NAWALA ang pagkailang ni Jeany kay Nicolo nang magsimula siyang mag-enjoy sa panonood na katabi ito. Hindi ito nagrereklamo kapag nahahampas niya sa braso kapag nanggigigil siya sa palabas. Panay din ang palitan nila ng opinyon. Walang kapaguran din na sinasagot ng lalaki ang bawat katanungan niya. "Ano nga po pala ang ginagawa sa mga pulis o alagad ng batas kapag nahuli silang nagkasala?" "Pinapatawan sila ng administrative case. But the procedures may differ depending on the type of the national legal system." "Ah, gan'on po pala 'yon, Sir Nic?" Tumango lang si Nicolo at muling tumutok sa panonood. Pero nang may nag-alok ng popcorn at tubig ay bumili ito. At dahil malaki ang lagayan ng popcorn kaya sinabi ni Jeany na isa lang ang bilhin at hati na lang sila. Na pinagsisihan din naman