Episode 3: Ang iCapsule

1113 Words
Noong matapos ang short movie ay daily news naman; current events. Ayon sa balita ay naipadala na ang huling bahagi ng lunar station sa buwan; ang isang compartment na bubuo sa Lunar Laboratory Station. Ipinakita ang bahagi ng buwan na lagi nating natatanaw. Nasa isang maliit na creater sa buwan itinayo ang Lunar Laboratory Station ayon sa balita. Isa ako sa mga masasabi kong kabilang sa gumawa ng compartment na bahagi ng station na yun. Ako ang nag-program kung paano babalansehin ang air pressure, amount ng carbon dioxide at oxygen sa compartment na yun. Yun ang pinaka-thesis ko at project noong 9 years old ako. Ngayon ay 10 years old na ako, at isa nang working student sa GLC Aerospace Agency. Isa sa mga reward na natanggap ko ay ang Daily Living Capsule (iCapsule) na ito na nagsisilbi kong kwarto. Puti lamang ito na walang kadeko-dekorasyon. Tanging higaan (iBed), vanity mirror (iMirror) at cupboard (iWardrobe o iCabinet) nito at yung tube (iBathe) para sa pagliligo ang nagsisilbing muwebles ng kapsula kong ito. Walang CR dito para sa number 1 at 2. Availablle lang yun sa workstation. Medyo nakikiliti ang isip ko kapag kailangan ko nang gumamit ng banyo. Walang panlalake o pambabaeng restroom. Walang konsepto ng gender dito. Walang tabing ang mga iBowl sa loob ng restrooms (iRR). Pagkaupo mo roon ay magsha-shutdown na kusa ang iyong headgear, kaya wala kang makikita kung may kasabay ka mang gumagamit sa loob ng banyo. Ang iBowl ay may mekanismo na babalot mula sa iyong tiyan pababa, tutulungan ka nitong i-stimulate ang bowel movement mo para mailabas ang dapat ilabas. May parang hihiwa sa iJumpsuit ko sa kabuuan ng aking likuran at harapan; magagawa ko ang 1 at 2; mauunang linisan ang aking likuran habang parang may tumatakip sa aking harapan. Sunod at huli ay ang aking harapan ang lilinisin. Dito ko nararanasang makadama ng kakaibang sensasyon; dito ko nairaraos ang isa pa bukod sa 1; at binansagan ko sa isip ko ito bilang number 3. Isinulok ko uli yun sa natatanging kwarto sa isipan ko at mabuti ay hindi ito inuusisa ng aking headgear. Bawal kasi ang malalaswang kaisipan. Kapag nahuli ka ng A-eyegear ay maaaring mabawasan o wala kang rasyong pagkain. Maririnig mo mula sa iBowl na 100% hygienic ka na uli at walang anumang pathogens, o impurity. Ire-reinforce ng iBowl ang hiniwa nitong bahagi ng iJumpsuit. Magno-notify uli ang iBowl kung 100% vacuum sealed na ito. Saka lang kakalas ang mekanismong yumakap sa tiyan hanggang sa baba at mga hita ko. Nakaaapekto din sa aking pagbabanyo ang kinakain ko. Kaya isang beses lang sa isang araw ako gumagamit ng banyo. Ang pagkain na inirarasyon sa amin ay nasa anyo ng paste. Nasa tube paste ito (iFood) na kailangan mong konsumuhin sa isang kainan. Yun na ang nutrisyon mo sa buong araw; walang labis - walang kulang. Sinubukan ko minsan na huwag itong kainin at hinimatay ako; hindi pa man natatapos ang umaga. At dagdag doon ay pinarusahan pa ako na bawasan ang rasyon. Hindi maganda sa pakiramdam ang panghihina na yun ng katawan dulot ng pagtanggi sa pagkain. Nakadisenyo ang pagkain ayon sa taas, bigat at metabolismo. Ang bawat tube paste food supply ay hindi mo pwedeng ibahagi sa iba pagkat iyon ay para sa iyo lang na matatanggap ng iyong katawan. Masarap naman ang lasa nito parang alam din nila ang taste ko sa pagkain. Yun lang ang alam kong konsepto ng pagkain at wala nang iba. Syempre binubura ng pills at ng aking headgear ang iba pang nalilikha ng aking isip sa mga bagay bagay. Para naman sa paglilinis ng aking ngipin at loob ng aking bibig ay may iinumin akong tableta kasama ng kaunting likido. Bubula iyon sa loob ng aking bibig at iinit ng bahagya; pero kailangan ko itong lunukin kapag wala na ang pagbula, at susundan ko iyon ng pag-inom ng tubig. Nagawa ko na ang lahat ng bagay sa loob ng aking kapsula kaya maaari na akong lumabas dito. Nasa loob iyon ng mismong ahensyang pinapasukan ko kaya paglabas ko pa lamang ng pinto ay nasa workstation na nga ako. Ayon sa aking headgear ay kailangan kong puntahan ang aking instructor na si Master Lurroy, itinuturo ng aking headgear kung saan sya ngayon. Medyo malayo kaya kailangan kong humanap ng bakanteng iVessel. Walang pagkakataon na bumati ka sa mga makakasalubong mo pagkat ang bawat task na iniuutos ng A-eyegear ay may expiration. Dapat ma-meet mo agad ang objective na iyon sa itinakdang panahon o oras. 15 minutes ang itinakda sa akin ng aking piring - di pa rin ako makahanap ng iVessel sa paglalakad ko. Bagaman bawal ang pakikipag usap o anumang uri ng socialization ay meron pa ring nakapaglulusot ng mga gesture o kilos para bumati. Ang hindi nakikita at nauunawaan ng aming suot na headgear ay yung pagkikiskisan ng aming balikat o kaya ng braso. Sa ganung paraan ako binabati ng mga nakakapalagayan ko ng loob. Bawal ngumiti o kaya ay tumango; nahuhuli iyon ng A-eyegear. Hindi man direktang nagtatama ang aming mga kutis sa ganoong paraan ay yung force feedback ng aming iJumpsuit ay may kung anong sensasyon ang ipinadarama sa iyo. Bawal mong itapik o ihawak ang iyong iGloves sa ibang iJumpsuit, electric shock ang aabutin mo. Kaya alam ko kung sinong bumabati sa akin kapag nakakiskisan ko sa kaliwa o kanang balikat. Alam ko kung sino ang nakakiskisan ko sa itaas na gawi ng aking braso, o sa baba; sa kanan o kaliwa. Kasing tangkad ko kung sa balikat sa balikat ang pagkikiskisan. Kadalasan ay sila ang bumabati sa akin; sila ang kumikiskis. Wala akong konsepto ng pakikipagkapwa tao. At sa wakas ay nakakita na ako ng bakanteng iVessel. Isa itong magnetic levitation vehicle. Uupo ka rito na nakasandal na halos nakahiga at may sasarang wind shield.. Magko-command ang A-eyegear ko sa iVessel kung anong objective ko at kung saan ako ihahatid. Nagsisilbi na rin itong charger ng A-eyegear habang lulan ka nito. Pero ang charging ng bawat A-eyegear ay kahit saan at wireless. Lalo na kapag natutulog ka sa iyong iBed ay nagcha-charge ito. Ang iVessel ay aangat na mas mataas sa mga taong dumaraan. Mataas din ang kisame ng mga alleys at corridors ng station, kaya parang lumilipad ang iVessel at hindi ito maaantala ng mga taong naglalakad. Parang may invisible na riles ang mga iVessel kaya bago ito lumipad pasulong ay tinitiyak nito na clear na ang kabuuang destinasyon nito. Nagko-communicate ito sa lahat ng iVessel na nasa loob ng workstation namin. Swerte ko at nakagagamit ako dahil madalang na may binuburang unnecessary files sa aking isipan. Sampung minuto na lang ang nalalabi para makumpleto ang objective ko. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD