Pagkaupo ko sa iBowl ay gumana agad ang bagong program ng A-eyegear. Nag-sleep mode nga ito. Walang notification tungkol sa pag-disconnect naman nito sa iHive. Nagliwanag na lang uli bigla ang screen sa loob ng headgear ko at may lumitaw na patch na nasa personal level. Hindi na ako nagdalawang isip at pinindot ang link gamit ang gesture ng mata ko.
//Kanna... Kanna.... Naririnig mo ba ako? Magsalita ka sa isip mo at magiging text-to-speech sya gaya ng naririnig mo//
May pagka-robotic o unnatural ang boses na naririnig ko, pero nakapagdulot iyon ng saya sa aking puso. Bagong karanasan ito at isa na namang kalayaan.
//A-ako ito s-si Kanna. Kamusta kayo?//
Mautal utal kong sinubukan ang panibagong paraan ng pakikipag-ugnayan. Sinabi ko nung una, na wala akong konsepto ng pamilya, at pakikipagkapwa tao, pero buhat noong magsimula kong maranasan ang pagpapadala sa akin ng mensahe gamit ang pagkikiskis ng iJumpsuit ay agad ko yung iniimbak sa mga .txt files ko. Kaya habang naka-patch ako ay sinubukan kong buksan ang _.txt ko para mag-transcribe ng panibagong karanasan na ito.
//Kanna, ako ito si Linno. Narito na rin sina Danna, Vanna, Dinno, at Kinno.//
Yung iRR kasi na iyon ay may walong iBowl; at ang iRR na ito ay kami lang ang maaaring gumamit. Yung dalawang bakante ay sa dati naming kasamahan na na-promote na sa Level 3; sina Binno at Yanna. Nasabi ko rin nung una na wala akong konsepto ng gender at walang konsepto ng kasarian ang pinaiiral ang iHive at bawal ito. Pero naiintindihan ko na, na sa pangalan pa lang ng isang tao ay alam mo na kung babae ito o lalake. Pero hindi ko pa lubos maunawaan ang pagkakaiba ng babae at lalake. Si Master Lurroy lang ang kilala kong lalake dahil sa kanyang boses na malalim. Buti at hindi iyon sine-censor ng kanyang A-eyegear habang nagu-usap kami sa personal level. Kaya may idea na ako kung ano ang lalake; sa boses at pangalan. Sa babae naman ay sa pangalan lang ang alam ko.
//Kanna, may isa uli akong patch na ipapadala buksan mo agad.//
//Party patch?
Binuksan ko ito at may lumabas na anim na mini screen sa loob ng A-eyegear ko na may mga pangalan ng kasama sa party patch na yun.
//Kanna, dahil ako ang gumawa ng program na ito ay ako na rin ang magsisilbing host, server, moderator at admin. Ako lang ang may linya na kayang magsalita sa anumang sandali. Kayo ay nasa 'push-to-talk' mode. Ibig sabihin, para marinig nyo ang mensahe o pagsasalita ng bawat isa, ay kailangan ninyong pindutin ang screen nila pag ito ay nag-kulay green. Ibig sabihin ay may mensahe na sila na pwede mo nang marinig. Kapag puti naman ay wala pa itong mensahe. Hindi ko pa tapos ang program para lahat tayo ay kagaya ko nang realtime talk; aayusin ko pa ang lahat.//
Green na ang mga screen nina Danna, Vanna, Dinno, at Kinno. Yung kay Linno ay nananatiling green lang. Pinindot ko ang kay Danna.
//Kanna, kamusta? Masaya rin ako ng nararamdaman dahil sa bagong karanasang ito. Nakapaninibago. Hindi pa ako sanay. Parang mas madali pa rin yung pagkikiskisan ng iJump kasi nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin ng hindi nagkakamali. Dito kasi hindi ka pwedeng mag-backspace. Nae-encode agad ang mga sinasabi ko sa isip//
First time kong makarinig ng boses ng babae. Pero alam kong unnatural o manufactured lang ang boses na yun. Pero talagang dinama ko ang pakikinig sa kanya.
//Kanna, ako pa lang ang naririnig ninyong lahat pag nagsasalita. Ako pa lang ang realtime ang talking time. Ako ay laging naka-shoutout. Kayo ay nasa private messaging. Sa susunod na update ko ay tiyak lahat tayo ay pwede nang makapagsalita in realtime.//
Pinindot ko naman ang kay Vanna.
//Kanna, wag mong kalilimutan ang tungkol sa bagong iJump at mga accessories nito na ilulunsad na next week. Ikaw lang at si Linno ang may kakayahan sa programming. Kami nina Danna at Vanna ay sa Medisina lang nakatuon. Pareho kaming nasa gabay ni Master Orly. Sina Dinno at Kinno ay sa pagdi-disenyo ng mga mekanismo ng maraming bagay na gamit natin.//
Sunod ay ang kay Dinno
//Kanna, sa susunod na buwan naman ay ilulunsad ang bagong disenyo ng A-eyegear; at baka pasimplehin na ang pangalan nito bilang iHeadgear o iHead. Kasama kaming dalawa ni Kinno, na nagdisenyo sa proyektong ito. Ite-test ito sa makalawang linggo. Babalitaan ko kayong lahat.//
Si Kinno naman, pero nag-interrupt muna si Linno.
//Kanna, nakalimutan ko lang sabihin na pwede ninyong i-copy at paste ang mensahe nyo at i-send isa isa sa mga miyembro ng party patch na ito. Basta sa lalong madaling panahon ay ia-update ko ito. Nananabik na akong makausap kayo in realtime. Nakababagot ang ganitong klase ng pagu-usap!//
Yung pag-address ng Kanna o pangalan namin ay generated ng aming A-eyegear. Parang timestamp ito; syempre bahagi ng surveiilance system ng iHive. Miski si Linno ay hindi pa nya nagagawan ito ng paraan. Ang alam ko lang ay volatile ang manufacture speech namin na ito. Ibig sabihin sandaling sandali lang siyang nai-store as memory, o kaya ay parte lang ng random access memory (RAM). Dagdag pa na naka-disconnect kami mula sa iHive ay masasabing secured ang ganitong komunikasyon namin mula sa surveillance system. Sa oras na mag-online na uli ang A-eyegear matapos ang pagbabanyo namin ay mabubura din ang mga mensaheng pinagsaluhan namin sa party patch.
Itutuloy...