KAHIT masakit para sa kanya na marinig ang mga iyak na iyon, hindi pa rin siya nagpapigil. Ngunit kung inaakala niyang magiging ganoon kadali ang buhay niya nang wala ang tulong ng pamilya ay nagkakamali siya at mukhang tama nga ang daddy niya, hindi pa niya kakayaning wala ito. Nang mag-apply kasi siya para maging Accountant sa iilang private banks dito sa Maynila ay nare-reject siya. Marami pang instances na alam niya at kitang-kita sa mukha ng mga employers na pinag-aapplyan niya na tanggap na siya dahil magaling siya sa exam pati na sa interview ngunit palaging nabubulilyaso at hindi siya natatanggap pagkaraan ng mga araw. He knew it, gagawin talaga ng daddy niya ang lahat para mapasuko siya kaya kahit gamitin ang koneksyon nito sa may-ari ng mga bangkong pinag-aapplayan niy