FOUNDATION DAY. Kabado na nakaharap sa malaking salamin si Jeany, kung saan ay inaayusan siya nang dalawang stylist na binayaran ni Nicolo na sumama sa kanila sa school para ayusan siya. "Relax ka lang, okay?" wika ni Gwen na kanina pa naroon sa dressing room para palakasin ang loob ni Jeany. "Maglalakad lang naman kayo sa buong gymnasium, eh. Pagkatapos ay saka kayo aakyat ng stage. Uupo lang kayo roon hanggang matapos ang oath taking ceremeny ng mga GPTA Officer." "Thank you po, Ma'am Gwen. At pasensiya na po dahil high school pa ako nang huli akong mag-muse, eh. Kaya kabado ako," magalang niyang tugon. "Baka ho hindi na ako marunong magsuot ng heels." "Don't worry. Kasama mo naman ang Sir Nicolo mo,beh. I told him na alalayan ka palagi para hindi ka matapilok." Pagkatapos ay nagpaal