Matapos nilang magkapermahan ng contrata ay agad siyang sinalubong ni Mr. Englishero na ang pangalan pala ay Kenzo sa kanyang napaka-garang silid. Nalaman din niyang Phoebus Altaraza pala ang pangalan ng lalaking gwapo na ama ni Andrew. Kaya pala gwapo at malaki ang katawan nito dahil banyaga si poging masungit na panay ang english.
Nahiga si Stella sa malapag na kama at tumitig sa kisame. Iniisip niya kung ano ang magagawa niya sa six million niyang kikitain na pera. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magiging instant millionaire na siya dahil lang sa pagbabantay sa chanak na si Andrew.
Nagpagulong-gulong si Stella sa queen sized bed na kama. Nang magsawa siya ay tumalon-talon siya habang kumakanta ng 'milyonarya na ako' nang paulit-ulit pero agad din iyon natigil ng may kumatok sa pintuan ng silid niya.
Dali-daling niyang pinagbuksan kung sino mang puncio pilato ang kumakatok. Baka mamaya si yummy Phoebus pa ang kumatok ay mabigwasan siya kung hindi niya agad bubuksan.
"Use this temporarily. We will buy your things first thing tomorrow. This will do just for to night." Bungad agad ni englisherong si Kenzo Kay Stella. Wala manlang hi or hello. Direct to the point agad.
"Thank you." Pero tulad ng dati hindi na ito sumagot at tumalikod at umalis. "Sungit-sungit ng mga tao sa bahay na 'to. Lahat na nga spokening dollars mga masusungit pa." Inis na turan si Stella habang naglalakad patungong banyo pero agad napalitan ng tuwa at pagkamangha ang kanyang mukha. "Shuta.... Ang gara naman nito, men!"
Biglang buhay prinsesa agad ang peg ni Stella. Stained glass ang desinyo ng banyo. May malaking bathtub pa. Kasya nga tatlong tao sa bathtub, eh. Andami pang mga anek-anek na desinyo sa loob. May malaking salamin at lababo sa loob.
Isa-isang pinakialaman ni Stella ang mga laman ng mini cabinet sa banyo. Pagkabukas agad ni Stella sa cabinet ay umalingasaw ang mabangong amoy. Lahat ay inamoy niyo. Shampoo, hair conditioner, sabon, bath bomb, bath salt, essential oils at kung ano-ano pa.
"Lakas maka pulubi mga gamit dito. Bongga talaga. Asin na panluto lang ang alam ko. May asin din pala para sa pagligo." Parang tanga na turan ni Stella sa sarili.
Blessing in disguise talaga si manong hulk na humabol sa kanya kanina. Kung hindi kasi si Stella hinabol kanina, malamang ay hindi siya mapapadpad sa hotel na 'yon at hindi niya makikilala ang cute na chanak.
Matapos maligo ni Stella ay nagbihis siya. Masyadong maluwag ang damit na pantulog na binigay ni Mr. Englishero sa kanya. Parang panlalaki pa nga pero bago naman kasi nakalagay pa ito sa box. Pantulog lang naka Gucci pa. Pero Wala siyang suot na panloob dahil pajama lang naman ay binigay sa kanya. Buti nalang at sanay siya na matulog na walang panty kaya ayos lang. Presco pa sa pakiramdam.
"Good night, Itay ko. Malapit ko na pong matubos ang lupa natin. Kunting hintay nalang po. Ingat po kayo diyan. Mahal na mahal po kita." Matamis na sambit ng dalaga sa hangin p**o ipinikit ang mga mata. Gawain niya iyon bago matulog. Palaging niyang kinakausap ang yumaong ama.
A night fell and morning came.
Maagang nagising si Stella. Hindi siya makatulog ng maayos dahil sa lambot ng kama niya. Akala niya magiging kumportable siya pero kabaliktaran ang nangyare. Banig lang ang hinihigaan niya sa bahay ng tita niya dati kaya medyo na nabago ang likod ng dalaga.
Matapos niyang magsipilyo at ayusin ang sarili ay bumaba siya. Naka pangalawang palapag kasi ang kwarto niya. Hindi pa din talaga siya makapaniwala hanggang ngayon na natatamasa ni Stella ang ganitong buhay. Definitely, one in a lifetime opportunity.
"Good morning," bati ni Stella sa apat na lalaki na nasa kusina. Isa ang naka-apron at nagluluto at dalawang lalaki ang naka-upo sa may hapagkainan at isang nakasandal sa lababo.
Hanep din ang bahay na ito. Muntik pa siyang maligaw kanina. Buti nalang ay nakaamoy siya ng masarap na niluluto kaya nalaman niya kung nasaan ang kusina.
Nag hikab si Stella. Umupo siya saka ipiniling ang ulo sa lamesa at inunan ang kanyang siko.
"Go back to your room if your still sleepy. This is a dining area, not your bed. Don't sleep here."
Kung hindi lang antok si Stella ngayon. Baka nasapak niya na ang nagsalita. Alam niya kung sino agad 'yon kahit pa hindi niya nakita ang mukha.
"Ang aga-aga english kana ng english diyan. Nakakapikon kana, ha. Kahapon kapa." Mataray na sabi si Stella saka hinarap ang nagkakape na si Mr. Englishero. "May maids quarter or room ba kayo dito?" Tanong ng dalaga.
Tumaas ang kilay ni Kenzo aka. Mr. Englishero, "why you ask?" Anito sabang sumisimsim ng kape.
"Doon ako matutulog bukas. Ayoko du'n sa kwarto na binigay mo kagabi."
"Why? Aren't you satisfied how massive that room is?"
"Kung satisfied ako, edi sana hindi ako nag re-request sa 'yo ngayon." Stella responded, "sobrang lambot ng kama. Hindi ako makatulog. Hindi ako sanay."
"Isn't that, the likes of women? Cozy and soft bed?" Ani Mr. Englishero.
Nagkamot ng kilay si Stella. Ang aga aga pinapataas ang presyon ko ng englishero na 'to. "Nagtatanong lang ako kung may maids quarter kayo dito kung saan saan na tayo napunta. Sagutin mo nalang ang tanong ko para matapos na tayo dito."
"Wala kaming maids quarter dito, Miss." Sagot ng isang lalaki na naka-upo. "Walang may naging kasambahay dito kaya walang maids quarter. Kung 'yan ang tinatanong mo."
Pumalakpak ng isang beses si Stella saka tinuro ang sumagot kanina at humarap kay Kenzo na nakasandal sa lababo, "Rinig mo 'yun, Mr. Englishero? Ganon dapat! Madali lang naman sagutin ang tanong ko. Dapat tularan mo itong si.... Ano nga ulit pangalan mo?" Bukod sa chanak na si Andrew, Si Phoebus na masungit at si Kenzo na englishero, ay hindi niya na kilala ang ibang nasa bahay.
"Zion... I'm Zion Vargaz."
"... Zion! Tumulad ka dito kay Zion." Pagpapatuloy ni Stella. "Saka magpaturo ka din magtagalog. Dumudugo ilong ko sa inyo."
Humalakhak si Zion, "Nice to meet you, Ms. Stella. Finally, may karamay na din akong ma-nose bleed araw-araw."
Nakangiting ani Zion. Muntik pang himatayin si Stella dahil sa lalim ng dimples ni Zion. Tangina! Super pogi!
"Nice to see you─ este nice to meet you. At huwag mo na akong tawagin na Miss, nagtutunog matanda ako. Magka-edad lang naman siguro tayo." Gagi! Kinikilig si Stella sa dimple nito. Parang na crush at first sight tuloy siya kay Zion. "Pure Filipino ka?"
"Copy that," Ani Zion. "... And yes, ako lang ang pure Filipino sa bahay na 'to. That man right there?" Turo ni Zion sa lalaking busy magluto. "That's Koa d'Aubert, the personal chef. He's a french fries national. At ito..." Tapik nito sa katabi, "The hot driver, this is Cyruz Yap. Half Filipino and Chinese. Lastly, si Mr. Englishero, He's a Japanese national. Kenzo Takahashi. He's Boss Phoebus, right hand and bodyguard and consultant and personal maid and adviser and many more..."
Naka-awang lang ang labi ni Stella. Kaya naman pala ang ga-gwapo, eh mga banyaga din pala. Pero bakit naman napunta sila sa pilipinas?
"Kaya naman pala mga spokening dollars sila. Foreigner pala. Salamat naman at may kadamay akong ma-nosebleed dito."
"What's spokening dollars?" Si Cyruz naman ang nag tanong ngayon. Mukhang curious ito.
"English speaking," sagot ni Stella.
Akmang sasagot pa sana si Cyruz ng makarinig sila ng malakas na sigaw mula sa pintuan ng kusina.
"Good morning, Mamaaaaaa!" Sigaw ni Andrew at patakbong lumapit sa dalaga. Humalik sa pisngi ni Stella ang bata. "Good morning po, Mama ko."
Kahit na iilang, binati din pabalik ni Stella ang bata. "G-good morning..."
Tumahimik ang buong kusina bago mag tanong si Zion.
"Pasok kana sa trabaho, boss?"
"Yeah," Phoebus answered with nonchalance, "only Kenzo will come with me. The rest of you, stay here and better keep your eyes on that woman. Kapag may ginagawa na kalokohan ang babaeng 'yan.... You know the drill. Just don't leave any traces."
Pinagmasdan nalang ni Stella ang matipong likod ni Phoebus na umalis kasama si Kenzo.
"Menopause na ba 'yang, boss niyo at ubod ng sungit?" Wala sa sariling tanong ni Stella bago makarinig ng pagkabasag ng baso.