Chapter 41

1139 Words

"HINDI ako katulad niya na sinasaktan ka lang. Pinaiiyak ka lang..." Napahinto sa pagkanta ng Hindi Ako Katulad Niya song si Nicolo nang tuksuhin siya ni Reuben. "Hindi ko alam, Sir, na bumalik ka na pala sa pagiging singer. At kanta pa talaga ni Jeremiah ang napili mo, ha. Hugot na iyan." Binalingan pa talaga siya ni Reuben para tudyuhin. "Ngayon, masasabi ko na talagang masaya ka sa pagiging in love." Tinawanan lang ni Nicolo ang kaibigan. "Nahawa lang ako kay Jeany. Iyon kasi ang madalas niyang kantahin, eh." "So, talagang si Jeany na ang bagong love mo at hindi na si Gwen? Nakapag-move on ka na ba totally sa kaniya, Sir?" Sandaling huminto sa pagtitipa sa keyboard ng computer si Nicolo nang marinig ang tanong ni Reuben. Sumandal siya sa swivel chair at saglit na kinapa ang sarili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD