Episode 5: Si Linno at Master Lurroy

1129 Words
//Kanna, mukhang hindi mo pa natutuklasan na may partition ang iBowl, at yun ang kauna unahang kagamitan na merong prototype ng nano iHive. Isang command lang ang sinusunod nito at walang iba kundi ang hygiene natin sa ating likuran at harapan! Yun lang! Baguhin mo ang program ng A-eyegear kung may panahon ka. O kaya buksan mo yung huling mensahe na manggagaling kay Linno. Installer na yun na naka-supercompressed sa archive file. Aabutin ng tatlong (3) minuto para ma-unpacked at ma-install siya kaya gawin mo kung may oras ka. Babaguhin nun ang program ng A-eyegear, na sa tuwing nagsha-shut kapag gumagamit ng iBowl, imbis na 'sleep' at naka-connect pa rin sa iHive ay ang mangyayari ay magdi-disconnect talaga sya pero 'sleep' pa rin ang basa ng iHive.// Pagkatapos ko sa huling mensahe ay Delete-Next agad na walang patumpik tumpik. Nag-simula naman na mag-unpacked ang sunod na mensahe mula kay Linno, at na-install ko ng maayos ang program. Isang minuto bago makarating sa destinasyon ay nag-initialize na ang A-eyegear para muling kumonekta sa iHive. Lumapag malapit sa pintuan ng bulwagan ni Master Lurroy ang iVessel. Pagkalabas ko ng iVessel at tumapat sa pintuan ng bulwagan ay kusa itong nagbukas gaya ng lahat ng pintuan sa buong compound. Nagre-retract ito pataas gaya ng pinto ko sa capsule. At dahil objective ko na makasalamuha si Master Lurroy, alam ng iDoor na yun, na ako lang ang maaaring pumasok sa bulwagang iyon kasama si Master Lurroy. Kung mapapansin ay merong "i-" sa unahan ng mga pangalan ng mga bagay bagay dito. Mula ito sa salitang internet at intranet. Pagkat nagko-communicate ang lahat ng bagay dito sa workstation para kolektahin ang datos at impormasyon sa mga indibidwal o tao. Sa madaling sabi ay isang surveillance network system. Ang iHive ay nagfa-farm ng mga impormasyon mula sa aming mga nabubuhay dito sa loob ng workstation. At sa pagpasok ko sa bulwagang iyon ay siya ring pag-disconnect ko sa iHive at magsimulang makipagusap kay Master Lurroy sa personal level. Nakuha ni Master Lurroy ang tiwala ko, pero hindi ko sa kanya kailanman ibinahagi ang diary ko. Magaan ang loob ko sa kanya at napo-proseso ng malaya ang mga impormasyon sa aking isipan. Siya ang nagturo sa akin kung paano gumawa ng secret room sa isipan ko na hindi nade-detect ng iHive. Bagaman ganun kalaki ang tiwala ko kay Master Lurroy ay naglaan ako ng kaunting pag-iingat. Parte pa rin sya ng iColony o iWorkstation o kaya ay iComplex Hive na kabuuang gusali na ito; na kailanman ay di pa ako nakalalabas. Nasa level 1 pa lang ako ng iComplex building na ito. Isa itong palapag sa kailaliman ng lupa. May level 0 kung saan ako galing buhat ng isilang hanggang matapos ko ang basic compulsary education ko sa gulang na siyam (9). iEducation-0 ang tawag dun. At eto ngang nasa Level 1 na ako ng palapag ay iEducation-1 na ang level ng aking edukasyon at karanasan. Ang susunod ay ang palapag na nasa taas nitong Level 1. iEducation-2 naman yun. Wala pa akong ideya sa Level 3, 4 etc. Sa personal level na paguusap namin ni Master Lurroy ko ito natutuklasan. Hindi gaya sa paraan ko ng pakikipag-komunikasyon kina Danna, Vanna, Dinno, Kinno at Linno na sobrang pormal at straight to the point, ay mas kaswal ang pag-uusap namin ni Master Lurroy. Hindi ko pa nakakausap ng verbal ang mga itinuturing kong kaibigan; si Master Lurroy pa lang. Pero miski kaharap ko si Master Lurroy ay hindi bumubukas ang nakapinid sa aking ilong at bibig. May mga vent lang o butas na daluyan ito ng hangin na nagbubukas at nagsasara. May airconditioning din ang kabuuang headgear kong ito kaya presko siyang suot ko. Parang nakalutang sa kutis ng mukha ko ang A-eyegear dahil siguro sanay na ako. Parang parte na syang natural ng ulo ko. Pwera sa iGoggle sa aking mata na ramdam kong artipisyal na ipinilit sa paligid ng aking mata. "Kamusta, Kanna?" "Mabuti naman Master. Kayo, kamusta, Master?" "Mabuti rin naman ang lagay ko. Kagabi bago ako matulog ay pinag-aralan kong uli ang mga thesis mo at talagang namamangha ako. Napakagaling mo sa programming gaya ni Linno." Hindi ko alam kung alam ni Master Lurroy na nakakausap ko si Linno sa secret communication namin ng aking mga kaibigan kaya hindi ako umimik. Baka kasi hinuhuli nya lang ako. Kaya hindi ako umimik hangga't hindi nagsasalitang muli si Master Lurroy. "Ah! Hindi mo pa ba nakikilala si Linno?" "Maaaring nakakasalamuha ko, pero sa gabi ay binubura ng pills ang marami sa alaala ko bawat araw. Ang itinitira lang ay kaalaman na magagamit ko." "Pero hindi ba't may sikretong kwarto ka na sa iyong isipan? Hindi mo ba doon iniimbak kahit man lang ang mga pangalan nila?" Ang totoo ay may profile ako ng bawat nakakasalamuha ko sa pagkikiskisan. Sila mismo ang nagpadala ng buong detalye nila at kinompres ko rin yun gaya ng diary ko. PROFILES.ihhd, zero bytes din ang lumalabas na file size nito. "Ayaw kong mangahas na mag-imbak ng mga ganoong impormaayon pagkat baka lumaki lamang ang file size nito at madiskubre ng iHive. Ayaw ko nang makaranas ng mga parusa.", paglilihis ko ng aking sagot. "Naiintindihan ko. Ngayong araw ay nais kong gumawa ka ng isang tuntunin kung paano makapag-iimbak ng impormasyon sa iyong sikretong silid sa iyong isipan tungkol sa mga personal level information gaya ng mga nakasasalamuha mo." "Pero, hindi ba't ipinagbabawal ang anumang uri ng pakikipag-kapwa tao? Bawal yun ng iHive at maparurusahan ako." "Hindi ba't ang pakikipag-usap mo sa akin ay isang pakikipagkapwa-tao? Personal level tayo kung magtalastasan." "Pero buburahin lang uli ito ng pills sa gabi. Bukas kilala lang kita bilang panibagong objective ko." "Yan ang kailangan mong matutunang gawin kung paano mo iiimbak ang karanasang ito aa iyong sikretong silid sa iyong isipan. Kaya nga ang kurso mo sa akin ay Metacognition. Paano mo ipo-proseso ng mas malalim, epektibo at nananatiling sikreto mula sa iHive?" "Master, ang tanging pagkakataon ko lang ay sa tuwing magu-usap tayo, pagkat ito lang ang oras na naka-disconnect tayo sa iHive at nakapaguusap sa personal level." "Kaya nga simulan mo na habang may oras ka pa. Iyan ang exercise mo ngayong araw. Hindi mo ako makakausap ng dalawang araw simula bukas, at tutungo ako sa Level 0." "Anong gagawin ninyo doon, Master?" "Hindi ko masyadong ide-detalye ang tungkol sa pagpunta ko doon, pero nagsasanay din ako ng maga-aral sa palapag na iyon." Magu-usisa pa sana ako pero humigpit ang pananalita ni Master Lurroy sa akin, na simulan na ang paggawa ko ng tuntunin sa pag-iimbak ng sikretong impormasyon sa sikretong silid. Sinimulan ko, pero binago ko at hindi nagpakatotoo sa nalalaman kong tuntunin. Palagay ko ay hinuhuli nya ang tungkol sa bug ng iVessel, iBowl at iba pang mga bagay. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD