"AALIS nga pala ako next week. Pupunta kami ng New York ni Pareng Reuben. Confirmed na nasa Chinatown nga si Master Gong Lee," wika ni Nicolo kay Gwen. Linggo noon at parehong walang pasok sila. "Okay. Mag-iingat kayo. Malaking pader ang babanggain n'yo," sagot ng asawa na hindi man lang itinigil ang pag-aayos ng mga gamit. Dadalaw kasi ito sa bahay ng mga magulang, kasama si Elliana. "Kailan nga pala ang balik mo?" "Hindi pa sigurado. Depende sa misyon namin." "Pero paano ang annulment?" At saka lang nito itinigil ang ginagawa. "Nag-promise ka sa'kin na after one month ay magpa-file na tayo. In fact, ngayon ko sasabihin kina Mama at Papa ang tungkol dito. Pati na rin kina Kuya Dean at Kuya Liam." Sa nakikita niyang determinasyon sa mukha at boses ni Gwen, tuluyan nang nawalan ng pag-