Dahil sa layo ng biyenahe nila, nakatulog si Stella habang nasa daan. Pati na din ang bata na kanina pa nakasiksik sa leeg niya. Nangangawit na siya dahil nakahilig siya buong biyahe. Kagagawan talaga ng chanak na dikit nang dikit sa kanya bakit siya nagka-stiff neck.
"Get out and don't do anything stupid if you don't want to blow your head off." Ani Mr. Englishero kaya napairap siya sa ere.
"Buksan mo ang pinto, duh. Hindi ako makakababa dahil sa chanak este sa young boss niyo." Tanga pala 'tong si Mr. Englishero, eh. Paano siya makakababa sa kotse kung may tuko na nakapulupot sa kanya?
Huminga ng malalim si Mr. Englishero, mukhang napupuno na ito. Parang high-blood yata. Unang lumabas nang kotse si Mr. Englishero saka pinagbuksan siya ng pinto.
"Now. Get out. Be careful not to wake up the young boss. He'll throw tantrums."
"Bakit ba panay english ka diyan? Kita mo nang bobo 'yong tao. English kapa ng english." Nakakahalata na siya. Parang may pinapatunayan ang englishero na 'to.
Pero as usual walang naging sagot ang englisherong tipaklong. Pasalamat lang talaga si Mr. Englishero na gwapo siya kundi baka na uppercut na din siya ni Stella.
Karga si Stella ang na tutulog na si Andrew sa bisig niya. May kabigatan ito pero keri naman. Sumusunod lang ang dalaga sa englisherong nasa unahan niya. Nakasunod din sa likuran niya ang kampon ni satanas. Ramdam ni Stella na matalim na mga titig sa likuran niya. Pinagmamasdan siya na para bang may gagawin siya na hindi tama.
Nililibot ni Stella ang paningin sa kabuohan ng lugar. Hindi niya mapigilan ang mapanganga sa lugar. Sobrang lawak at napakaganda. May isang buong garahe na nasa gilid ng pasilyo na puno ng magagarang kotse at mas malaki pa nga iyon keysa sa bahay ng tita niya. May garden sa kabilang banda ng pasilyo at may fountain ito sa gitna.
Halatang mayaman ang may-ari. Naka-awang lang ang labi ni Stella sa buong durasyon at mas lalong umawang iyon nang tumambad sa kanya ang napakaganda at napakalaki na bahay. Gawa sa kahoy at glass ang buong bahay. It was a house full of sophistication, extravagance, and perfection. 'Yong tipong ikaw na mismo ang mahihiyang tumapak kahit sa sahig dahil sa karangyaan.
"Bahay pa ba 'yan o mall?" Stella blurted out. "Gago ang laki."
"Don't ask too much questions just get in." Baritonong sabi ng englishero.
"Isang beses lang naman ako nagtanong. Grabe maka 'don't ask too much questions' naman 'to." Ginaya pa ni Stella ang pananalita ni Mr. Englishero. "Para kang nasa menopausal stage. Ang sungit-sungit."
Dari-daretso na pumasok si Stella sa bahay karga parin ang chanak na mahimbing ang tulog. Gusto pa sanang kurutin ni Stella ang pisngi nito pero baka nga pasabugin ni Mr. Englishero ang ulo niya kaya 'wag nalang. Mukhang hindi pa naman 'yon nagbibiro.
At kung magara na ang labas ng bahay mas may igagara pa ang loob. Halos malaglag ang panga ni Stella nang makita niya ang loob. From the paintings that hangs from the walls, shiny furnitures, vases, chandeliers and appliances, all that screams luxury. Ito ang unang beses na makakita si Stella ng picture frame na ginto. Chandeliers na mas mahal pa sa buhay niya. Kahit mga vases, siguro siyang mga mahal iyon. Kung siguro nga'y mananakaw lang niya kahit isang vase lang ay pwede na siyang magtayo ng sariling negosyo.
"Mr. Englishero, tanong ko lang ha? Wala bang ibang mapag-gastosan ang boss mo sa mga pera niya? Marami ba siyang pera?" Walang hiyang tanong ni Stella habang pinagmamasdan ang kagandahan ng loob ng bahay.
Hindi na umasa si Stella na sasagot si Mr. Englishero pero laking gulat niya ng magsalita ito.
"Why you ask?" Walang kabuhay-buhay na tanong nito. "Are you going to swindle all boss' money?"
"Ay! Nagtanong lang swindle agad?" Bulalas ni Stella. "Hindi ko huhuthutan ang boss mo, noh! Sobrang judgemental naman 'to. Wala naman tayo sa korte pero grabe maka-jude."
"Then, why you ask?"
"Wala lang.. May isu-suggest lang sana ako. ." Ani Stella. "Suggest ko sana na ibigay nalang niya sa akin ang pera niya kung wala na siyang mapag-gastosan na iba. Mukhang bored naman ang boss mo kaya kung ano-ano ang binibili. Pati pa talaga lamesa kailangan may ginto sa gilid?"
Lahat yata ng display nila ay gawa sa ginto kung hindi naman ay silver at ginawa pang decorations ang mga mamahalin na bato sa mga halaman. Grabe naman 'to. Talagang sinampal siya ng kahirapan.
Huminga ng malalim si Mr. Englishero. "Nonsense." Ani pa nito saka tinuro ang sofa na tiyak siyang nagkakahalaga ng limpak-limpak. "Just sit there while we wait for the boss. Don't wonder around, I'm warning you lady."
Tumango-tango si Stella saka dahan-dahan na umupo sa sofa. Shuta, kailangan niyang maging mahinhin ngayon. Parang lahat yata ng gamit sa loob ng bahay ay mas mahal pa sa buhay niya. Tiyak na goodbye earth talaga kapag may masira siya kahit na isa.
Umalis si Mr. Englishero. Hindi alam ng dalaga kung saan iyon pupunta. Ngayon, mag-isa nalang siya sa salas kaya Malaya niyang sinipat bawat sulok ng bahay. Grabe talaga napakaganda. Kahit nga hawakan ng hagdanan ay makinang. Mas maningning pa sa panot na ulo ng boss na na uppercut mula sa kanya.
Kahit saan sulok tumingin si Stella hindi pa rin talaga siya maka-get over. Nakaramdam ng pangangawit si Stella kaya isinandal niya ang likod sa sofa. Agad siyang nakahinga ng maluwag dahil sa lambot ng sofa. Hanggang ngayon mahimbing pa rin ang tulog ng bata sa bisig niya. Nakakaramdam na din ng antok si Stella dahil sa lamig na dala ng aircon.
Hindi pa din bumabalik si Mr. Englishero. Hindi niya alam kung ano ang pangalan nito dahil hindi naman iyon nagpakilala. Basta-basta nalang siyang sinakay sa kotse ng sapilitan.
Naghikab si Stella. Gusto niyang matulog kaya naman inayos niya muna ang bata. Pinahiga niya ang bata sa sofa at tumabi siya doon. Syempre tinanggal niya muna ang nag-iisa niyang tsinelas sa paa bago humiga.
Nagising naman ang bata dahil sa ginawa niyang kilos.
"Mama..." Nakapikit na tawag ng bata kay Stella.
"Shh," tinapiktapik ni Stella ang hita ng bata. "Tulog kapa."
"Don't leave, Andew, Mama..." Sambit ng bata kahit na tulog ito. "Dito lang po ikaw Mama ko... Don't leave Andew, alone."
Kahit na naiilang si Stella dahil sa paraan kung paano siya tawagin ng bata. Stella console the child. Para din kasi itong nananaginip.
"Okay... Hindi na aalis si Mama..." Napangiwi la siya dahil sa huling salita na sinabi. "Tulog kana ulit."
Nakahinga ng maluwag si Stella nang maramdaman niyang naging banayad ang paghinga ng bata. Stella softly brush the kids hair. Noong bata pa siya nakakatulog agad siya kapag hinahaplos ng kanyang Nanay ang buhok niya. Kaya ganon din ang ginawa niya sa bata.
Mukhang effective naman ang ginawa niya. Akmang ipipikit niya ang mata nang may narinig siyang tumikhim mula sa likuran.
Sinubukan na lingonin iyon ni Stella pero napa-aray lang siya. Nakalimutan niyang may stiff neck pala siya. Muntik pa siyang maiyak.
"Gusto sana kitang lingunin pero masakit ang leeg ko," saad nalang ni Stella. Hindi niya alam kung sino ang tumikhim sa likuran niya pero alam niyang hindi si Mr. Englishero iyon dahil iba naman ang boses. "Mamaya mo nalang ako kausapin, ha? Inaantok na kasi ako. At please, huwag kang maingay ha? Bye."
And the man who cleared his throat, shockingly stared at the lady's back. He didn't expect that someone would say something like that at him.
Nilingon ng lalaki ang tauhan na nakatayo sa gilid niya at nagtanong.
"Just where the héll did my son, find this kind of woman, Kenzo?" Phoebus asked and stared back at the woman who hugged his son so tightly. Hindi basta-basta lumalapit sa babae ang anak niya pero sa nakikita niya? It's something he should be vigilant. "Investigate this woman. Find anything about her."