EZEKIEL POV.
"come in"
malamig kong sabe ng marinig ko ang katok at pumasok doon si Emma ang secretary ko kasunod doon si marcos ang kaibigan ko. Napa ayos ako ng upo ng makita ko si Emma.
"good evening sir pasensiya na sa abala but i just want you to know that ur offer has beed accepted by Ms. Veracase"mahabang sabe ni Emma
Nahagip ng paningin ko ang kaibigan kong nagsalin ng alak. Sumandal ako sa backrest ng upuan ko habang nilalaro ang labi. Nasa opisina ako ngaun habang tinitingnan ang papers na hindi pa na approvan.
"may i see their names?" sabe ko. tumango ito at kaagad binigay sa akin isang papel. Inagat ko ang paa ko at nilagay sa mesa. Binasa ko ang papel mula sa una hanggang sa..
"si Mr. Maguel (migz) Asuncion the photographer po, isang sikat po na photographer. Si Ms. Zoe Celestine Vercase naman po ang manager ng model agency sa paris together with her assistant Yna Gatchalian" Mahabang sinabe ni Emma.
Tiningnan ko ang pangalan nila at binasa kong mga profesional na ito. Tumango tango ako pero nag tagal ang paningin ko sa isang pangalan. Napaayos ako ng upo ng makita ko ito.
"si Ms. Samantha Alexandria Vercase naman po ang modelo" sabe nito. Natigilan ako ng maalala ko si..
D*MN IT!
Pinilig ko ang ulo ng maalala ko na naman ang babaeng un. Nagkatinginan kami ni marcos na nag kibit balikat lamang ito. Binalik ko ulit kay emma ang papel at tumango dito saka ngumiti.
"u may now leave!" malamig kong sabe.
Wala na akong balita sa babaeng yon. Wala na akong narinig tungkol sa kanya pero wala naman akong pakealam. Nagmamadaling umalis si emma,halos madapa ito sa pag mamadali.
Napasandal ko sa backrest at pumikit ng mariin habang hinihilot ko ang sintedo ko. Pagod na pagod ako buong araw dahil ang dami kong meeting na tinapos. Ilang araw na din akong nasa opisina dahil sa pagiging abala ko sa lalabas na mga jewelries at kong ano ano pa sa sm mall.
Kinuha ko ang alak ko at uminom. Napatingin ako sa kaibigan kong nakatingin lamang sa phone nito. Nag kibit balikat ako at hindi na pinansin. Nilapag ko ang basong merong alak sa mesa ko at nag simulang mag trabaho.
Si sofia na ang finacee ko ang taga pag mana ng perez real state. Nilipat na ni tita sa panganay nilang anak. Kinalimutan na nito ang babaeng un at hindi na binanggit sa limang taon. Pinadala ko na rin si austen sa kanila upang doon na tumira sa mansyon nila tita dahil sa tuwing makikita ko ang batang un ay naalala ko si sam.
D*MN IT!
"hi?"
Napatingin ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito at pumasok doon ang maganda kong fiancee na merong dalang paper bag na paniguradong pagkain. Ngumiti kaagad ako saka tumayo at sinalubong ito ng halik. Nawala ang pagod. I miss this girl.
"masyado kayong PDA,get a room man." tumawa kami sa sinabe ni marcos pero hindi namin ito pinansin. Hinila ko siya sa mesa para maka kain na ako.
SAM POV.
Pumasok kaagad ako sa airplane. Tinanggal ko kagad ang sunglasses ko saka sumbrero ng nakapasok na ako. Meron kaming kanya kanyang upuan at naka asayn yon sa bawat pasahero. Nilagay ko ang maleta ko sa uluhan namin bago ako umupo sa pinakadulong upuan. Nag hintay akong merong tatabi sa akin pero wala naman.
Pumikit ako, gusto ko nalang matulog para pag gising ko nasa pilipinas na kami. Naka pants ako at naka top habang naka snickers. Simple lang ang soot ko. Pauwi palang naman. Pinikit ko ang mga mata ko pero naimulat ko din ng merong biglang tumabi sa akin. Tiningan ko ito at tumambad sa akin si kairon na nanlaki rin ang matang nakatingin sa akin.
"s-suplada? i mean Ms. Samantha? Nice to see u again." malaki ang ngiti ito. Ngumuwi ako sa tumingin nalang sa labas ng bintana. Narinig ko ang sipol nito pero hindi ko pinansin. Nag simulang umandar ang airplane hanggang sa nakalipad na ito.
Nahagip ng paningin ko ang ibon at hindi ko maiwasang hindi makumpara ang sarili ko sa kanila. Buti pa sila malaya habang ako nanatiling naka kulong sa masamang nakaraan ko. Malayang malaya sila habang ako na pilit pinalaya ang sarili pero paulit ulit din akong kinukulong.
"uuwi ng pilipinas?" tanong ng katabe ko. Hindi ko ito sumagot dahil alam na nito ang sumagot. Kaya nga ako nakasakay sa airplane ng pilipinas kase pauwi na ako. Sumandal lang ako saka ako pumikit at hindi pinansin ang katabe ko.
Hindi na ako makapag hintay na makatapak sa pilipinas dahil didiretso ako sa anak ko. Kahit masilayan ko lang siya ng maayos. Kahit makita ko lang ito ng maayos saka ko siya kukunin pero bago yon aalamin ko muna kong saan na ang anak ko ngayon. Hindi na ako makapag hintay.
"pinaglihi kaba sa angry birds? kase laging kang parang galit tapoa hindi pa ngumingiti." sabe na naman ng katabe ko. Minulat ko ang mata ko at tingnan ito. Nakangisi ito, hindi ko alam kong anong sasabihin pero kalaunan ay hindi ko na pinatulan.
"shhh? natutulog pa yong tao e." nagising ako dahil sa ingay na yon. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at napagtanto kong nakatulog ako sa byahe. napatingin ako sa bintana at napangiti ako ng nasa pilipinas na kami.
"ayan tulog nagising." Napatingin ako sa taong nasa harapan namin at tumambad sa akin si tita zoe na nakangiti.
"welcome to the philippines maam/sir."
Lumabas kaagad ako sa airplane. Hindi ko na pinansin si kairon na meron ng katawagan sa phone. Pinadala ko kay Migz ang maleta ko. Halos gusto kong takbuhin ang NAIA palabas. Hindi na ako makapag hintay. Hindi na ako mapakali. Sinoot ko muna ang sunglasses ko habang nag lalakad kami palabas ng NAIA. Pinasok ni tita ang maleta namin sa machine. Ito na ata ang pinakamabagal na usad ko sa NAIA.
Nauna kaagad akong lumabas sa NAIA pagkatapos naming lumagpas sa guard. Hinagis kaagad sa akin ng isang tauhan ni tita zoe ang susi ng isang sports car. Pumasok kaagad ako bago ko ito pinahurot paalis doon kahit na narinig ko ang tawag sa kin ni tita. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Nangingilid ang luha ko habang nag mamaneho ako.
Umilaw ang phone ko dahil sa tawag ni Tita pero hindi ko pinansin. Dumiretso ako sa manyon namin. Sa bahay ng magulang ko dahil alam kong positibong andon ang anak ko dahil alam kong hindi inako ni kiel na anak nito si austen. Kumirot ang puso ko.
Habang palapit ako mas lalong kumalabog ang dibdib ko. Mas lalong umusbong ang kaba ko ng makita ko na ang bahay ng magulang ko. Huminto ako sa hindi kalayuan ng bahay. Nagmanman ako sa paligid at tiningnan ko ang gate nitong sarado. Tinggal ko ang seatbelt ko saka ako lumabas. Kumikirot ang puso ko ng dumaan ako sa gitna ng daan upang mapunta sa bahay. Dahan dahan akong lumapit sa malawak nitong gate. Walang nagbago ang mansyon na ito at walang pinagbago. Pinindot ang doorbell ng isang beses bago ako nagtago. Ilang sandali lumabas doon anh hindi pamiliar sa akin na katulong.
Lumabas kaagad ako at kaagad lumipad ang mata ng katulong sa akin. Bagong katulong dahil hindi ko ito nakita. Naka kunot ang mukha nito habang nakatingin sa akin na malapit.
"sino po sila?" Magalang na tanong nito. Huminga ako ng malalim.
"just relatives, saan ang mga tao dito?" Tanong ko kaagad.
"wala po dito maam, nasa bahay po silang lahat ni sir ezekiel" humigpit ang hawak ko sa phone ko bago ako tumango. Umalis kaagad ako at halos takbuhin ko ang distansiya ng kotse.
"ano pong kai--"
"Si austen?" pinutol ko ang sinabe nito. Huminto ako sa paglalakad ng tinanong ko ang tungkol sa anak ko. Matagal bago sumagot ang katulong.
"sinama po maam." kaagad akong tumakbo sa kotse at pumasok. Pinahurot ko ito ng mabilis. Gusto kong makita ang anak ko. Gusto kong makuha ang anak ko. Mas lalo kong binilisan ang pagmaneho dahil hindi na ako makapag hintay.
Kumalabog ang dibdib ko habang tinatahak ko ang pamiliar na daan patungo sa dati kong tinirhan. Halos habulin ko ang hininga ko habang nagmamaneho palapit. Huminto ako sa di kalayuan sa bahay. Mas lalo itong lumaki. Merong nagbago sa bahay. Ang pintura nitong puti ay naging itim, ang laki ng pinagbago. Hindi ko na pinansin yon. Lumipat ang mata ko sa gate na bahagyang naka bukas, gate ng garahe. Tumingin ako doon at alam ko kaagad na ang daming tao sa loob dahil nakikita ko ang mga kotse na nasa labas.
Hindi matanggal ang paningin ko sa bahay. Imposibleng makita ko ang anak ko. Kumikirot ang dibdib ko. Gusto ko lang masilayan ang anak ko bago ko ito kukunin sa mga kamay nila. Nakabukas ang garahe nila pero wala namang tao. Nasa loob parin ako ng kotse at wala akong choice kundi ang mag hintay na matapos kong ano man ang nasa loob. Gusto ko lang makita ang anak ko. Napayuko ako ng maramdaman ko ang kirot sa puso ko pero inangat ko din ito at muling tumingin sa bahay ngunit..
"A-austen?"
Mahinang usal ko ng makita ko ang isang batang lalake na nakasandal sa gate ng garahe habang kumakain ng cookies. Sunod sunod umagos ang luha ko. Nag uunahang umagos ang luha ko habang nakatingin dito. Naka short at polo tshirt habang naka sapatos at itim na relo sa kabilang kamay nito.
Tumangkad ito ng kaunti. Tumangkad ng kaunti ang anak ko. Mas lalong naging gwapo. Ang laki laki na ng anak ko. Lumabas kaagad ako sa kotse. Halos habulin ko ang hininga ko upang mabalik lang sa normal ang hininga ko. Nasasaktan ako habang nakatingin sa anak ko. Dahan dahan akong lumakad palapit dito, gustong gusto kong mayakap ang anak ko. Lumakad ako...
Pero
Napahinto din ng biglang lumabas si sofia. Napa atras ako. Hinawakan niya ang ulo ni austen at ginulo ito bago siya bumulong dito dahilan para tumango ang anak ko at pumasok sa loob. Nagtago kaagad ako sa isang kotse na naka park sa bahay nila ng nilibot ni sofia ang paningin sa paligid. Sumandal ako sa kotse habang sunod sunod umagos ang luha ko na parang ulan. Hindi ako makahinga dahil sa pag iyak ko. Nakita ko ang anak ko. Nakita ko si austen. Pumikit ako ng mariin at hinayaan ang luha kong umagos na parang ulan. Umiiyak akong sinilip ang gate na ngayoy sarado na.
Nanghina ako. Gustong gusto kong yakapin ang anak ko. Ang laki na niya. Lumaki ito ng wala ako sa tabi nito. Lumaki ito ng hindi ako kasama, ni hindi ko nasilayan ang paglaki nito. Umiiyak ako habamg bumabalik sa kotse ko. Nanghina ako at parang pinipiga ang puso ko.
Galit na galit ako sa kanila. Galit na galit ako dahil nilayo nila ang anak ko. Mas lalong umagos ang luha ko. Nag uunahang umagos ang luha ko habang nakatingin sa labas ng bahay kong saan nila ako tinaboy. Umilaw ulit ang phone ko sa tawag ni tita and this time sinagot ko na.
"S-sam?" nag aalalang boses sa kabilang linya ng marinig kaagad nila ang hagulgul ko. Natatkot ako. Natatakot akong baka galit sa akin ang anak ko. Natatakot akong baka kinalimutan na ako ng anak ko. Natatakot ako.
"please umuwi ka muna, please calm down" pagmamakaawa ni tita. Hindi ako makapag salita dahil nagbabara ang lalamunan ko. Humagulgul ako ng maalala ko ang anak kong kumakain ng cookies. Natatakot ako.
"n-nakita ko si austen." nanginginig ang boses ko ng nagsalita ako. Natahimik sila sa kabilang linya bago ko narinig ang kanilng malakas na buntong hininga. Napasandal ako sa backrest.
"please come home, makukuha din natin ang anak mo pero sa ngayon umuwi ka muna dahil bukas na bukas makikita muna sila"
EZEKIEL POV.
"goodmorning sir/maam."
Bungad sa amin ng nakapasok kami sa building kasama ang fiancee ko, ang parents ko at ang parents ni Sofia. Tuloy tuloy ang lakad ko sa mahabang pasilyo. Nakapamulsa ako. I don't know why, I kinda nervous. Nagkibit balikat ako at huminga nalang ng malalim.
"goodmorning sir/maa, this way po?." si emma na sinalubong kami. Iginaya niya kami papunta sa conference room. Naka kapit sa akin si Sofia habang nag lalakad kami. Pumasok kaagad kami ng pinagbuksan kami ng pintuan. Lumingon ako kay emma na nakatingin sa phone.
"wala pa sila?" malamig kong sabe. Ngaun ang meeting namin ni Ms. Vercase at ngaun ang pirmahan ng contract kong ilang taon silang mag trabaho. Umupo ako sa pinaka center na upuan habang nasa gilid ko naman si sofia na katabe ang parents nito at sa isa kanan naman ay ang magulang ko. Tumingin ako sa orasan, pasado 10 pm na at hanggang ngaun wala pa sila.
"papunta na po sir, medjo na traffic lang daw po." si emma na ngayon lang sinagot ang tanong ko. Tumango ako saka ako sumandal sa backrest ng upuan ko. Nasa harap ko ngaun ang contrata na kong saan malalaman mo kong kailan sila mag tatrabaho.
"i'm nervous." si tita ang ina ni sofia, napatingin ito sa asawa habang nakahawak sa puso ko nito tapos ngumingiwi. Napatingin kaming lahat dito. Nag request agad si danica ng tubig kay emma.
"why?" tanong ng fiancee ko
"i don't know why, sa bahay palang," Si tita habang umiinom na ng tubig na dala ni emma. I'm nervous too pero hindi ko pinahalata. Nag kibit balikat ako.
"ur not feeling well madame?." si danica na nag aalala. Umiling si tita at uminom lang ng tubig. Kinuha ko ang contrata at tiningnan ito. Limang taon silang mag tatrabaho dito sa amin. Pinaglaruan ko ang labi ko habang nakatingin dito. Ilang sandali pa dumating si emma na merong dalang meryenda na utos ni mommy kani kanina lang.
Nagtagal ulit ang paningin ko sa pangalang samantha. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ibaiba ang pakiramdam ko. Hindi ko lang mawari kong ano ano. Inalis ko ang paningin doon at tumingin sa relo ko dahil hanggang ngaun hindi pa dumadating. Huminga ako ng malalim.
"excuse maam/sir parating na po sila." Anunsyo ni emma.
Tumayo kami. Inayos ko ang business attire ko at huminga ng malalim bago ako naunang lumabas. Galing sa paris ang mga iyon kaya kailangan naming salubungin. Kumapit ulit sa akin si sofia. Dumaan ulit kami sa mahabang pasilyo. Dalawa ang conference room namin dito, isa sa 1st floor at isa sa 45th floor kong saan andon ang opisina ko pero mas pinili namin dito sa unang palapag para masalubong namin ang bisita
"what's up, morning." si marcos at dylan na kakarating lang. Nakipag high five ako sa kanila. Bumaling sila sa likod at bumati kina mom. Kasama ko sila dito. Business partner kaming apat pero yong isa naming kaibigan hindi pa dumating.
Narating namin ang intrance kasabay non ang pagdating ng puting van sa harap ng building. Hindi na namin pinansin ang mga empleyado na nakatingin din sa Van.
"back to ur work" dinig kong sabe ng manager.
"ayan na po sila sir."