NAGPATIANOD siya't sumunod sa likuran nito nang tumungo na ito at pumasok sa elevator. Lihim pa siyang napangiti. Kahit paano pala'y okay lang din na idinahilan niya ang kuya niya, at least, nakasama pa niya ngayon si Justin na talagang sadya niya sa pagpunta rito. 'Di bale na, yayayain na lamang niya mamaya ito na saluhan sila ng kapatid niya sa dala niya.
Pinindot nito ang second to the last floor nang magsara ang elevator. Now, she's here all alone with Justin. Nang lingunin niya ito sa kanyang tabi ay tahimik ito at nakapamulsa. She couldn't help but adore his musculinity. He looks so gorgeous and neat with his all black corporate suit. Pati face features nito ay tila kay perpekto rin. Mahahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, makinis na mukha, katamtamang kulay ng balat, at natural na mamula-mulang labi. And lastly, ang dating ng mukha nito na tila ba ay kay bait at kay sarap na pakatitigan kahit ba habang buhay pa, hindi nakakasawa.
"Hey." untag bigla nito.
Marahang natawa pa ito nang mahuli siyang titig na titig sa mukha nito. Kaagad siyang napaiwas at napakagat-labi. Damn it! Nakakahiya!
"Sorry." mahinang sinabi niya.
"What for? It's okay, baby. You don't need to be sorry." malambing na sagot nito.
I don't need to be sorry? Bakit? Nalaman kaya talaga niyang nakatitig ako sa kanya?
Ngunit imbes na pasakitin ang ulo sa kaiisip sa katanungang iyon, mas inintindi na lamang niya ang iba pang laman ng mga sinabi nito. Did he just call her baby? And did he just say it in a sweet tender tone?
Pakiramdam niya'y gusto na bigla niyang magtatatalon sa tuwa at kilig ngunit pinigilan niya ang sarili. Ngumiti na lamang siya na parang timang.
"Palagi ka bang pumupunta sa opisina ng kuya mo para maghatid ng meryenda?" pag-iiba na nito.
"Uhm... medyo."
Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya palaging napaparito para dalhan ng meryenda ang kapatid niya, ngayon lang talaga na may ibang tao siyang sadya rito. At kasama na niya ngayon ang taong iyon.
Hindi nagtagal at nakarating sila sa nineth floor. May iilang naghihilerang mga opisina sa bawat gilid ng pasilyo at ang nasa pinakahuli at pinakadulong pintuan ay ang opisina ni Samuel. May nakalagay pang name tag doon.
SAMUEL SANDOVAL (General Manager)
Sa labas naman ng pintuan nito ay naroon ang table ng sekretarya nito.
Kaagad itong tinawag ni Justin nang makalapit sila.
Naagaw din naman agad ang atensyon ng babae. "Ay, sir Justin, si General Manager po ba ang sadya ninyo?"
"Yes. And I'm with his sister; Savannah Sandoval." ani Justin.
Binalingan siya ng sekretarya para bumati. "Good afternoon po, maam Savannah."
"Good afternoon din." mabait naman niyang tugon.
"Wait lang po muna, maam, sir." anito saka dum-ial sa telepono. "Good afternoon, General Manager. Sir Montgomery and your sister are here outside. Opo."
"You may go inside na po." baling ulit nito sa kanila nang matapos ang madaling pakikipagtelepono sa General Manager.
Awtomatikong bumukas ang sopistikadang pintuan ng General Manager.
"Hi, kuya!" masiglang salubong niya sa kapatid nang makapasok sila.
Nag-angat ito ng tingin sa kanila ni Justin at ngumiti. "Hello, Sav."
"Busy much?" aniya nang mapansin ang tambak nitong papers sa table nito na mukhang binabasa at pinipirmahan.
"Yeah." anito saka binalingan si Justin. "Salamat sa pagsama sa kanya rito sa opisina ko, Justin."
Tumango si Justin. "Walang anuman."
"Ah, kuya, may dala nga pala akong pizza. Halika't magpahinga ka muna at kumain muna tayo. Justin, saluhan mo na kami ni kuya Samuel."
"Hindi na, Sav. Kayo nalang. Lalabas na ako." Ngiting sagot ni Justin.
Kaagad namang naghurumentado sa pagprotesta ang dibdib ni Savannah sa sinabi ng binata. Hindi pwede! Hindi pwedeng umalis na ito! Ito nga talaga ang sinadya niyang puntahan dito sa kompanya tapos aalis lang agad ito? Hindi pwede!
"Jus, nandito ka na rin lang naman. Saluhan mo na kami, please!" she begged.
"Kayo nalang. Busog pa naman ako eh, kame-meryenda ko lang kanina sa food court."
Nalungkot bigla siya. Hindi na ba talaga niya ito mapipilit na manatili para saluhan sila?
"Malulungkot ako kung aalis ka na agad..." mahinang sambit niya habang nakayuko.
"Ha? Ano 'yon, Sav?"
Matamlay na umiling lamang siya.
"Come on, bro. Saluhan mo nalang kami tutal nandito ka na rin lang. And besides, malulungkot pa yata si Savannah kapag hindi man lang siya nakabawi sa paghatid mo sa kanya rito." tawa naman ni Samuel.
"Okay." tuluyang pagsuko ni Justin. "Sige na, hindi na muna ako aalis."
"Talaga?" muling sumigla ang kanyang tinig.
Ngumiti ito saka marahang ginulo-gulo ang kanyang buhok. "Oo na po!"
Inumpisahan nga nilang lantakan ang dala niyang pizza habang nagkukwentuhan sila. Pakiramdam niya'y masaya siya sa mga sandaling ito, sa mga sandaling kasama at nakakausap niya si Justin. Ewan ba niya kung bakit pero ito pa lamang ang unang beses na parang nasiyahan siya ng ganito dahil sa presensya ng isang lalaki. Dati naman, walang ganito. Ngayon lang talaga at aaminin niyang masaya siya sa nararamdaman ngayon para kay Justin. Sana nga ay ganito nalang palagi. Iyong lagi niyang nakikita at nakakausap si Justin Montgomery.
"So, taga-Manila ka pala talaga, Justin?" aniya nang nabanggit nito ang tunay na pinanggalingan nito.
Tumango ito. "Oo, naparito lang ako sa Cebu para magtrabaho. Fortunately, para magtrabaho sa kompanya ninyo."
"Ah, so, bakit kailangan mo pang pumunta rito sa Cebu para magtrabaho? Wala bang opportunities do'n sa Manila gaya ng opportunity na mero'n ka rito?"
"Mero'n naman but I just prefer to work here, and besides... it's a long story. By the way, ayaw mo bang nandito ako sa Cebu?" he teased her.
Agaran ang kanyang pag-iling. "Hindi, hindi sa gano'n. Gustong-gusto ko ngang nandito ka." direkta niyang sagot na walang bahid na anumang biro.
She saw him smiled meaningfully; she couldn't help but to smile too. Para kasing nakakahawa ang napakagandang ngiti nito.
Magsasalita pa sana ulit siya ngunit hindi natuloy nang awtomatikong bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Chairman Sandoval. Ang daddy nila ni Samuel.
"Chairman!" kaagad na tumayo para magbigay galang si Justin samantalang sina Savannah at Samuel naman ay parehong nagulat at natuwa.
"Dad?" napasabay pa silang magkapatid.
Ngumuso ang Chairman. "Hindi man lang ninyo sinabing nagpi-pizza pala kayo rito!" nagtatampo na nagpapalambing ang tono nito.
"Daddy!" tuwang-tuwang tumakbo si Savannah sa ama para salubungin ito ng yakap.
"Savannah!" magiliw na sabi nito habang yakap din siya.
"Dad, kailan pa po kayo dumating?" lumapit na rin ang kapatid niya.
"Just an hour ago, son."
"Namiss ko po kayo, daddy!" malambing na sinabi ni Savannah.
Galing kasi ito sa isang business meeting abroad, three days ago pa. Akala naman nila ng kapatid niya ay mamayang gabi pa ang uwi nito kaya hindi nila inakalang darating na ito ngayong hapon.
"I missed my princess too!" malambing ding sagot ng ama niya saka marahang hinawakan ang kanyang baba. "Pero nagtatampo ako, hindi n'yo man lang ako niyaya ng kuya mo na nagpi-pizza pala kayo rito." nagtampo ulit ito.
"Dad, we didn't know you already arrived. Pasensya na po. May ilang slices pa naman po na natira eh." nakangiti namang ani Samuel.
"Oo nga po, daddy. Hindi naman po namin alam na dumating na pala kayo, akala po namin mamayang gabi pa. Sorry na po, daddy." suyo niya saka muling niyakap-yakap ang daddy niya habang isinisiksik ang ulo sa braso nito para maglambing.
Hindi ito nagsalita.
"Daddy, sorry naman na po oh!" patuloy niya.
"Fine. Sige na nga lang. Kung hindi lang kita prinsesa eh!" tuluyang pagsuko nito habang marahang natatawa.
Close talaga sila ng ama niya dahil kahit kailan, kahit gaano ito ka-busy sa mga gawain at tungkulin dito sa kompanya ay hindi pa rin ito nagkulang sa pagkalinga at pagmamahal sa kanila ng kapatid niya. Kahit nang mamatay ang ina nila noon ay naging matatag pa rin ito para sa kanilang magkapatid at hindi sila pinabayaan. She loves him so much and her whole family; mom, dad, and kuya Samuel.
"Yiee! Thanks, daddy! I love you po!"
"Love you more, princess!"
Matapos ng paglalambing, inabutan na nila ito ni Samuel ilang slices ng pizza na natitira. Umupo ito sa sofa at tumabi siya rito.
"So, how are you, Justin hijo? Kumusta ang trabaho rito sa Mercante di Vino?" nakita ulit nito ang Chief Accounting Officer na kasama nila ngayon.
"Everything goes well and smooth, Chairman. Thank you so much, anyway." magalang na sagot ni Justin.
Hindi na ulit nagsalita ang kanyang ama bagaman ay nagpatuloy na lamang sa paglantak sa pizza. Mayamaya pa'y tumunog ang cellphone ni Justin kaya nag-excuse na muna ito para lumabas na't masagot ang tumatawag.
Nakaramdam bigla si Savannah ng pagkadismaya at panghihinayang. Pagkadismaya sa caller at panghihinayang dahil lumabas na si Justin. Sino ba naman kasi ang istorbong caller na iyon at bakit kailangan talagang sagutin agad? At sino nga lang naman ba siya para mangealam sa kung sino ang mga tumatawag kay Justin? Anong karapatan niya para magreklamo at mainis, at kailan pa siya nagkaroon ng pakialam callers ng ibang tao?