Episode 4: Ang iVessel at sikreto ng iBowl

1021 Words
Natuklasan ko ang isang butas sa system ng A-eyegear at iVessel kaya lagi kong gustong sumasakay dito. Kapag nagcha-charge kasi ito at sabay namang lumilipad ang iVessel ay temporarily ay nadi-disconnect ito mula sa iHivehyperdrive (o iHive). Yun ay isang virtual storage at main server na rin kung saan napupunta lahat ng impormasyon na galing sa mga indibidwal o tao at ito ay pino-proseso. Ang may pakinabang na impormasyon ay naiimbak dito, at ang mga walang silbi ay permanently deleted. Kapag nadi-disconnect ang A-eyegear ay walang anumang notification. Siguro isa ito sa mga hindi napapansin o nakalimutan na nilang ayusin mula sa ICT department. Kaya nagiging personal level ang security patch ng aking A-eyegear at doon ko natutunang gumawa ng virtual na pinto na may silid, at dun ko inilalagay ang mga nagagawang likhain ng sarili kong isip at mga impormasyong natutuklasan ko, na wala sa mga itinuturo ng module sa aking headgear. Hindi pa ganoon kaperpekto ang Republic Technocracy na tinatawag. Base ito sa socialism at communism kalaunan; kung saan ang karaniwang tao ay sinusuplayan ng lahat ng kanyang basic needs mula sa gubyerno. Hindi ka pwedeng mag-forge ng sarili mong pagkain, o ang lumikha ng sarili mong kagamitan; o ang ma-entertain. "You own nothing but you will be happy" Anim na buwan na simula nang mag-umpisa akong mag-aral sa ilalim ni Master Lurroy sa kursong Metacognition. Hindi kayang ituro iyon ng A-eyegear at kailangan ng personal level patch. Ibig sabihin kailangan mong makipag-usap talaga sa isang tao para isalin sa iyo ang kaalaman. Sasalain na lang ito ng A-eyegear kapag nainom mo na ang pill sa gabi bago matulog. At kapag nakalapat na ako sa aking iBed; isa rin yun sa mekanismong nagpo-proseso at dini-delete permanently yung mga impormasyong mapangahas at maaaring mag-udyok sa akin para kwestiyunin ang nararanasan kong realidad at kalaunan ay tuklasin ito at labanan. Dine-defrag ng iHive ang mga nilikhang partition sa isipan ko. Para siyang mga file cabinet; doon napupunta ang mga nasasaulo kong mga impormasyon at skill sets at madalas ay naihahalo ko doon yung mga personal level information. Yun yung binubura ng pills (iPill), A-eyegear, at iBed. Kaya literal na lutang ako tuwing umaga. At eto nga't nasa iVessel ako at di nag-aksaya ng oras na buksan ang kwarto kung saan ko iniipon ang mga nakukuha kong impormasyon at mga likha ng sarili kong isip. Nandito yung uncensored kong mga fiction novels. Sa loob ng kwartong yun ay may mga file cabinet din. Maingat ako sa paggawa ng iba pang file cabinet at piling pili ang mga data na isisilid ko doon para hindi lumaki ang file size at pag-suspetsahan ng iHive ang partition na iyon. Apat na partition ang nilikha para sa akin ng iHive, at noong natututo na ako sa kurso ko kay Master Lurroy ay nakalikha ako ng thesis kung paano i-h****k ang isang partition, hatiin uli ito at pagmukhaing apat pa rin ang partition, pero ang totoo ay lima na. Nakalikha din ako ng thesis para sa virtual lock nito na hindi nade-detect ng antivirus ng iHive. Samakatuwid, ang buong nagawa kong ito ay isang supervirus. Ang mga thesis ko ay in-upload ko sa partition ni Master Lurroy, at siya ang nagpo-proof reading nito at lumikha siya ng kopya nito na mababasa ng iHive na hindi kasuspe-suspetya. Kapag naguusap na kami sa personal level patch ay naka-disconnect din kami sa iHive; kaya ito rin ang isa pang laya na natatamasa ko; at kaya rin may sipag ako at kagalingan sa pag-aaral. Habang nasa iVessel nga ako, ay binuksan ko ang mga isinend o in-upload sa akin na files nung mga nakakiskisan ko ng iJumpsuit nung binati ako kanina sa corridor. Lima lahat ng files na natanggap ko, na may file extension na .ihhd. Lahat ng files ng iHive ay ganito ang file extension mapa-document, audio, video at iba pa. Pero alam kong archive file ito basta na-transfer ito mula sa pagkikiskisan ng iJumpsuit Una kong binuksan ang file na DANNA.ihhd. //Kanna, kumpirmado na sa susunod na linggo ay babaguhin muli ang istruktura ng ating mga iJumpsuit. Sinasabing magiging halos permanente na itong nakasuot sa atin basta ma-maintain ang hygiene level sa ating balat hanggang 80%. Ang dahilan ay magastos ang pagre-recycle nito. Madaragdag na accesories natin ang iBelt, iHarness at iVest. Ang main function nito ay hygiene at magsisilbi na ring cooling o airconditioning sa ating balat. May mga iba pang detalye tungkol dito na si Vanna naman ang magu-ulat sa iyo// //Delete? //Next? //Delete-Next? Pinili ko ang Delete-Next na command para mabura agad ito at di na mahalo sa partition ng aking isipan. Natalastas ko naman ang lahat ng sinasabi ni Danna. Ibinuod ko ito sa mga salitang NEWJUMPNXTWK at isinama sa daily journal o diary ko. Cut and paste; saka ko kinompres ang DAILYKANNA.ihhd file hanggang mag-zero bytes. Isang minuto ang nagugol kong oras para i-proseso ang impormasyong ito mula kay Danna. //Kanna, dahil may bago na uling istruktura ang iJump, malakas ang hinala kong marami itong bugs na maaari nating samantalahin. Lalung lalo ang mga additional na accessories. Gaya ng A-eyegear natin ay malakas ang kutob ko na may mga sikretong partition ito na maaari nating pagtaguan ng mga personal level na mga impormasyon. May mga detalye pa ukol dito si Dinno. //Delete? //Next? //Delete-Next? Ni-revise ko naman ang naunang idinagdag kong impormasyon. NWJMPST_NWACCSSR_W_PRTTN (Next week jumpsuit new accessories with partition). Ni-rename ko at ibinalik uli sa diary. //Kanna, gaya ng A-eyegear na suot na natin buong buhay, itong mga additional accessories sa bago nating iJump ay para mas lalo pa tayong higpitan sa maraming bagay kaya malamang may independent na iHive server ito (nano, micro o kaya ay pico) na naka-program para lumakas ang kapasidad ng headgear natin na galugadin ng husto ang mga partition natin sa isipan. Marahil ay alam na rin nilang naaabuso natin ang mga hindi pa nila nakukumpuning bugs gaya sa LVSS at LBW (iVessel at iBowl) tuwing nagdi-disconnect ito.// NWJMPST_NWACCSSR_W_PRTTN_W_HV (Next week jumpsuit new accessories with partition with iHive). Ni-rename ko ulit at ibinalik uli sa diary. Bumukas naman ang mensahe ni Kinno pagka-compressed ko ng aking diary. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD