Chapter 02

1356 Words
Nagising si Stella na para bang may nanonood sa kanya. Kinapa niya ang katabi ngunit wala na doon ang bata. Dahan-dahan niyang minulat ay mata habang inuunat ang katawan. Una niyang naaninag si Mr. Englishero. Kinawayan niya ito, "hi, Mr. Englishero. Wala na ang young boss mo sa tabi ko. . ." Salita ni Stella sa pagitan ng paghikab niya. Dahil antok pa siya isinabit niya ang kaliwang binti sa sandalan ng sofa at pinagkrus ang kamay sa ibabaw ng kanyang ulo. At pumikit ulit. Mamaya nalang niya kakausapin si Mr. Englishero, talagang inaantok pa siya. Ang sarap kasi sa likod ang sofa. Sobrang lambot at mabango pa. Dahil sa kakomportablehan nagawa pa niyang kamutin ang kanyang tiyan. Pero biglang natigil ang pagkakamot ng dalaga nang makarinig siya ng baritonong boses na nagsalita. "Get up, woman." Akala ni Stella na nanaginip pa siya kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at halos ma pugto ang kanyang hininga ng tumambad sa kanyang ang sampong anghel na ubod ng tikas at gwapo na pinadala ng langit sa kanya na itaman siyang pinagmamasdan. Pero dali-dali siyang umupo ng makita niya ang isang anghel na karga ang chanak na dahilan ng kanyang stiff neck. Lihim na nagmura si Stella sa kanyang isipan. Putangina! Muntik pangtumulo ang kanyang laway dahil ang po-pogi ng mga lalaking nasa harapan niya. Shuks! Bigla siyang na conscious sa hitsura niya kaya pasimple niyang inayos ang sarili. "Good evening po, Mama. . ." Ani ng chanak saka bumaba sa pagkaka-upo nito kanina sa hita ng isang anghel na pinakagwapo sa lahat at lumapit sa kanya. Kinuha ng chanak ang kamay niya at hinila siya sa kung saan. Nagpahila lang naman si Stella. Alam niyang nakasunod lang ang mga nag ga-gwapuhan na kalalakihan sa likuran nila. Walang may nagsasalita sa kanila pero grabe ang panginginig ng tuhod ni Stella. Palagay niya'y anumang oras ay may sasakmal sa kanya. "Here Mama, sit ka po." Pinaghila pa siya ng upuan ng bata. Sa kusina pala siya dinala. "I'm hungry na po, subuan mo ako Mama, ha?" Nilingon muna ni Stella ang sampung lalaki. Napalunok naman siya dahil sa seryosong mukha nila. Parang wala siyang choice kundi sundin ang gusto ng chanak na 'to. Umupo siya sa upuan na hinila ni Andrew para sa kanya. At dali-daling umakyat sa hita niya ang bata nang makaupo siya. "Alin dito ang gusto mong kainin?" Tanong ni Stella sa bata. Sobrang dami kasi ang nakahanda sa mesa. Parang may fiesta. Isang tingin palang naglalaway na siya sa mga pagkain. "Steak po Mama and fish po. Favorite ko po ang fish, they're yummy." Masayang sabi ni Andrew. "Daddy sit na din po kayo, let's eat na po. Mama is already awake po. We can eat now." Hindi sumagot ang tinawag ng bata na Daddy pero umupo naman ito sa pinakadulo ng lamesa na parang hari. Shuta bess! Hihimatayin ata siya dahil ang ga-gwapo ng nakapaligid sa kanya! As in! Walang sayang sa kanila. Parang siyang nasa heaven! Maingat ang lahat ng naging galaw ni Stella. Hindi siya pwedeng maging tanga dito. Kalansing lang ng kubyertos at ingay ni Andrew ang naririnig sa buong kusina. Matapos niyang sunubuan si Andrew ay siya naman ang sunod na kumain. Medyo naiilang pa nga si Stella dahil lahat ng mga ay nakatitig lang sa kanya. Silang tatlo lang ang kumain habang nakatayo lang sa gilid nila ang ibang lalaki na parang guard. Nyemas! Sa pelikula lang siya nakakakita ng gano'n, eh. Yung may mga alipores na nasa paligid lang at kapag itaas mo ang kamay ay automatic na may lalapit sa 'yo. Pak! Nakakayaman! May good side naman pala ang pagkidnap sa akin. "Put down my son and follow me," a deep baritone voice spoke behind Stella. "No! Daddy!" Si Andrew ang sumagot. "I won't let you take my Mama!" Nagsimulang umiyak ang bata. Lahat naman ng lalaki ay nataranta. "Shh, hindi naman siguro ako ipapa-shoot to kill ng Daddy mo, Andew. Kaya tumahan kana. Baka may itatanong lang ang daddy mo sa akin o kaya naman magpapatulong na alisin ang tinga sa ngipin niya." Pagpapakalma ni Stella sa bata. "Diba? Kaya tahan na, okay?" Umiling ang bata at sumiksik sa kanya. "Andrew is my son's name. Not Andew." Umirap si Stella. "Gusto kong tawagin ang anak mo na Andew, eh. Kanya kanyang originality lang 'yan." Huminga ng malalim ang lalaki at hinilot ang noo nito. "Andrew go down first. I'll just talk to this woman." Umangat ang tingin ng bata sa ama nito. "You'll not take my Mama away?" "No, I won't." Sagot ng lalaki. "Promise me, Daddy." "I promise." "Okay," sabi ng bata. "But just one minute, Daddy." "One minute is not enough, my son. I have to discuss something with her." "One minute and one second po?" Inosenteng ani ng bata. "It's still not enough," the man paused. "How about you go to you watch your favorite cartoon first? I'll talk to her just for a bit. How's that?" Andrew tilt his head like he's thinking, "can't I just tag along, Daddy?" "Too much question, Andrew." Saad ng lalaki saka tumayo sa hapagkainan. "Kenzo, take Andrew away and tidy him up while you woman, follow me." Kahit pa tutol ang bata ay wala itong nagawa sa utos ng ama. Nakakatakot kasi ang boses nito. "Yes, boss." Sagot ni Mr. Englishero. Parang na left behind si Stella. Sumasakit ang ulo niya. Bakit naman lahat ng nakatira sa bahay na 'to ay mga spokening dollars. Lahat mga englishero. Dumudugo ang ilong niya. Nasa private office na sina Stella at ang lalaki. Kagat lang ni Stella ang labi dahil baka may masabi pa siyang pagsisisihan niya. Mukhang seryoso kasi itong si papang pogi. "How did you meet my son? What's your intentions? How did you managed to lure my son? Are you going to kidnap my son like how others─" "Hep! Hep! Hep!" Pigil ni Stella. Grabe makapagbintang 'to. Walang duda na boss nga ito ni Mr. Englishero parehas silang judgemental. "Judge ka ba? Grabe maka accused ha. Una sa lahat at hindi sa huli, ang anak mo po ang unang nakakita sa akin. At anong kidnap your son? Gago! Ako ang biktima dito. Ako ang nakidnap kahit hindi naman na ako kid. Super judgemental, pasalamat ka pogi ka." "Tell me woman. . . Do you know me?" The man stared at her intently. Like he's judging her to the core. "Bakit mo sa akin tinatanong 'yan? Hindi ba sinabi sa 'yo ng mga magulang mo kung sino ka? Sana sila ang tinanong mo. Hindi ako." "I'm asking you seriously. . ." "Sinasagot din naman kita ng seryoso, ah." Ani Stella. Hanep din 'tong lalaki na 'to. Bumuntong hininga na naman ang lalaki. Malapit na yata ma pugto ang pisi ng pasensya nito. Mukhang punong-puno na. "Okay. . . I have a preposition to make." The man offered, "I don't know what's special with you that my son's like. You seem ordinary to me, though." The man said. "Stay here for six months. Make my son happy. Then, after that, you can leave freely." Gusto sanang batukan ni Stella ang lalaki. Gagawa na nga lang ng preposition nilait pa siya. "Masyadong matagal ang six months. May sarili akong buhay─" "I'll pay you one million a month─" "Ay bet! Sureness! Pak na pak! Deal na 'yan, teh! Hindi mo naman kaagad sinabi!" Payag agad ni Stella. Gago! One million a month tapos anim na buwan siyang titirasa malaking bahay tapos may mga gwapo pang kasama? Hindi na siya lugi! Magiging instant millionaire pa siya! "Wala bang kontrata na pe-pirmahan? Baka magbago pa isip mo. Mahirap na. Mabuti na ang sigurado kesa nganga!" Malaki ang six million na makukuha niya kung sakali. Pwede niya nang mapaayos ang puntod ng tatay niya. Matutubos pa niya ang lupa na naisanla ng tatay noong college pa siya. "One more thing. . . If you harm my son in any way possible," matalim na tumitig sa kanya na animo'y kakainin siya ng buhay. ". . Better hide yourself, co'z I won't let you live without suffering what living in hell like."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD