Phoebus was reading some of the files that Kenzo gave him. Ang resulta ng pagpapa-imbestiga niya sa babaeng tinatawag ng kanyang anak na Mama.
Phoebus really doesn't know where did his son got that woman. Bukod sa Ina niya, wala nang ibang babae ang lumalapit o gusto ni Andrew. His son was afraid of woman kaya labis ang pagtataka ni Phoebus kung bakit madali para sa anak na magtiwala sa babaeng kakakita lang nito.
Name: Stella Abañego
Age: 26 years old
Gender: Female
Background:
•Works at Finest Dinners as Chef. Works at Sunshine Café as waiter during weekends. Part-time worker as sales lady at Kn'J Malls. Works as server at Eva's Eatery during night.
• Graduated in college taking up Culinary Arts with flying colors at Jaques International University. And take up Psychology only for two years.
•Only daughter of the late Chris Abañego.
•No criminal records.
•No boyfriend since birth.
In all fairness, Phoebus was a bit surprised at the woman's background. "That woman graduated at one of the prestigious university as Magna c*m Laude but why is she acting so dumb and pathetic?" Tanong ni Evos sa secretary niyang walang iba kundi si Kenzo the englishero. "And why the héll on earth she has a tons of jobs? May pinapakain pa siyang isang baranggay?"
"She has debts to pay, boss." Sagot ni Kenzo.
Napaangat ng ulo si Evos mula sa papel na binabasa. "Her own debts?" Tanong ng binata.
"No, her Auntie's debts. Sister of the woman's father."
Oh, Akala pa naman ni Evos ay utang ng dalaga ang binabayaran nito. If that's the case, kailangan niyang palayuin ang anak sa babaeng 'yon. Baka turuan pa ang anak niyang mangutang. Mahirap na.
"Magkano ang kailangan bayaran ng babaeng 'yon?"
"Almost, half million boss."
Tumango si Phoebus at binalik ulit ang atensyon sa papel na binabasa kanina. "Bayaran mo lahat ng utang nila. And don't tell anyone about it. Especially on that woman."
Medyo nagulat pa si Kenzo dahil sa sinabi ng kanyang boss pero hindi niya pinahalata. Kilala niya ang boss niya. Hindi ito basta-basta naglalabas ng pera sa walang kwentang bagay. Kaya nakakapanibago ang naging desisyon nito ngayon.
"Yes, boss." Tanging nasabi nalang ni Kenzo at hindi na nagtanong pa. Si Phoebus naman ay nakahinga ng maluwag dahil walang naging pagtutol si Kenzo sa ginawa niyang desisyon.
This is not him, for Pete's sake! Kailanman hindi siya gumastos ng gano'n kalaking halaga para sa walang kwentang bagay!
Phoebus may like buying lavish things but paying someone's debts? He never does that in his entire life! Just this moment! For the first time!
Habang palihim naman na kinakastigo ni Phoebus ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon, ang si Stella naman at ang batang si Andrew ay parehong binagsak ang katawan sa sofa.
Parehas na pawisan ang dalawa dahil sa kakalaro. Matapos nilang maglaro ng tagu-taguan ay naglaro ulit silang dalawa ng habulan. Walang katapusan na laro. Ito na siguro ang pinaka nakakapagod na trabaho ni Stella sa lahat ng naging trabaho niya.
"Time pers muna, time pers." Hinihingal na sabi ni Stella. "Nakakapagod kang kalaro. Parang naka-energy drink ka. Ang hyper mo."
Cute naman na tumawa ang bata, "you're weak po, Mama."
"Sinong hindi mapapagod kung katulad mo na kiti-kiti ang kalaro? Wala kang kapaguran." Mula ng dumating sila kanina galing mall, ngayon lang sila natigil sa paglalaro. Namili kasi sila ng mga gamit ng dalaga. Pero parang isang batalyon sila kanina sa sobrang dami. Mga bodyguards daw 'yon sabi ni Zion.
"Have your snacks first," sabi ni Koa. Ang personal chef nila. May bitbit itong food try ma maraming laman.
Minsan nagtataka nalang si Stella kung bakit lahat ng nakatira sa mala mansyon na bahay ay lalaki. Siguro mga allergic sila? Palaisipan pa din sa kanya iyon. Tapos halos lahat ng trabaho ay may naka assign na tao. Iba ang tagaluto, ang driver, ang taga laba, taga bantay sa Andrew, at lahat pa sila lalaki.
"What did you make po, Uncle Koa?"
"Muffins, macaroons, graham balls and apple juice, young boss." Magalang at pormal na tugon ni Koa sa tanong ng bata.
Parang pinagbagsakan naman ng langit at lupa ang mukha ni Andrew ng marinig iyon. Laglag ang balikat nito ng lumapit sa dalaga, "I don't like it po, Mama. Ayoko po sa snacks, Mama ko."
"Ang sarap sarap ng mga snacks mo, tapos ayaw mo lang?" Gulat na tanong ni Stella. Swerte ng bata na 'to. Minsan lang siya makakain ng mga gano'n pero inayawan lang ng bata. Hanep talaga.
"No po, Mama. I ate muffins and macaroons and graham ball yesterday po. I want another snacks po, Mama." Sagot ng bata habang nakalabi pa ito.
Mahina pang natawa si Stella dahil mas lalong naging cute ang chanak dahil sa paglabi nito. Kinulong ng dalaga ang mukha ng bata gamit ang mga palad nito.
"Okay! Anong gusto mo na snacks? Gagawa ako." Suhestyon ni Stella. Nami-miss niyang magluto. Parang nanghihina ang katawan niya kapag hindi siya nakakahawak ng sandok.
Andrew's eyes beam in happiness, "gagawan mo po si Andew ng snacks po, Mama?"
Stella nodded and smile, "Opo... Ano ang gusto mo? Para magawan na kita."
"Anything po!" Ani ng bata saka tumalon-talon at nauna nang pumasok sa kusina nila habang sumisigaw. "Mama willade snacks for baby Andew. Yehey! Yehey! Yehey!"
"Guess, I should just keep this snacks for now." Ani Koa habang nakatin sa direksyon ng batang masayang patalon-talon.
"Huwag paulit-ulit ang ihahain sa bata na pagkain para hindi kaagad magsawa." Ani Stella saka tumayo at tinungo ang kusina. Nakasunod naman sa kanya si Koa na nakabusangot.
"Ano po ang i-cook mo, Mama?" Tanong ni Andrew at titig na titig sa ginagawa niya.
"Nakakain kana ng turon at bananaque?" Busy si Stella sa pagtanggal ng balat ng saving na saba. Bananaque at turon ang gagawin niya sakto naman at mag saging na saba silang binili.
"What's that po? Is that yummy po, Mama ko?" Inosenteng tanong ng bata.
"Yes, super yummy." Masayang sagot ni Stella. "Ito ang mahilig lutuin nang Itay ko kapag umuuwi ako galing paaralan dati."
Dati, noong buhay pa ang ama ni Stella ay bonding session nila ang pagluluto. At bananaque saka turon ang mahilig nilang lutuin ng ama. Bigla tuloy na-miss no Stella ang ama.
Kunting tiis nalang Itay, mapapa-ayos ko na din po ang puntod niyo. Matutubos ko pa ang lupa niyo. Hintayin kiyo lang po ako.
"Are you sure you know how to cook?" Parang hindi mapakali na tanong ni Koa. Kanina pa nito sinisipat paisa-isa ang saging na binalatan niya. "Is it really safe to eat?"
"Hay, naku, Mr. Cook. Umupo ka nalang dun katabi ni Andew. Ako nahihirapan kakatingin sa 'yo, eh. Para kang may bulate sa puwet." Hindi mapigilan na mapairap sa ere si Stella. "Alam ko ang ginagawa ko at safe ito kainin. Napaka-OA mo talaga."
"Boss Phoebus, has very strict foods for young boss. We follow what young boss' nutritionists said. Kailangan healthy food at organic lahat ang kinakain ni Andrew. It's boss Phoebus rules." Kabado malala si Koa.
"Relax ka lang diyan, Koa." Untag ni Stella. "Healthy at organic naman 'to. No, preservatives."
Nagsasalita pa si Koa pero tumalikod na si Stella at nagsimulang magluto. Hindi na pinakinggan pa ng dalaga ang mga pangaral ni Mr. Cook at ginawa niya ang gusto.
Napaka-OA naman ni Phoebus na 'yon. Lahat pinagbabawal. Sobrang istrikto.
Ilang minuto pa at nahango na ni Stella ang unang batch ng bananaque na gawa niya.
"Bananaque is ready to go!" Sigaw ni Stella at inihain ang golden bananaque niya.
"May bananaque?!" Sigaw ng kung sino mula sa labas ng kusina. "Sino ang may bananaque? Pahingi ako!" Nagkukumahog na sabi ni Zion.
"You know what's this, Zion?" Turo ni Koa sa niluto ni Ms. Stella. Naglalaway siya dahil mukhang masarap iyon pero ayaw niya. Ma-pride siya, eh.
"Ako kaba, bro! Malamang! Peyborit ko 'to." Ani Zion saka kumuha ng turon. "Antagal ko nang hindi nakaka-kain nito! Ang sarap!"
Salahula talaga itong si Zion. "Huwag mong ubusan si Andew, Mr. Patay gutom. Ginawa ko 'yan para sa bata, hindi para sa 'yo." Sabi pa ni Stella habang hinihipan ang bananaque ni chanak. "Kumuha kana din, Mr. Cook. Masarap 'yan at organic."
Ayaw pa sana si Koa pero talagang natatakam siya, at isang kagat palang, "what the héll! This is good."