PROLOGUE

908 Words
"WHAT's the difference between reflexive and intensive pronoun?" "Maam! Maam!" hyper na nagtaas ng kamay si Savannah Sandoval sa tanong ng kanilang English teacher sa klase. "Kanina ka pa recite nang recite, Miss Sandoval, give chance to others!" anang teacher. Nakasimangot na ibinaba ni Savannah ang kanyang kamay. Tama naman ito dahil mula pa kanina ay walang tabas na siya sa kakahakot ng recitation points sa klase. "Who has an idea what's the difference between reflexive and intensive pronoun?" ulit ng teacher. Tahimik pa rin ang buong klase at walang nagre-recite. "Only Miss Sandoval has an idea?” Walang pa ring sumasagot. "Okay, Savannah, share us your idea." sa wakas ay suko ng teacher. Napangiti siya saka tumayo. "The difference between the two pronouns; reflexive and intensive is that, reflexive is an object that refers to the subject while on the other hand, maam, intensive pronoun is used to emphasize another noun or pronoun and it is usually called emphatic appositives." "Very good, Miss Sandoval. Reflexive is object that refers to the subject while intensive pronoun is used to emphasize another noun or pronoun." Matapos ng klase dire-diretsong pumunta si Savannah kasama ng ilang mga kaklase niya sa volleyball court para mag-practice. "Savannah..." may lalaki pang kaklase siya na tumatawag at sumusunod na naman sa likuran nila ng mga kaibigan niya. "Urgh! Here he goes again!" frustrated lamang siyang napairap. She knows it is Gerard. Kaklase niya mula pa last year na nanliligaw at panay ang pagpapapansin sa kanya. Kahit ilang beses na niyang binasted ay ayaw pa rin siyang tantanan. "Oyy, sinusundan ka na naman ni Gerard!" tinukso siya ng kaibigang si Diana. "Grabe! Mukhang ayaw ka talagang tigilan, Sav!" sunod pa ng isang si Nica. "Try mo rin kayang sagutin o i-entertain man lang yung tao, Sav, malay mo magkagusto ka rin kalaunan." opinyon naman ni Felicity. "Alam n'yo naman yung reason ko kung bakit ayoko pa 'di ba?" iritado ngunit mahinahon niyang sagot sa mga kaibigan. "Savannah!" patuloy na pagtawag at pagsunod ni Gerard. "Oh?" sa wakas ay nilingon niya ang lalaki. Hindi naman sa pangit o hindi ito attractive. Actually, may itsura naman ito at marami rin namang girls na nagpapapansin pero ewan ba niya, ayaw pa nitong maghanap nalang ng iba at sa kanya pa rin nangungulit. Kung tutuusin mukhang hindi naman mahirap magustuhan si Gerard kung bibigyan lang ng pagkakataon ngunit sadyang ayaw lang talaga ni Savannah sa ngayon. Hindi pa siya handa, masyado pa siyang bata. Hindi naman kasi siya katulad ng ibang teenagers sa panahon ngayon na tila ba hindi nabubuhay nang walang lalaking kaharutan. She's Grade 10 right now and she wants to focus on her studies dahil may goal siya ngayong taon na maging Valedictorian ng klase nila. She's an honor student since elementary 'til now. She's also a volleyball player, and she’s involved in a lot of different club organizations. Halos lahat na yata ng extra-curricular activities ay sinalihan na niya. "Kailan mo ba ako balak na sagutin?" tila pagod na tanong ni Gerard. "Ge, ilang beses ko nang sinabi 'di ba? Ayoko pang magka-boyfriend. Ang gusto ko muna sa ngayon ay ang gum-raduate akong Valedictorian at focus na focus muna ako sa goal ko." "Pero, wala namang duda, ikaw din naman ang magiging Valedictorian ng batch natin kaya hindi mo na kailangan pang mag-alala. Pwede namang pagsabayin ang pag-aaral at pagbo-boyfriend." sagot nitong parang hindi man lamang pinag-isipan. "No, Ge. Hindi ko pa kaya, hindi pa sa ngayon." plain niyang sagot saka muli itong tinalikuran at nagtuloy-tuloy sa paglalakad palayo. Sumunod pa rin ang mga kaibigan niya sa hanggang sa makarating sila sa volleyball court. "Oh, nandito ka na pala, Sav! Eto nga pala, may nagpapabigay sayo. Secret admirer mo raw galing sa Grade 9." nakangising salubong sa kanya ng coach nila sabay abot sa kanya ng iilang mga mamahalin at mga imported na tsokolate. "At eto pa, galing sa isang Grade 10 naman." inabot pa nito ang isang pulang rosas. Walang kaamor-amor na tinanggap niya ang mga iyon. "Naks, ganda talaga ni Savannah Sandoval!" tukso ng coach. Nang mapasakamay ang mga tsokolate at rosas ay agad naman niyang ipinasa ang mga iyon kay Felicity. "Uy, sa 'kin nalang 'to?" nabibigla namang tanong ng huli. "Oo." iyon lang at dumiretso na siya ng rest room para makapagpalit ng kanyang volleyball attire. "Penge rin ako, Sav!" pahabol pa ni Diana. "Ako rin, Savannah ganda-ganda!" sunod pa ni Nica. "Sure, girls. Sa inyo na 'yan." She's really not interested at anything that involves emotional dilemma right now. She's not interested with anyone that shows affection for her... ------ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this book may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author. PS: I highly recommend you read first the Montgomery Series 1 which is "A Husband's Pure Love," Logan Montgomery's story bago itong Montgomery Series 2. Mas nauna po kasi 'yon kaysa dito, but if you don't want to okay lang din naman since 'di naman makaka-affect 'yon ng story nitong kay Justin kung uunahin niyo ito. It's just up to you po, recommendation lang naman ang akin. Thanks! Enjoy reading and God bless :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD