"DAD..." sagot ni Justin sa ama nang makalabas mula sa opisina ng General Manager.
"Hindi mo pa rin ba naiisip na bumalik dito sa Maynila at sundin nalang ang nais ko?" nanunuya nitong bungad.
Bumuga siya ng malalim na hininga. Tumawag ito para lang suyain siya?
Ang buong akala naman niya'y tumawag ito para kumustahin siya. Dalawang linggo na rin halos magmula nang naglayas siya sa Maynila para magtrabaho rito sa Cebu, sa kompanyang Mercante di Vino.
"Ilang beses ko ba naman kasi kailangang sabihin at ipaalala sayo na hindi mo kaya, Justin! Hindi mo kayang mabuhay nang wala ang tulong ko, nang wala ang mga Montgomery." patuloy nito.
Napatikom ang kanyang mga kamao. "You think I'm that weak, dad?" galit na ngumisi siya. "Hindi mo pa yata alam kung gaano kaganda ang trabaho ko sa bagong kompanyang napasukan ko rito sa Cebu?"
"What?" nawala bigla ang panunuya nito at napalitan ng pagkadismaya ang tono.
"Chief Accounting Officer lang naman ako sa isang sikat at malaking wine company na napasukan ko, dad." patuloy niya.
"Ano! Anong pangalan ng wine company na 'yan! I'll talk to the CEO to fire you!"
Pakiramdam niya'y pinagbabayo ang kanyang dibdib dahil sa mga sinasabi nito. So, ayaw talaga siya nitong tantanan hangga't hindi siya tuluyang napapabagsak? Nais talaga nitong sumuko na lamang siya?
Ang gusto kasi nito ay sumunod siya sa yapak nito sa larangan ng medisina. Doktor ito at may-ari ng isa sa mga pinakamalalaking private hospitals sa Maynila. Ang nais nito'y mag-doktor din siya at siya ang magmana ng Montgomery Hospital.
"You think you can manipulate all people with your hands, dad? I tell you, you cannot do that to Chairman Sandoval. Exclude him from all weak people you could always fool."
"Tandaan mo, hindi pa tayo tapos, Justin! Hindi kita titigilan hangga't hindi ka pumapayag na sumunod sa yapak ko sa pagdo-doktor!"
"Do whatever you want to do, dad, but you cannot force me to enter the field of medicine and inherit your hospital." iyon lamang at tinapos niya ang tawag.
Nagpatuloy siya sa paglalakad na sira ang modo. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang isipan ang pagpi-pressure na ginawa ng daddy niya noon sa kanya nang magka-college pa lamang siya. Pilit siya nitong pinakukuha ng medicine gayong ilang beses pa niyang idiin na ayaw nga niyang mag-doctor kaya naman ang ginawa niya noon ay nag-aral sa malayo.
Sa Ateneo De Davao University siya nagkolehiyo. Sa una'y ayaw pa siyang payagan dahil masyado raw malayo ngunit nang sinabi niyang iyon lamang ang kondisyon niya para pumayag na mag-aral ng medesina ay pinayagan na rin siya sa wakas ng ama. Sa una'y sinubukan naman talaga niyang yakapin at mahalin ang larangang iyon ngunit hindi talaga niya kinaya. He didn't want to be a doctor, he simply wanted to be an accountant, kaya nama'y nang nag-second semester ay nag-shift siya sa Accountancy ng lingid sa kaalaman ng pamilya sa Maynila. Tanging ang pinsang si Fredrick lang na kasama niya sa Davao ang nakaalam. Nagpatuloy ang huli sa kursong Business Ad, samantalang nag-umpisa ulit siya sa kursong Accountancy. Tinulungan din siya nito at hindi siya sinumbong sa mga Montgomery sa Maynila sa ginawa niya.
Graduation day nalaman ng pamilya niya ang lahat. Galit na galit ang daddy niya.
"All these years, I thought you were taking medicine, tapos ngayon malalaman ko nalang na nag-Accountancy ka pala!" sigaw nito matapos tumama ang kamao nito sa kanyang mukha matapos ng graduation ceremony at nakauwi sila.
"Tama na, Fernando!" iyak ng kanyang ina at kaagad siyang dinaluhan.
"Dad, I tried but I just couldn't embrace medicine." mahina niyang sinabi.
"Dahil iniisip mong ayaw mo kaya hindi mo kinaya!"
"Dad, sorry po."
"I'm willing to spend money again. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral ng medisina." mariing utos nito.
"What? No, dad!" kaagad ding tanggi niya.
He already finished almost six years in Accountancy tapos ngayon ay nais nitong bumalik na naman siya sa umpisa, sa larangan ng medisina? Another how many years, four to ten? No way! Ano pang silbi ng pagkuha niya ng BS Accountacy kung babalik lang din naman siya sa pag-aaral!
"Whether you like it or not, I will send you to school again to take a medicine course!" giit nito.
"No way, dad. No way." paninindigan naman niya.
"Kung gano'n, simula sa araw na 'to, ayoko nang makikita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay na 'to. From now on, you will no longer be my son because you don't obey my words anymore!"
"Fernando, don't do this!" umiiyak na sigaw ng kanyang ina.
"I need to do this, Agnes. Your son do not obey me anymore na para bang kaya na niyang tumayo sa sariling mga paa niya kaya tingnan nalang natin kung hanggang saan ang kaya niya nang wala tayo, nang wala ang tulong ko. Tingnan nalang natin kung saan siya pupulutin."
"Yan ba yung gusto n'yo, dad? Sige pagbibigyan ko po kayo. Ipapakita ko sa inyong hindi ninyo ako mapipilit sa nais ninyo para sa akin na hindi rin naman para sa ikabubuti ko kundi para lamang sa ikabubuti ng ambisyon ninyo." tumango-tango siya.
"Aba't kung makapagsalita ka-"
Hindi na ito nakapagpatuloy nang tinalikuran na niya ito para balingan ang kapatid niyang thirteen years old na si Luke at ang pinakamamahal niyang ina.
"Luke, take good care of mom, okay?"
"Aalis ka na ba talaga, kuya?" umiiyak na inosenteng tanong nito.
"Babalik din ako. Balang araw, babalik ako kaya habang wala ako, alagaan mo muna si mommy para sa akin, okay ba 'yon?"
"Sige, kuya. Basta bumalik ka po ah?"
Ngumiti siya't marahang ginulo-gulo ang buhok ng magiging tagapagmana ng Montgomery Hospital. He believes that every thing happens for a reason, and his reason for not embracing medicine was the field isn't for him, it's for his brother Luke. Kung gaano siyang wala kahilig-hilig sa medisina, ito nama'y halos araw-araw noon kung maglaro ng doctor-doctoran kasama ng mga kapwa bata sa mga kapitbahay dala ang mga rejected telescopes at mga aparatus ng ama nila. Siguro'y hindi lang sa ngayon makita ng daddy nila ang katotohanang hindi para sa kanya ang medisina kundi para talaga sa kapatid niya dahil bata pa si Luke. Sa ngayon, siya ang pinakainaasahan sa lahat ng bagay dahil siya ang panganay. Hopefully, their family later will realize that the Hospital inheritance is for Luke, and not for him.
"Justin anak, please don't go 'Wag mo kaming iiwan, hindi kakayanin ni mommy..." hagulgol naman ng kanyang ina.
"Mom, hindi naman ako mawawala, babalik din naman po ako. Patutunayan ko lang po muna ang sarili ko." pagyakap niya sa huli.
"Hayaan mo na s'ya, Agnes! Babalik din 'yan dito hindi magtatagal kapag napagtanto niyang tama ako at hindi pa niya kakayaning tumayo sa sarili niyang mga paa." malamig at matigas namang sinabi ng ama niya.
Hindi nagtagal ay masakit at mabigat ang dibdib na naglakad na siya palabas ng bahay habang naririnig pa rin niya ang mga iyak ng mommy niya.
"Fernando, pigilan mo si Justin! Don't let our son go!"