Chapter 31

1878 Words

PAGKATAPOS nilang kumain ay nanood muna sila ng television ni Nicolo para magpatunaw ng kanilang kinain. "Mukhang wala ng balak na tumigil ang ulan kaya dito na muna tayo magpalipas ng gabi. Tutal basa pa rin naman ang mga damit natin, eh." Tumayo si Nicolo at pinatay ang television. "Ihahanda ko lang ang tutulugan mo." Kanina pa naiisip ni Jeany na posibleng sa resthouse na sila magpapalipas ng gabi. Alas nuebe na at malakas pa rin ang ulan sa labas. At lalo siyang naiilang sa ideyang magdamag silang magsasama ni Nicolo sa iisang bahay na solo nilang dalawa. "Sige na, pasok ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na." Nilingon niya si Nicolo na bumalik na sa sala at may dala-dalang unan. "Iisa lang ang kuwarto na ipinagawa ko rito kaya doon ka na at dito na ako sa sofa." Nagpalipat-l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD