CHAPTER 9

2300 Words
EZEKIEL POV. Umayos ako ng tayo at nanatili ang paningin ko sa Van na nasa labas ng building na hindi pa bumukas. Hindi ko pinansin ang mga taong nasa paligid namin. Nakapamulsa ako habang nakatingin doon. Nasa tabe ko si dylan at marcos habang nakatingin din sa van na hindi pa nabubukas. Huminga ako ng malalim. Lumipad ang paningin ko sa manager dito sa building na lumabas upang salubungin ito. Dahan dahan itong bumukas at lumabas doon ang isang lalaking naka blonde ang buhok habang nakasoot ng sunglasses o sabihin na nating bakla. Tumingin ito sa paligid bago napunta ang mata nito sa manager. Nag usap sila sandali bago tumabi ang naka blonde at sumunod na lumabas naman ay isang babae na merong salamin rin sa mata. Kinausap din ito ng manager. Tumabi ulit ang babaeng nakasalamin ng lumabas naman doon ang isang babae na naka sunglasses din. Mainit nga naman ang panahon, maganda ang panahon ngayon. Kinausap sila ng manager bago kami tinuro dito. Tumango ang babaeng nasa gitna nila saka sumunod sa manager na pumasok sa building. Pinag titinginan sila ng empleyado. Maganda ang babaeng nasa gitna nito na medjo meroj ng katandaan. Tinanggal kaagad nila ang salamin na soot nila ng tuluyan na silang nakapasok. "this way Ms. Vercase," dinig kong sabe ng manager pagkatapos kaming tinuro. Napa tayo ako ng maayos ng nagtama ang mata namin ni Ms. Vercase. Hindi ko mabasa ang emosyon niya lalong lalo na ang naka blonde ng buhok o yong babaeng mukhang nerd. Tiningnan nila ang kasama ko, isa isa nila itong tiningnan at nag tagal ang paningin nila sa parents ni sofia at kay sofia. Huminto sila sa harap namin at nasilayan ko kaagad ang nakangiti nilang mukha. Tumingin sa akin ang naka blonde na nakataas ang kilay. Kumunot ang noo ko. Anong problema ng baklang to? Bumaling ako kay Ms. Vercase saka ngitian. "i'm sorry we're late" hinging paumanhin nito pagkatapos mapasadahan ng tingin ang buong unang palapag. "It's okay Ms. Vercase" nakangiting sabe ko. Humakbang ako ng isang beses upang mag kaharap kami ng tuluyan. "welcome to valerian jewelries corporation" Nakangiting sabe ko bago ako nag lahad ng kamay. Tiningnan ito ni Ms. Vercase at matagal bago niya tinanggap. "thank you! It's an honor to work with you Mr. Valerian" nakipag kamay ako dito bago ko binalingan ang dalawang kasama nito na walang emosyong nakatingin sa akin. Sumipol si Ms. Vercase at tumawa ng bahagya at tinapik ang balikat nong naka blonde ang buhok. Naramdaman ko kaagad ang tensyon dito na hindi ko alam kong bakit. "by the way this is maguel or migz the photographer and my assistant and make up artist ms. Yna Gatchalian." Pagpapakilala sa akin ni Ms. Zoe. Naglahad ako ng kamay nito at tinanggap ni Yna na nakangiti ang kamay ko pero yong bakla mukhang napilitan pang tanggapin ang kamay ko. Ngumiti ako dito bago ako umatras dito. "it's an honor to meet you madame Vercase and your photographer and make up artist." nakangiting sabe. Lumapit ako sa mga kasama ko at isa isa ko silang pinakilala. Nakipag kamayan silang lahat. "and this is my fiancee, Sofia Claire Perez." pagpapakilala ko sa fiancee ko pagkatapos nakipag kilala ang magulang ko at ni sofia. Ngumiti si Ms. Vercase habang ang dalawa naman ang bulungan muna bago tinanggap ang kamay ni sofia'ang nakalahad. Pinagmasdan ko silang tatlo at kumunot ang noo ko na kulang sila. Where's the model? Nag tagpo ang mata namin ni Ms.Vercase. Nagtatanong ang mukha ko kong bakit kulang sila. "ohh are u looking the model Mr. Valerian, don't worry she's comming" yong bakla ang sumagot. I cleared my throat and I nod. Tumingin ako sa pamilya ko na nakikipag usap sa magulang ni sofia. "she's here!", anunsyo ng bakla habang nakatingin sa harap ng building na merong huminto doong isang luxury cars na nakatinted kaya hindi namin makita kong ang nasa loob. Kumabog ang dibdib ko habang nakatingin doon. D*MN! Humarap kaming lahat sa labas ng building. Salamin ang buong dingding nito kaya makikita talaga namin ang labas. Curious kaming lahat kong sino ang nasa loob nito. Tinted ang sasakyan kaya hindi namin makikita. My heart beating so fast and i know don't why. Nakatingin lang ako dito habang nakapamulsa. Pati mga empleyado napatingin dito. Nakatingin ang mga mata namin dito at hinintay na bumukas. "she's here!." nakangiting baling sa amin ni ms. vercase bago niya binalik ang paningin sa labas. Napatingin ako sa kasama ko at hindi matanggal ang paningin nila doon. Dahan dahan bumukas ang pinto kasabay non ang pagkalabog ng dibdib ko. Ang lakas ng pintig nito at halos marinig ko na sa sobrang tahimik namin. My heart is hammering like a madman wanting to escape from prison. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. D*mn it what happen to me? Pinilig ko ang ulo ng at binalik ulit ang paningin sa labas kasabay non ang pag labas at pagtapak ng isang maputing paa na nakasoot ng high heels, makinis ang paa nito. Kumalabog ang dibdib ko. Hindi pa namin ito tuluyang nakita dahil nakatakip dito ang pintuan ng kotse. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kong bakit ganito ako. What happening to me. Dahan dahan lumabas doon ang isang tao. Mula sa paa nito, nilakbay ko ng tingin ito hanggang sa makita ko ang makinis nitong likod habang nakalugay ang buhok nito. Nakatalikod ito sa amin. Nakasoot ito ng isang sexy dress na backless kong saan kitang kita ang makinis nitong likod at kong saan hapit na hapit ang kanyang soot sa katawan nito. Parang slow motion ang lahat sa paningin ko. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko, ni hindi ko na pinansin ang reaction ng iba. "hot!" rinig kong bulong ni dylan na nasa tabi ko lang. Nagkabit balikat ako at tiningnan parin ang likod nito. Ang tagal humarap. Nahagip naman ng paningin ko ang manager na lumabas upang salubungin ang bagong dating. Parang slow motion ang paningin sa akin ng makita kong dahan dahan itong humarap dahilan para tuluyan ng huminto ang t***k ng puso ko. D*MN IT! Kumurap kurap ako at sana hiniling na namamalikmata lang ako. Nanlaki ang mata ko at hindi ko maitago ang gulat sa aking mukha. Narinig ko ang singhap ng kong sino pero hindi ko pinansin, hindi matanggal ang paningin ko dito habang dahan dahang nag lalakad papasok sa building kong saan kami. Huminto ang t***k ng puso ko. F*CK! Matangkad, makinis, maganda and she's change a lot. Tiningnan ko ang mukha nito, nakangiti ito pero walang emosyon ang mukha, ang daming kumukuha ng picture sa kanya habang siya naman ay kumakaway. Naka lugay ang cinnamon nitong buhok at ang sexy niya sa soot niya habang hawak hawak ang purse nito. She's change a lot! Hindi ko alam kong anong maramdaman ko. Hindi ko alam kong ano ang pinakita kong reaction. Masyado akong gulat sa nakita ko. Nahagip ng paningin ko si tita na laglag ang panga habang nakahawak sa puso nito. Hindi ko matanggal ang paningin dito habang palapit sa amin. Hindi ko nakita ang reaction ng lahat dahil nanatili ang paningin ko dito. Sinalubong kaagad ito ni Ms. Vercase at hinalikan ito sa pisngi. "s-samantha?." Rinig kong bulong ni tita pero kami lang ang nakarinig nito. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. She's change a lot. Ang daming nagbago dito, mula sa katawan at sa lahat lahat. "i'm sorry, i'm late" ang boses nito walang pinagbago. Kalmado ang boses nito habang hinalikan ang pisngi ni ms. vercase. "it's okay" rinig kong sabe ni ms. vercase bago ito humarap sa amin na nakangiti. Nanigas ako sa kinatayuan ko ng tuluyan itong humarap sa amin. Nakangiti ito pero walang emosyon ang mukha. "everyone this is my model, SAMANTHA ALEXANDRIA VERCASE who i'm talking to you" D*MN IT! Pagpakilala nito sa sinasabe nitong model. Tiningnan kami ni sam isa isa at nagtagpo kaagad ang mata namin pero nilagpasan niya lang kaagad ako ng tingin at bumaling sa mga kasama ko. "nice to see u again" SH*T! --end of ezekiel pov. SAM POV. Isa isa ko silang tiningnan. Mula ulo hanggang paa tiningnan ko sila. Muli kong nasilayan ang mga tao limang taun kong hindi nakita. Ang dalawang lalaki na nakangiti habang nakatingin na nasa tabi ni kiel na namumutla at hindi maitago ang gulat. Ngayon ko pa ito nakitaan ng emosyon. Nilagpasan ko ng tingin si Kiel at nilipat ang paningin ko sa fiancee nito na gulat din napatingin sa akin na namumutla. I smirk! Ngumiti ako ng matamis kay sofia pero hindi nila makikita ang emosyon ko. Bilib talaga ako sa sarili ko na kahit anong galit ko dito, nagawa ko paring tigilan. Lumapit ako dito at nakita ko kaagad ang pagkapit ng kamay niya sa braso ni Kiel. Tumaas ang kilay ko sa galaw nito. "i'm glad because i finally meet u again sofia, ang fiancee ng boss ko." nakangiting sabe ko habang nakalahad ang kamay ko dito. Kong meron man akong galit dito hindi nila mahahalata dahil nakangiti ako. Nahagip ng paningin ko ang pagkapit nito ng mas mahigpit sa braso ni Kiel. Ngumisi ulit ako ng palihim. Tumingin ulit sa akin si sofia na namumutla bago niya dahan dahan inangat ang kamay nito upang makipag kamay sa akin pero bago yon, binaba ko na ang kamay ko dahilan para maiwan sa ere ang kamay niyo. "napagod ang kamay ko, tagal mo kasing tanggapin e." ngising sabe ko saka ako bumaling sa magulang ni kiel na seryoso lamang habang nakatingin sa akin pero mababakas sa mukha nito ang gulat. Hindi na ako nag lahad ng kamay nito at umatras na ako. "it's nice finally see u again maam and sir and of course mr.mrs perez, goodmornig "nakangiting sabe ko bago ako bumaling kay tita na seryoso. Nakasoot ako ngayon ng blackdress ng kong saan hapit na hapit ang katawan ko at kong saan kitang kita ang likod ko. Hindi ko binalingan si kiel pero alam kong nakatingin ito sa akin. Pumikit ako ng mariin. Palihim kong kinuyom ang kamao ko ng maramdaman ko ang galit sa puso ko. Muli kong nasilayan ang mga taong isa sa sumira ng buhay ko. Muli kong nasilayan ang mga taong dahilan kong bakit ako naging ganito. Humarap ako kay tita at naramdaman ko kaagad ang pagpakalma nito sa akin. Naninikip ang dibdib ko habang nakikita sila. Naalala ko lahat ang ginawa nila dahilan para hindi ko mapigilan ang galit ko. Calm down sam! Huminga ako ng malalim bago ako humarap sa kanila na walang emosyon ang mukha. Pinagmasdan ko ulit sila na nakatingin parin sa akin. Lumipat ang paningin ko sa aking ina at ama na nakamaang ang bibig habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin ng maalala ko ang ginawa nila sa akin. Hindi ko maimagine na magagawa ko un sa anak ko. Hindi ko alam kong paano nila nagawa sa akin un. I dont know na kahit balibaliktarin man ang mundo hindi ko parin maintindihan "i'm sorry, i'm late." napatingin kami sa intrance ng pinto ng biglang bumasok doon at nag salita si thomas. Ngumisi ako ng magtagpo ang mata namin. Bumaling naman ako kay sofia na kong kanina namumutla ito at ngayon naman ay parang nawalang ng dugo kong sino ang dumating. Si thomas! Ang taong katabe ko sa hotel limang taon ang nakalipas. I still remember kahit sa picture ko lang nakikita. Lumapit ito sa akin kong saan ako at tumabi mismo sa akin. Nagulat sila pero ang mukha ni sofia ay hindi na maipinta. Bago kami nag punta dito at hinanap ko ito gamit ang private investigator namin at buti nalang andito lang ito sa pilipinas. Kinausap ko ito at sinabe sa akin nito lahat. "nice to see u again, maam sofia." nakangiting sabe ni thomas habang sa sofia'ang namumutla. Napatingin ako kay kiel na nakatiim bagang nakatingin sa lalaking katabe ko. Sempre naman kilala nila itong lalaking katabe ko dahil siya lang naman ang kasama ko sa picture. SAM POV. Mas lalong namutla si sofia ng binati siya ni thomas. Nanatili ang paningin ko dito at hindi ko maitago ang ngisi ko. Naka kapit ito sa braso ni kiel na ngayoy naka kunot ang noo na. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming lahat dito. Hindi ko binalingan ang pamilya ko. Hindi ko sila tiningnan kahit na alam kong nakatitig parin ito sa akin. "u know him sofia?." gulat na tanong ni Kiel sa sofia'ng mas lalong namutla. Ramdam ko ang kaba dito dahil ikakunot ng noo ko. Nakatingin dito si kiel habang nakaturo ang kamay nito kay thomas. Malaman nila ang totoo o hindi, wala na akong pakealam doon. Para saan pa? Sirang sira na ako e. Nasaktan na ako ng sobra sobra. Walang kapatawaran ang ginawa nila. Ang sakit sakit ng ginawa nila sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at isinantabi ang pag iisip. "o-of course not" matagal bago nakasagot si sofia. Tumaas ang kilay ko sa sagot nito. Hindi ito mapakali at kinakabahan. Napatingin ito kay danica na para bang humihingi ng tulong. "oo naman sir, we know each other diba maam sofia? Ang bilis niyo naman pong makalimut." nakangising sabe ni thomas. Bilib din ako sa lalaking to. Umiling ako dahil alam ko galit rin ako dito dahil parte ito sa pagsira ng buhay ko. Napatingin na ngaun ang lahat kay sofia na naka kunot ang noo at nag hihintay ng sagot. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Bumaling ako kay ezekiel at ngaun ko lang napansin na ang laki rin pala ng pinagbago ng lalaking to. He's successful. Kilala na sa lahat ang VJC nito. He's one of the most eligible and hottest bachelor in the philippines. Umiwas ako ng tingin dito at binalik kay sofia na gulat na nakatingala sa fiancee. "of--"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD