understand both of you that you are just protecting me, that's why you always leave me here in mansion. I also understand that you just scared of losing me the way Edwards lose their heiress." Paliwanag ko pa. Ngumiti sa akin si Mommy at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik as a teardrop escape from my eyes na agad kong pinahid.
The day after ay umalis na sina Mommy. A week also after my birthday. Hindi ko na masyadong ininda ang lungkot dahil sanay naman akong laging iniiwan mag-isa. Pinagmasdan ko mula dito sa puno ng grand staircase namin ang mga kasambahay na abala sa paglilinis ng mansion, marami namang tao dito sa mansion, I sorrounded at almost thirty maids, including the chef, mayordoma and my personal maids, even bodyguards that came from prestigious security agency here in New York. Kung tutuusin ay marami ang tao ng mansion na laging nandyan sa twing kailangan ko sila, kaya bakit nakakaramdam parin ako ng lungkot and the feeling of being lonely?
"Young lady, are you hungry?" Umiling ako sa matandang katiwala namin who happened to be one of my personal Nanny. She was a pure filipina na nag-alaga sakin mula bata pa lamang ako.
"But, it's almost lunchtime, Young lady." Marahas akong bumuntong hininga at inabot ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Sabay kaming bumaba sa grand staircase namin at nagtungo sa dining hall.
Mahaba ang lamesa ng aming dining hall. It was a twenty seater table that made from Philippines dahil gawa ito sa narra. Maraming pagkain na nakahanda at iba't-ibang putahe ng iba't-ibang bansa. Hindi ko maintindihan noon kung bakit ganito maghanda ang chef namin but when Nanny Sasa explained that It was for myself, na dapat ko raw matikman ang iba't-ibang cuisine, na bilin parati sakanila ng aking Ama.
Umupo ako sa kanang dulo ng dining table at agad akong dinaluhan ng ibang maids. They served me a little of four of the food pagkuwa'y inilagay sa kamay ko ang fork and knife at naglagay ng table napkin sa kandungan ko. I took a sliced of my american spare ribs, pinunasan ko gamit ang table napkin ang gilid ng aking bibig at hinawakan ang baso na agad naman sinalinan ng isang kawaksi ng natural fresh strawberry juice. I took a sip on it at nagpatuloy sa pagkain.
"I'm full." Hayag ko na agad namang lumapit ang apat na kawaksi at tinanggal ang table napkin sa kandungan ko saka umatras habang ang isa ay bahagyang pinunasan ang gilid ng aking labi gamit ang table napkin na nasa mesa saka din umatras, ang isa naman ay inabutan ako ng glass of water na agad kong ininom while the other ay hinila ang upuan ko para makatayo ako. Walang lingon likod akong naglakad papalabas ng dining hall, nadaanan ko pa ang ilang kasambahay na nakahilerang nakatayo gilid ng pinto na agad nag-bow nang makadaan ako. I just sighed at nagpatuloy sa paglalakad habang nasa likuran ko si Nanny Sasa.
Lumabas ako ng mansion na agad namang dinaluha ng dalawang maid na nagpayong sakin habang ang isa na nasa kaliwa ko ay nag-abot sakin ng towel na ikinailing ko. Nagtungo ako sa garden at tumigil sa tapat ng wooden boulevard, pinanuod ko ang pagpunas at pag-pagpag dito ni Nanny Sasa bago ako umupo. I crossed my legs as I stared the huge mansion infront of me habang natatanaw din mula dito ang mataas na ferris wheel sa likudan.
Naramdaman ko ang pagupo ni Nanny sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Know what, Nanny, I'm tired of this life."