Episode 6: Ang Aking Tuntunin

1225 Words
Ang tuntunin ko kasi sa pagi-imbak ng sikretong impormasyon ay napaka-simple. 1. Kailangang naka-disconnect sa iHive. 2. Sa file name ko isinusulat ang sikretong impormasyon at hindi sa loob ng mismong dokumento. 3. Piling impormasyon lang ang kailangang maiimbak. Dahil nga sa file name ko ito ine-encode at hindi sa loob ng mismong document. 4. May super archive compressor ako na kayang mag-compress hanggang zero (0) bytes na hindi kayang i-detect ng iHive. 5. At yung virtual lock ng pintuan ng aking silid ang siyang nagsisilbing cloak'. Ito ang nababasa ng iHive na apat pa rin na partition ang nasa loob ng isipan ko. 6. Nadedetect ng iHive na nearly full ang last partition kaya isa rin ito sa dine-defrag. 7. Pero ang totoo dahil hinati ko ito sa dalawa, yung patition kung saan ang secret room ko ay hindi nade-defrag. 8. Sa oras lang namin ni Master Lurroy ko nagagawa ang pagi-imbak sa secret room ko, at naga-upload din ako sa kanya. Ni-review ko uli ang tuntunin ko. Yung tungkol sa virtual lock ay alam na ni Master Lurroy, pero yung super archive compressor ay ngayon pa lang nya malalaman. Posibleng mamayang gabi pagka-inom ko ng pills, paghiga sa iBed, at pag-defrag ng A-eyegear ko sa aking isipan ay kasama nang maaalis ang super archive compressor ko. Kaya tumulo ang luha ko. Pamilyar ang emosyong iyon pagkat itinala ko ang karanasang ito sa aking secret room kasama ng isang impormasyon ni Vanna. Sabi nya; hindi lahat ng pagtulo ng luha ay dulot ng sakit ng damdamin. Minsan ito ay dahil sa galak. Napansin ito ni Master Lurroy. Bagaman nakapinid ang palibot ng aking mata, ay meron itong butas bilang labasan ng luha. May mekanismo din ito sa loob na pinanatiling 100% na malinis ang aking mata. Hindi pa ako nagkakamuta kailanman dahil dito. "Anong dahilan ng pagtulo ng luha mo?" Nag-notify ang headgear ko na ako'y lumuluha, na nakuha naman bilang signal ng headgear ni Master. "Master, ngayon pa lang ay masakit na sa akin na ma-detect ng iHive mamayang gabi ang super archive compressor ko. At natatakot din ako dahil isinikreto ko ito sa inyo. Natatakot akong maparusahan ng pinakamabigat." "Wag kang mag-alala at ire-revise ko iyan sa abot ng aking makakaya. Kung tapos mo na, ay i-upload mo na sa akin. Mamayang gabi ko yan pag-aaralan. Pero binabalaan na kita, na alam mong pati ako ay ginagalugad ng iHive. Kasama rin ako na parang bakang ginagatasan ng karunungan." Naghalo halo ang emosyon ko; saya, lungkot at takot. Isang emosyon lang ang kaya kong ipakita sa lahat ng iyon kundi ang pagtulo ng luha. Hindi na ako umaatungal o humihikbi pag nakadarama ng sakit kagaya nung pinarurusahan pa ako sa lunod at kuryente. Parang sanay na rin kasi ako sa mga iyon. Pagka-upload ko ng in-encode na tuntunin ay agad nagpadala ng signal sa iHive si Master Lurroy para sabihing tapusin na ang personal level communication (PLC) patch. At ihain na ang next objective para sa akin. At nag-notify na ang headgear ko na online na uli ako. Pero bago yun ay binigyan ako ng digital certificate ni Master Lurroy na ang mga inappropriate information na nasa aking isipan ay bahagi ng pagaaral namin ngayon. Kaya hindi ako makatatanggap ng anumang parusa dahil dito. Bumukas na ang iDoor, nagpaalam ako at lumabas ng bulwagan. Pagkalabas ko ay dumating na ang objective ko. 9 am na at dapat ay makapag-iBowl ako ng 10 am. 15 minutes ay dapat nasa iRestroom (iRR) na ako. Tamang tama naman na walang gumamit ng iVessel na naroon pa rin malapit sa bulwagan. Sa 15 minutes na lulan ako ng iVessel ay makakapag-back up ako ng aking mga secret information. At mamaya sa iBowl ay magagamit ko na ang bagong program sa aking A-eyegear galing kay Linno. Ang totoong tuntunin ko sa pag-iimbak ng mga bawal na impormasyon ay ibang iba sa ibinigay ko kay Master Lurroy dahil nga hindi ko siya pinagkakatiwalaan ng lubos. Ang partition na gawa ko at ang secret room na likha ko, ang file cabinet at ang mga laman nito ay isa lamang malaking decoy. Alam kong kaya itong sirain ng iHive balang araw. Ang mga sikretong data ko ay nakahalo lang talaga sa dalawang naunang partition na puno na. Si Linno ang nagturo sa akin nito dahil natuklasan nya ang isang ancient file na may file extension na .txt. Maaari kang maglagay ng practically unlimited data dito. Pagkatapos ay meron itong attribute na pwede mo syang i-hide. Hindi sya nade-detect ng iHive dahil ang kilala lang nitong extension ay .ihhd. Ang .txt ay masasabi naming pinakamalaking loop hole ng buong sistema ng iHive. Sinasadya ko rin na mag-iwan ng fragment ng mga bawal na impormasyon sa file format na .ihhd. Yun yung binubura ng pills at iBed at A-eyegear. Decoy ko rin yun para i-feed ang iHive na nagtatagumpay sila sa pagsira ng mga karanasang hindi nararapat. Akala ng iHive ay nagtatagumpay silang agawan ako ng sariling isip araw araw. Ginagawa ko ang pagsasaayos ng mga totoong sikretong impormasyon kapag ganitong paalis na ako sa bulwagan ni Master Lurroy habang lulan ng iVessel. Di ko na kailangang ipasok sa mga file cabinet ang mga .txt files ko na nasa iba't ibang partition. Apat ang orihinal na partition na ang iHive ang may gawa. Ito ang partition A, B, C at D. Ang partition D ay hinati ko, na lamang ang partition E. Sa 100% capacity ng partition D ay nag-iwan lang ako ng 10% dito, at 90% ang napunta sa partition E kung saan naroon ang secret room o secret archives ko na pawang decoy ko lang. Ang totoong mga sikretong impormasyon at kaalaman ko ay nasa format na .txt at sa loob ko ine-encode ang lahat ng mga magagandang karanasan at lihim na karunungan. Lahat ng .txt files ko ay may file name na kumbinasyon lang ng _ at . (underscore at dot). _.txt = lahat ng personal level na karanasan __.txt = lahat ng personal level na karunungan ___.txt = lahat ng personal level na skill set ____.txt = lahat ng unpublished na program na gawa ko _____.txt = back up coding program ng super archive compressor ko ._.txt = back up coding program ng virtual lock .__.txt = ongoing project na coding program para makagawa ng sariling iHive server. Ganyan ang mga halimbawa ng mga secret files ko na nasa .txt file format, marami pa yan. Ang problema lang sa ganitong format ay hindi ko sya mailagay as long term memory. Tuwing bubuksan ko lang siya ay dun ko nare-recall ang mga impormasyong naka-encode dito. At lagi kong binubuksan ang _.txt; dito ko iniiimbak ang mga sari saring emosyon na ipinagkait sa akin ng iHive. Kaya kapag paalis na ako ng bulwagan ni Master Lurroy at nakalulan sa iVessel dito ako humahagulhol ng iyak, at pumapalahaw ng tawa. Pagka-sara ko ng .txt ay makakalimutan ko na uli ito sa ilang sandali. Kaya patuloy kong ginagawa na rin dito ang project kong exe file program na magpapaandar ng mga .txt file at maging working memory ang mga impormasyong inilagay ko sa mga .txt files ko. Lumipas ang labinlimang (15) minuto at narating ko na ang iRR. Sariwa pa sa alaala ko ang mga impormasyong nabasa ko galing sa mga kaibigan ko, at ang bagong program ng A-eyegear galing kay Linno. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD