Chapter 30

1525 Words

SA sobrang pagkapahiya kaya hindi agad bumalik sa loob ng resthouse si Jeany. Naghanap muna siya ng puwesto para pansamantalang magtago kay Nicolo dahil feeling niya ay nangapal ang kaniyang mukha. Ngayon lang niya higit na naramdaman ang matinding kahihiyan. Hindi naman niya gustong demonyohin si Nicolo. Totoo na gusto lang talaga niya itong bigyan ng aliw kahit sandali lang, at kahit hindi niya rin alam ang eksaktong gagawin. Awang-awa kasi si Jeany sa natuklasan niyang pinagdadaanan nito. At iyon din ang inudyok sa kaniya ng puso niya, at sinunod lang niya. Habang nakaupo sa lilim ng mga puno ng lansones ay biglang bumuhos kay Jeany ang malakas na ulan. Mabilis siyang napatakbo pabalik sa resthouse. Pero dahil malalaki ang patak ng ulan kaya nabasa pa rin siya. Huli na rin dumating

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD