Chapter 23

1810 Words

WALANG tigil sa pagrarambulan ang t***k ng puso ni Jeany habang naghihintay kay Nicolo na nakapila sa bilihan ng ticket. Hindi naman talaga totoo na takot siya sa dilim. Dahilan lang niya iyon para hindi siya nito yayaing manood ng sine. Pero imbes na makalusot ay napasama pa yata. May tiwala siya kay Nicolo. Ngunit hindi mapigilang isipin ni Jeany na paano kung bigla na lang siyang yakapin o halikan uli ni Nicolo? Wala sanang problema kung binata si Nicolo. Baka puwede pa niyang pagbigyan ang sarili na maging ilusyunada kahit sandali lang. Pero batid ni Jeany na hindi niya puwedeng bigyan ng ibang kahulugan ang papalakas na papalakas na t***k ng kaniyang puso sa tuwing tumitingin siya sa mga mata ni Nicolo. Dahil una, may asawa ito. Pangalawa, amo niya ito at yaya lang siya. Maliwanag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD