WARNING: This chapter contains scenes that some readers may find disturbing (SPG). Intended for MATURED readers only. Thank you. "BAKIT ayaw mong sumama sa'kin pabalik ng mansiyon?" nagtatakang tanong ni Nicolo pagkatapos na tanggihan ni Jeany ang alok nito na doon na siya uli titira. "Ayaw mo bang makasama ako roon?" "Siyempre gusto kitang makasama, Nic. Kaso naiilang ako, eh. Ano na lang ang sasabihin sa'tin ng mga tao? Nila Manang Tasia, Mang Pico, at Nina?" katwiran ni Jeany na mababakas ang pag-aalala sa boses. "Na naghiwalay kayo ni Ma'am Gwen dahil nambabae ka at ako iyon? Na inakit ko ang amo ko at home wrecker ako?" Inabot ni Nicolo ang mukha ni Jeany at ikinulong iyon sa mga palad nito. "I told you na hindi mahalaga sa'kin ang sasabihin ng ibang tao, my angel. And don't worr