Prologue

1744 Words
Maganda ang sikat ng araw ngayon. Madaming tao ang namamasyal sa park dahil araw ng linggo pero parang biyernes santo ang mukha ni Stella. Paano ba kasing hindi magiging biyernes santo ang mukha niya, pinalayas ba naman sa bahay ng kanyang tita. Naiinis na umupo si Stella sa isang bakanteng bench sa isang park. "Kapag ako talaga yumaman! Who you kayong lahat sa akin!" Sigaw niya kaya maraming tumingin na tao sa kanya pati din ang mag kasintahan na nasa gilid niya. "Ano tinitingin-tingin niyo diyan?!" Usal niya saka binalingan ang mag jowa. "Sus! Sa una lang 'yan masaya. Maghihiwalay din kayo!" Tumayo ang mag jowa at lumipat ng upuan. "Walang forever, whoy!" Sigaw niya pa. "Baliw na ata ang babaeng 'yan." "Sayang maganda pa naman. Pero parang may sira sa utak." "Ganyan na ba ang mga kabataan ngayon? Kaka cellphone nila siguro 'yan." Sabi ng mga taong nasa parke. Rinig na rinig iyon ni Stella pero hindi niya nalang pinansin. Madami na siyang problema ayaw niya ng may dumagdag pa. Una, sinuntok niya ang boss niya sa trabaho dahil hinipuan siya kaya ayon na uppercut niya tuloy. At dahil din sa pag suntok niya ayon tanggal sa trabaho ang ate mo gurl. Pangalawa, dahil wala na siyang trabaho, nagalit ang mabait niyang tita kaya ayon sa sobrang bait pinalayas siya. Bait talaga sobra. Pero bago siya pinaalis kinuha muna ang lahat ng pera niya. Ang galing. Pangatlo, dahil wala na siyang pera, wala siyang matitirahan. Walang pambili ng pagkain. Magiging palaboy na siya. Pero at least magiging magandang palaboy siya. Hindi ordinary. World class na palaboy. Sorbang naiinis talaga si Stella. Kaya ng makita siya ng batong magkadikit sinipa at tinapak-tapakan niya pa iyon. Pero hindi pa rin talaga siya makuntento kaya pinulot niya ang bato at tinapon iyon sa ere. "Aray! Sino ba yung nambato?!" Sigaw ng kung sino. "Kapag talaga malaman ko kung sino ka. Humanda kana sa akin!" Kinagat niya ang daliri matapos tumingin sa kanya ang lalaking malaki ang katawan na natamaan ng bato na inihagis niya. Sobrang laki ng muscles parang si hulk! Malaki ang muscles siguro maliit ang ano niya...... Iyon naman talaga diba? Kapag malaki ang muscle, malamang sa malamang maliit din ang ano... Tinuro siya ng magjowa kanina na sinigawan niya. "Siya po kuya ang nambato." "Patay....." Aniya saka mabilis na tumakbo sa kung saan. Parang naging flash siya dahil sa bilis. Nakakailang hakbang palang siya ng maalala ang naiwan niyang bag kaya binalikan niya muna iyon. Buwiset na mag jowa! Maghiwalay sana kayo! "Hoy! Babae!" Ani ng lalaki na sinundan siya sa pagtakbo. "Kapag naabutan kita lagot ka talaga sa akin!" Bilis! Bilis! Stella takbo! Utos niya sa sarili. Kapag talaga naabutan tayo ng lalaking iyan tiyak na masisira ang maganda natin mukha. Lumiko siya sa daan kung saan maraming tao. Nakasunod pa din ang lalaki sa kanya. Nakasunod pa rin! Grabe talaga ganda ko. Hinahabol-habol. Well, kahabol-habol naman talaga ako. Hindi ko din masisisi si kuya Hulk. "Hoy! Tumigil kana kakatakbo!" Hingal na sigaw ng lalaki na natamaan niya ng bato kanina. "Ayokooo! Hindi ako titigiiiiil!" Balik niyang sigaw habang tumatakbo pa rin. "Kapag tumigil ako, maabutan mo ako! Kapag naman maabutan mo ako, bubugbugin mo ako! Kapag binugbog mo ako, masisira mukha ko!" Hinihingal na siya. "Kapag nasira mukha ko, papangit ako! Kapag pumangit ako, made-depress ako! Kapag naman na despress ako, mamamatay ako! Ayoko pang mamatay kaya hindi ako titigil!" Halos maubusan siya ng hininga dahil sa sigaw. "It's a nooooo! Me. No. Stop. Running." Mas binilisan pa ni Stella ang pag takbo. Lumiko siya sa lahat ng pwede niyang malikuan. Hingal na hingal na siya. Tanginang buhay naman to! Letche naman! Ayoko nalang talaga maganda! Palagi nalang akong hinahabol. Muntik pa siyang matumba dahil bigla nalang napigtas ang tsinelas niya sa gitna ng pagtakbo. Pinulot niya agad iyon at nagpatuloy sa pagtakbo. Isang paa nalang siya ang may suot na tsinelas. "Pakshet! Ngayon kapa talaga naputol!" Nilingon ni Stella ang lalaki na humahabol sa kanya. Medyo malayo na ang naging distansiya nila. Nang makakita siya ng parking lot doon siya dumaretso ng tumakbo. Nagtago siya sa likod ng isang maganda at itim na kotse. Sinilip niya ang lalaki na tinamaan niya ng bato at nakita niya itong dumeretso lang sa pag takbo. Itinukod niya ang mga kamay sa tuhod. Habol pa rin ang hininga. "Gago! Para akong sumali ng fun run. Hindi naman pala fun ang tumakbo. Tanga lang ang nagpa-uso no'n." Lumabas siya sa pinagtaguan na kotse. Tiningnan niya ang sirang tsinelas. "Bakit ka naman bumitaw, babe. Akala ko ba stay strong tayo? Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa amoy ng paa ko?" Kung siguro may nakakarinig at nakakakita lang sa kanya iisipin na nasisiran na talaga siya ng ulo. Sinipat niya ang buong lugar. Malaking parking lot iyon at puros mga mamahalin din ang sasakyan na naka park doon. Nadagdagan na naman tuloy ang problema niya. Hayst naman talaga. Nilisan niya ang parking lot. Tumutulo ang pawis niya dahil sa pagtakbo. Doon niya lang napagtanto na isang hotel pala ang napasukan niyang parking lot. Hindi niya kasi iyon napansin dahil sa pagtakbo. Ngayon, hindi na alam ni Stella kung saan siya pupunta. Hindi niya matawagan ang kaibigan dahil wala siyang dalang cellphone. Kasama iyon sa kinuha ng tita niya. Kung alam niya lang na ganito pala mabuhay ang mga magaganda edi sana nag-ipon na siya para naman napaghandaan niya ang araw na 'to. Pero at least kahit mamatay man siya, maganda pa rin ─ "Mamaaaa!" Sigaw ng kung sino. Inilibot niya ang paningin at natagpuan niya ang isang batang tumatakbo papalapit sa dereksyon niya habang may mga taong humahabol dito. Nakasuot ang bata ng cute na tuxedo. Nasa dalawa o tatlong taon palang ang bata tantsa niya. "Mamaaaa....." Ani ng bata habang nakadipa ang kamay nito at tumatakbo patungo sa kanya. Ako? Mama? Hala beh! Wrong information ka ata! Mabilis na yumakap sa binti niya ang bata ng makalapit ito sa kanya. "Mama. Carry mo ako." Umiiyak na ito. "Mama..." Nataranta si Stella. Shocks! Palaboy na nga ako magiging nanay pa ako ng wala sa oras. Grabe namang parusa 'to, Lord. Ganon po ba ako kaganda para maging ganito ang life ko? Lumuhod si Stella para pantayan ang bata. "Beh, hindi ako ang mama mo. Tambay lang ako dito. False alarm ka lang." The kid was actually cute. Medyo kulot ang buhok nito. Namumula din ang ilong at mga mata nito. Dahil siguro sa pag-iyak. Yumakap sa kanya ang bata saka siniksik nito ang mukha sa leeg niya habang umiiling. "No... Ikaw ang mama ni Andew...." Magsasalita pa sana si Stella ng makarinig siya ng pagkasa ng kung ano. Iniangat niya ang paningin at halos lumuwa ang mga mata niya dahil maraming baril ang nakatutok sa kanya. Mabilis niyang yinakap ang bata sa bisig niya at tumalikod ng bahagya, takot dahil baka maputukan iyon. Hindi siya takot kung matamaan niya ng bala, pero kawawa naman ang bata. "Hoy! Gago! May bata dito!" Sigaw niya sa limang lalaki na nakatayo sa harap niya na may hawak na baril. "Ibaba niyo 'yan. Baka pumutok. Attempted murder yang ginagawa niyo! Sige! May mga CCTV dito makukulong kayo!" Humakbang ang isang lalaki. Nakatutok pa din ang baril sa kanya. "Let go the young boss. Then you're good to go." Anito sa malamig na boses. Napaisip siya. Young boss....? Ang batang 'to! young boss?! Mayaman si bagets?! Swerte! Kidnap for ransom na 'to! Magkakapera na ako! "No! Hindi! I will..... I will not, you know...." Gago! Bakit hindi ako makapag english! Hindi ako dapat magpatalo. Nag-english siya kaya mag-e-english din ako. Bahala na kung wrong spelling este wrong grammar, basta english! "Me not giving your young boss!" Yoownn! English 'yun! Binalingan ng lalaking englishero ang iba pa na kasama nito. "Take the young boss. Now." Lumapit naman ang dalawang lalaki at sinubukan na kunin ang young boss daw kuno nila, pero mas lalong lumapit sa leeg niya ang bata. Kaya sumuko na ang dalawang nagtakang kunin ang young boss nila. "Noooo! Mama! Mama! Mama!" Nagsimula itong umiyak. "I'll go with mama! Mama only!" Tiningnan niya si Mr. Englishero. "Ayaw sumama sa inyo. Baka naman hindi kayo kilala. Baka kayo yung nangunguha ng bata tapos binibenta niyo ang mga lamang loob!" Tumunog ang cellphone ni Mr. Englishero. "Sir... Yes... Yes.... He's safe.... Copy that, sir..." Binaba nito ang tawag saka sinulyapan siya. Huminga ito ng malalim bago tiningnan ang mga alipores niya. "Take the the young boss...." sumulyap ulit sa kanya. "...and the lady." Ang mga alipores ni satanas ay mabilis siyang pinasan. Pinagtulungan siyang buhatin. Dalawa ang nakahawak sa paa niya at dalawa naman ang nakahawak sa balikat niya. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil karga niya din ang bata na nakadapa sa dibdib niya. "Hoy! Saan niyo ako dadalhin? Bitawan niyo si me!" Protesta niya. "Wala kayong makukuha sa akin! Hindi niyo mapapa kinabangan ang lamang loob ko! Damage na ang atay ko! May sakit din ako sa puso, heart broken kasi ako!" Patuloy niyang sabi pero hindi lang nakinig si Mr. Englishero sa kan'ya. "Hoy! Pogi! Makinig ka nga!" Gusto niyang magpumiglas pero hindi niya magawa dahil karga niya ang bata. "Mr. Englishero! Humanda ka talaga sa 'kin! Uupakan talaga─" May nag takip sa bibig niya. "Mama, you're noisy..." Inosenteng turan ng bata. "Sakit tenga ni Andew." Umirap siya. Akala ko magiging swerte na ako. Mas minalas pa pala ako lalo. Ipinasok siya sa backseat ng kotse na pinagtaguan niya kanina. Halatang mayaman ang may-ari dahil mabango ang loob. Umupo sa hita niya ang bata. "Mama. Sama ikaw, Andew, ha? Sa house lang ikaw ha?" "Andew ba pangalan mo?" Tanong niya. "Pangit naman." "Andrew. It's his name. He just can't pronounce it properly." Inirapan ni Stella si Mr. Englishero. "Saan niyo ba ako dadalhin?" Ang gago hindi siya pinansin. Sira ata utak nito. Sumasagot kahit hindi naman tinatanong, pero kung tinanong mo hindi naman sasagot. Isinandal nalang ni Stella ang likod sa backrest upuan at agad naman yumakap si Andrew sa kanya at siniksik nito ang mukha sa leeg niya. "Amoy pawis ako..." Aniya sa bata. "Mama, smell good." May pa tsansing pa si bagets kaya hinayaan nalang ni Stella ang bata. Sinulyapan niya sa labas ng kotse. Mukhang siya pa ata ang magiging biktima ng kidnapped for ransomed. Hayop na buhay 'to. Mukhang nakidnap na nga magiging instant mommy pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD