CHAPTER 1

1181 Words
"YAYA, pakisintipid naman po ng buhok ko oh." sabi ni Savannah sa kanyang yaya nang nagliligpit ito ng mga kalat niya sa kanyang kwarto. Si yaya Josie ang siyang nagpalaki sa kanya at halos tumayo nang ina niya. "Sige, anak." Paalis siya ngayong umaga para pumunta sa bahay nina Nica. May group assignment kasi sa Mapeh at kagrupo niya ang nasabing kaibigan. Napagkasunduan namang sa bahay nina Nica sila mag-pa-practice. Maayos na iniwan ng yaya ang walis sa isang tabi para lapitan siya. Mayamaya pa'y nasa likod na niya ito at marahang nilugay-lugay ang unat na unat na itim niyang buhok. "Ano bang ayos ang gusto mo, anak?" "Fish tail po, ya." sagot niya habang nakangiti sa harap ng malaking salamin. Nagsimula ito at ilang minuto lang ay natapos nito ang pagdidisenyo sa kanyang buhok. Malinis at pulido talaga ang pagkakasintipid nito kaya tuwang-tuwa siya. "Salamat po, ya!" masigla niyang sinabi tapos ay niyakap at hinalikan sa pisngi ang kanyang tagapag-alaga. "Walang anuman, anak." masaya namang sagot nito. Close talaga siya sa tagapag-alaga niyang ito dahil magmula nang mamatay ang mommy niya dahil sa brain cancer noong seven years old pa lamang siya ay ito na ang nag-alaga at tumayong ina niya hanggang ngayong sixteen na siya. She treats yaya Josie as her second mother and she really loves her. "Sige na po, ya. Alis na po ako. Thank you po ulit. I love you!" aniya saka kinuha na ang kanyang sling bag sa kama tapos ay muling humalik sa pisngi ng yaya at hyper nang tumakbo palabas ng kwarto. "Love you too, anak. Dahan-dahan naman at baka madapa ka!" nag-aalalang pahabol pa nito nang makitang tumatakbo siya pababa ng hagdan. "Opo!" she giggled but she still continued to run. "Savannah!" Natigil lamang siya nang marinig ang tawag na iyon ng kanyang kapatid na si Samuel. "Kuya! Good morning!" masigla siyang bumati at kumaway rito. Samuel smiled. "Morning." Napansin niyang hindi ito nag-iisa, napadako ang kanyang mga mata sa kasama nito at doon tuluyang nahulog ang kanyang panga at natulala siya. Pakiramdam niya'y biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo nang magtama ang paningin nila ng lalaking kasama ng kanyang kapatid. Who is this handsome man in front of her? Is he a knight in shining armour or a prince charming in his corporal suit? Her heart almost melts when he smiled at her. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na ngayon pa lamang niya naramdaman sa talambuhay niya. "Anyway, Jus, that's my baby sister Savannah." pakilala sa kanya ng kuya niya rito. "This is Justin Montgomery. Ang bagong Chief Accounting Officer ng Mercante di Vino." Ang Mercante di Vino ay isa sa mga sikat at pinakamalalaking wine companies sa bansa na pag-aari nila. Pinamamahalaan iyon ng kanyang ama at ng kanyang kapatid. Dali-daling pinutol ni Savannah ang distansya sa pagitan nila ng bago umanong Chief Accounting Officer ng kompanya nila para makipagkamay rito. "Hi." ngiti niyang ramdam ang init ng pisngi saka naglahad ng kamay rito. "Hi." maganda rin ang ngiting sagot nito saka tinugon ang kamay niya. Sa unang beses na naglapat ang kanilang mga balat, pakiramdam niya'y milyun-milyong boltahe ang dumaloy sa kanyang buong katawan lalo pa't nang nasamyo ng kanyang ilong ang halatang mamahaling panlalaking pabango nito. Idagdag pa ang ngiti nitong napakaaliwalas na para bang walang anumang kapintasan itong taglay sa katawan. "General Manager, hindi mo naman sinabi sa akin na ganito pala kaganda ang kapatid mo." pilyong baling ng lalaki sa kanyang kapatid matapos nilang magkamay. "Don't you dare, Jus. Exclude my sister from those women na iniuto mo! She's just sixteen." pabiro ngunit may bahid din ng banta na sagot ng kapatid niya rito. Marahang natawa si Justin. "I was just saying that your sister is pretty, Samuel. Hindi ko naman sinabing uutuin ko s'ya!" It seems like the two guys are close friends. Magkaedad lang din kasi halos ang mga ito. Her kuya Samuel is twenty-three, hindi niya sigurado kung gano'n din ang edad ng kasama. Siguro mas bata lang ito ng isa o dalawang tao sa kanyang kapatid. "Yeah. Subukan mo lang at makikita mo." "Trust me, dude!" cool na sagot ng lalaki saka inakbayan si Samuel. Binalingan naman ng huli si Savannah. "Aalis ka?" "Ah, oo, kuya. May group practice kami kina Nica." aniya. Tumango ito. "Sige, ingat." Iyon lamang at tumungo na ito kasama si Justin. She couldn't help but stare at the musculine's back structure of the man she just met today. Maganda ang tindig nito, matangkad, at natatangi ang kakisigan. Ba't kaya kahit nakatalikod ito ay parang ang gwapo-gwapo pa rin? Nang makarating siya kina Nica at nagpapractice na sila para sa kanilang practicum ay halos ang kanyang kaibigan ang tumayong leader sa grupo nila. Si Nica ang nag-assist ng formation, ng steps, at ng lahat-lahat na dahil siya'y naiiwan pa rin ang isip sa lalaking kasama ng kapatid niya kanina kaya nawawala siya sa focus. "Pansin ko lang, napaka-absent minded mo ngayong araw, Sav." ani Nica sabay upo sa kanyang tabi nang mag-water break muna sila. Hindi siya nakasagot. "Ako na halos tumayong group leader natin oh. Ano bang nangyayari sayo?" Tiningnan niya ito at ngumiti siya tapos ay umiling lamang. "Wala naman." "Hay, ewan ko sayo! Para kang timang!" Pagkatapos ng practice nila mga alas dos ng hapon ay excited siyang umuwi ng bahay dahil akala niya'y naroon pa rin ang kapatid niya at ang kasama nito ngunit nang magtanong siya sa mga katulong nila ay sinabi ng mga ito na umalis na raw ang dalawa kanina pang mga lunch time, marahil ay bumalik sa mga trabaho sa kompanya. Tila ba may sariling isip naman ang mga paa niya't dali-daling nagpahatid siya sa driver nila papunta sa Mercante di Vino. Bumili pa siya ng pizza sa isang pizza stop para dalhin sa taong sadya niya ngayong araw sa kompanya nila. Pagkarating sa entrada ng malaking kompanya, kaagad siyang nakilala ng mga security guards bilang anak ng Chairman. Marahil dahil babaeng version siya ng daddy niya sa sobrang pagkakahawig doon at minana na halos lahat ng face features niyon. "Good afternoon, maam." isa-isang bati ng mga guards. "Good afternoon!" mabait at masigla niyang tugon. Dumiretso siya sa loob bitbit ang box ng pizza. Para namang biniyayaan siya ng grasya nang mahagip ng kanyang mga mata si Justin na naglalakad dito sa ground floor. "Justin!" she called and waved at him. "Uy, Sav!" nagulat ito nang makita siya gayunpaman ay mukhang natuwa rin ito tapos ay kinawayan din siya. Lumapit kaagad ito sa kanya. "Hi, Savannah. Naparito ka?" "Uhm... " Kasi dinalhan kita ng pizza. Umurong ang kanyang dila dahil para bang tinamaan bigla siya ng hiya. "Is that for General Manager or for Chairman?" tanong ulit nito nang mapansin ang bitbit niyang box ng pizza. "Uhm... para kay kuya." aniya sabay kagat-labi. Actually, the truth is, this is for you... "Wow. How sweet! So, pupuntahan mo ngayon si kuya Samuel mo?" "Oo." paninindigan na lamang niya sa pagsisinungaling. "Kung gano'n, tara, samahan na kita." "Talaga? Sasamahan mo ako?" biglang nagningning ang kanyang mga mata. "Oo naman. Tara na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD