HABANG yakap-yakap ni Nicolo si Jeany ay isang matinding pangangailangan ang kaniyang naramdaman. Na mas tumitindi habang tinititigan niya ang mukha nito na puno ng kainosentehan bagaman napakaganda. Para siyang nalalasing sa napakabango nitong amoy. At ngayon na hawak-hawak niya ang napakalambot nitong mukha, habang nakapikit naman ito, natutukso na siyang muling tikman ang nakakaakit nitong mga labi. Iyong halik na nasa tamang huwisyo siya, at hindi lasing. He moved closer until their faces are just inches apart. Hindi niya iyon dapat na ginagawa dahil mahal niya si Gwen at ayaw niya itong pagtaksilan. Kahit sabihin pang maghihiwalay na sila. Pero hindi kayang pigilan ni Nicolo ang kakaibang damdamin niya para kay Jeany. Ni hindi niya alam kung bakit niya iyon nadarama. Ngunit tila may